Sunday, August 23, 2015

Every Semester's Clumsiness


I knew everyone of us have their own embarrassing moments that they will never forget in their entire life. Those moments that keeps you on thinking that “Is that really happened? Or it was just a dream?” Those moments that makes you laugh every time you remembered it. And it was just like seeing yourself smiling and people see you and they will told you that “You’re crazy!” Because they doesn’t knew why are you smiling? No one of us does not experience this kind of situation. And I am here to share my own experience and it’s just like “Ugggh”.

FIRST YEAR SECOND SEMESTER:

After we take our midterm examination in Communication Arts. Our professors gave us some break to refresh our minds. Then my classmates talk to me and she wanted something on me (I forgot what it is.) then I just ignored her. I get my bag and I start to run. She run after me. I run outside the classroom. I ran very fast but that’s not enough to defeat my classmates, she reached my bag while running. “BOOOOMMM BLAAGGG!!!!” The next thing happened was I found, myself fell on the floor and all eyes on me and they all laughed and shocked. I feel very embarrassed. I stand up fast and get inside the room. I sit just like mothing happened. I chuckle a little. I forgot that the floor are slippery and also my shoes. On that day I promised to myself that it will never happened again.

SECOND YEAR FIRST SEMESTER:

It was happened after our PE class. We fix our things and also ourselves after that extremely exercises. On that time, I have done fixing my things and I’m just waiting my friends outside the Badminton Court. Then I forgot something so I get inside again. While walking I stepped on the heavy metal thing and inside of it was a drainage. The next thing happened was that my left leg fell in the drainage and the heavy metal are also fell into my foot. I cried that time, I was really hurt. I can’t walk properly. Our professor hurriedly went outside to check what happened. My classmates helped me to remove the heavy metal thing in my foot and they also helped me to stand. I cried so much. I got bruised and wounded. They asked me if I’m okay when it obviously NOT! Almost a month before it healed. But until now I feel something on my left every time I got a tiring day. It’s been a year since it happened. Until now I can’t forget it. Since then, I started to be careful every time I saw a drainage.

SECOND YEAR SECOND SEMESTER:

We are waiting for our professor to come when I wanted to go to Comfort Room. I get outside the room and walk down stairs. After I used the Comfort Room, I heard something. My classmate shouting “Ma’am is here!” I get panicked because of what I heard. I’m afraid to be mark late or absent. That’s why I ran upstairs when I miss one step. The next thing I knew is that I found myself like the position of a dog. I hurriedly stand up because I’m thinking on my next class. I didn’t gave attention for those people around me that are laughing out loud because of me. What a life!! What’s next? Ready for next semester. (Sarcastic)

THIRD YEAR FIRST SEMESTER:

My Foot (Namamaga)

My Red Bag That Saves my Life

My Handkerchief. I used it to wiped the dirt

My blue jogging pants

Dirty Pants

My V-Neck White Shirt


My Dirty TShirt


Actually it was happened last Friday. It was raining. I woke up early to go to my classmate’s house to do our reports. I went there very clean and fresh. Wearing blue jogging pants, white V-Neck shirt, slippers that are bigger than my feet, a rosary and earrings. I bring my back pack too. When we finished our reports. We fixed our things and also ourselves. We are now ready to say “Goodbye and thank you for the foods!” I started to walk when suddenly. “Pllaaaakkkk”. Before I stand up I take some seconds to think while lying on the ground. “What happen? Is this true? Or I’m just dreaming?” I stand up and face the reality. Yes it’s true I fall again. I found myself again lying on the ground just like a kid. All of my groupmates are laughing. I feel very embarrassed that time. It was my fourth time. I washed my foot then I just figured out that I have bruised and wound on my left foot again. It’s bleeding. My white shirt are full of mud, my jogging pants, my handkerchief and my bag. I look like a beggar. I thanks the Lord because that time I’m wearing my bag that time, because if not. There’s a possibility that my head will first hit the ground. My classmate offer me to change my clothes and I accept it. Then I say thank you. And we go home looking at the way.

Yeah I should accept the fact that I am born in this world with my clumsiness. Hohohoho!! Do you know what I’m thinking right now? It will be happen next semester again? If yes? In what way? In what cause? In what position? In what place? In what time? And by whom? So I can be prepared. Hahahaha... I should be careful next time. Or should I say there will be NO MORE NEXT TIME! 

I’m ready for more embarrassing moments that will happen in my life in the future. Embarrassing moments can make you smile/laugh alone while others doesn’t know why are you smiling. MORE EMBARRASS MOMENTS TO COME!!! READY FOR MORE EPIC FAIL TO COME!!


See you!!

Saturday, August 22, 2015

Best Hobby



My Notebook that contains my works.

Ano ba ang lagi mong ginagawa kapag bored kana? Ano ang mga ginagawa mo para mawala ang pagkabagot mo? Namamasyal? Kumakain? Kumakanta? Gumuguhit? Sumasayaw? Natutulog? o ginagawa mo ang bagay kung saan ka nagiging masaya. Saan ka nga ba masaya? Sa anong gawain nawawala ang pagkaboring mo? Nandito ako para ishare ang aking natatanging gawain sa araw na boring.

Nasa Elementarya pa lang daw ako mahilig na akong magbasa at sumulat ng kung ano-ano. At napatunnayan ko ito dahil hanggang ngayon hilig ko pa din itong pampalipas oras. Hindi ako masyadong nagbabasa ng nobela. Depende na lang siguro kung gusto ko yung kwento. Ang mga bagay na gusto kong basahin ay yung mga articles na mababasa sa dyaryo at sa internet. Bakit? Una dahil ang mga sinusulat nila dito ay pawang katotohanan at inilalahad nila dito ang kanilang opinyon sa mga bagay-bagay. Dahil dito, nagkakaroon ako ng maraming ideya sa mga bagay-bagay. Nagbabasa din ako ng mga blog ng mga sikat na personalities. At meron akong nabasa na parehong pareho kame ng paraan kung paano sisimulan ang pagsulat ng isang artikulo. At natuwa ako dun dahil may karamay pala ako. Yung paraan ng pagbibigay ng pamagat sa gawa niya. Pareho kame mag-isip. Nakakatuwa lang.

One of my work.

Pero hindi sa lahat ng bagay nakakaisip ako ng maraming ideya. Kadalasan pumapasok lang ang sandamakmak na ideya sa utak ko kapag gabi na. Yung tipong ako na lang ang gising, tulog na sila, tahimik at nakakapag-isip ako ng tama. Gusto ko kasi yung ako na lang ang gising. Walang istorbo. Hindi ko kasi magawa ng maayos ang isang bagay pag wala talagang pumapasok sa isip ko. Kung meron man, minamadali ko ito at kadalasan hindi ko nagugustuhan ito dahil minadali lang. Ang gusto ko kasi yung tipong matagal pero tiyak na maganda. 

Kailan nga ba ako nagsusulat? Kadalasan napag-iisip kong magsulat kapag may mga magagandang bagay na nangyayari sa akin sa araw na yun'. O kaya naman may sumisikat na kaiibang bagay ngayon sa mundo. Kadalasan din nakakapagsulat ako kapag masama ang loob ko. Sa pagsususlat ko binubuhos ang sama ng loob ko. Dahil kahit papano gumagaan ang loob ko. Nagsusulat din ako kapag may umusbong na sikat na isyu tungkol sa politika, edukasyon, personalidad, kalamidad, krimen, at kung ano-ano pa. Dito ko naman nilalahad ang mga opinyon ko sa bawat partikular na isyu, minsan nga naglalagay pa ako kung paano masusulosyunan ang mga ganong gawain. At kapag natatapos ko ang mga ito, ang saya ko.. "May maidadagdag na naman ako sa koleksyon ko".

Nakakalungkot lang dahil nag-aaral pa lang ako ngayon at hindi ko na ito masyadong mabigyan ng atensyon dahil abala ako sa mga gawaing pammpaaralan. Pero kahit ganto, tinotiyak ko na hindi matatapos ang isang buwan na walang madadagdag sa mga koleksyon ko.

Kapag may Essay sa mga eksams, natutuwa ako dahil maiilahad ko na naman ang mga sarili kong pananaw sa mundong ibabaw. Mailalahad ko na naman ang mga bagay na alam kong tama at makakabuti sa lahat.

Habang ginagawa ko ito ngayon, ako lang mag-isa ang gising. Tahimik. At nakakapag-isip ako ng maayos. Gabi ngayon habang ginagawa ko ito. Sinulit ko na dahil apat na araw naman kameng walang pasok.


Sana mapuno ko ito. At mapaunlad pa ang kakayahan ko.

Ang lahat ng laman ng kwadernong yan' ay aking ipo-post dito sa blog ko. Aayusin ko pa kasi ng kunti.



"Huwag madiliin ang lahat ng bagay, dahil lahat ng minamadali  nasasayang, nasisira at nawawala."


Friday, August 21, 2015

Treasure: Love, Friendship and Memories

Years, months, weeks, days, hours and minutes, time flew so fast
We did not realized it was become our past
Moments and memories will  never be forget
A very precious treasure that no one can get

Life can’t be predict, we did not know what happen
You can’t write whats next in life just using a pen
Because God has a unique plan for us
He has a reason, but we don’t know what it is

A person enters to our life for a missions
Maybe to hurt, help us or teach us lessons
But whatever their role to us I am thankful
‘Cause you made my life not boring but wonderful

Thank you for being part of my journey in life
I just want you to be part again of my life
Lets continue this relation and never end
“Memories of You and I forever”, no end

























    This poem is made for all of my Friends... I love you all.. 

PS. I do not own any pictures here..
Credit to the owners...

Ala-Ala Ng Nakaraan, Nagpapangiti Sa Kasalukuyan, Sa Hinaharap Ay Kayamanan






Ano nga ba sayo ang isang matalik na kaibigan? Para sa akin napaka halaga na meron kang nag-iisang matalik na kaibigan. Dahil ito ang taong dadamay sa problema mo  at dadamayan mo din.  Taong makikinig sa mga drama mo. Taong magtuturo sayo ng kabaliwan at kalokohan. Isang tao na  hindi mo inaasahang magiging kaibigan mo  hanggang ngayon. Taong manlilibre, magpapasaya, magpapatawa at kahit sa mga malulungkot na nangyayari sa bawat isa satin. Hindi sila yung taong kilala ka lang kapag kailangan ka nila. Hindi sila yung taong sisiraan ka kapag nakatalikod ka. Sila yumg tipo ng taong magsusurpresa sa iyo tuwing kaarawan mo. Nagpaplano ng kalkohan sayo. Pagtritripan ka. Pero matatawa ka na lang sa kanila. Pag nakahanap ka na ng tunay na kaibigan, huwag mo na sana itong pakawalan dahil sa lawak ng ating mundong ginagalawan mahirap na ang makahanap ng tunay na kaibigan. At nahanap ko na ang taong ito.




Micah Samantha Santos Bernardo. Ang pangalan ng matalik kong kaibigan. Ang nagbigay ng liwanag at kalokohan sa buhay ko. Nagbigay ng kulay sa high school life ko. Dahilan upang maging kapakipakinabang ang bawat oras ko sa eskwelahan.

Paano nga ba nagsimula ang lahat?!

Ang takbo ng ating masasayang kwento ay nagsimula sa isang “Private School” na di ko inakalang magkakaroon ng malaking gampanin sa ating pagkakaibigan. Isang School na di ko akalaing dito tayo bubuo ng masasayang araw na puno ng kalokohan na di malilimutan, isang school na naging saksi sa lahat ng kasiyahan at kalungkutan natin.. Isang School na di ko makakalimutan ang “SJDM Cornerstone College former SJDM Cornerstone Academy”. Ang School na naging parte ng magagandang ala-ala natin.. :D

*** I-Mars ang ating First Year Section kung saan nagkakakilanlan pa lamang ang lahat.. Naalala ko nung first day natin bilang higschool ( kung hindi ako nagkakamali ) Si Mommy mo at si Nanay  ko ay nag-uusap no`n. Tapos tinawag ako ni nanay at tinuro ka. Mahaba pa ang buhok mo nu`n at mukha kang mataray. Hahahahaha!!! At ang tahimik mo pa!! ( Parang ako hinde ah?! ) Sa pagtawag nu`n ni Nanay pahiwatig na kaibiganin kita.. Pero nung tumingin ako sayo, tumingin ka lang din.. ( Di man lang nag Smile??! Badtrip ata agad nung First day??! ) Mukha tlagang mataray.. Hahahaha!!! Nung mga oras na iyon iniisip ko na imposibleng maging kaibigan kita dahil mukhang di tayo magkakasundo… Pero nagkamali ako… Sobrang mali..  >_<

*** Si Euhnel Bagon ang naging daan para makilala kita.. Si Euhnel na parang ang lakas ng tama sayo!!? Parang baliw ei!! Parang tomboy na tomboy sayo??! Lagi akong tinatanong tungkol sayo? Ei di pa naman kita gaano kakilala no`n.. Di ko nga akalaing magiging “ Bestfriend” mo yun ei??! Lagi niya akong tinatanong kung sino ang bestfriend mo o lagi nyang tinatanong kung sinong bestfriend mo ang nilalagay mo sa mga slumnotes mo yung mga autographs.. ( seems so weird ??! right? ) Pero kung hindi dahil sa kanya hindi ko malalaman na mabait ka pala talaga ( Halata naman di sa kilos mo ei??!! Hahaha!! ) Although minsan back fighter talaga siya, “Plastik” kumbaga.. Sa tuwing nag kakausap kame ikaw ang ultimate topic namin!! Hahaha!!! ( di ako tsismosa ah?? Nagkwekwento siya ei kaya pinakinggan ko na din kaysa naman na magmukga siyang baliw?! Ahahaha!! )  Nagsimula ako nun na kausapin at kaibiganin kita dahil kilala ko naman lagi yung kasama mo si Mary Grace Mariano naging classmate ko siya nung elementary ei.. kya di naging mahirap sa aking na kaibiganin ka.. At hindi nga ako nagkamali sa pagsama ko sa LG ( remember?? Kaw pa ata founder nyan ei!!! Hahahha!!! Ayoko sabihin ang meaning masyadong SPG.. hahaha!!) Naging Masaya ako kahit di naman talaga ako member hahah!!! Saling pusa kumbaga… Pero atleast kasama ko ang baliw na tulad mo..!!  =)

*** Natatawa ako sayo nung nag Monita, Monito tayo nung First year.. Yung may codename na “Wanted Girlfriend”… Remember?? Hahaha!!! Nakipag agawan ka nu`n dahil sabi ni Felix kay Kenneth yung codename nay un.. eh si Kenneth Joseph Delatado pa naman ang “Ultimate Crush” mo!!! Ayyyyyiiiiiieeeeee!!! Kaya ayon kainabukasan ata yun nagdala ka ng malaking gift compared sa iba.. Tapos si Felix pala yung wanted girlfriend!!! Lakas Trip nuh??!! Todo effort ka nun ei!! Hahahaha!!! Di ko yun makakalimutan!!! Hahahaha!!!  -__-

*** Medyo nagging close na tayo nung time na nagdecorate kayo na room ng I-Mars para ata yun sa X-Mass Party?? ( Tama ba??!! ) Medyo badtrip ka ata nun kasi pinaghirapan nyo yun tapos sisirain lang??!!! Ang malupet pa ay si crush mo pa ang sumira??!!! Ahahahha!!!  Yung effort mo na si crush mo lang ang sisira nung pinag hirapan mo??!!! Todo busangot yung tsura nya ei!! ^_^V

*** Uhmmm.. Naalala mo pa yung dinamay tayo ni Celestine Quizon sa problema niya???!!! Epic!! Yung naglayas siya dahil sa “Family Problems niya???? Grabe firstime kong magpatira ng kaibigan sa loob ng isang gabi sa bahay!! Tsk.. tawag pa nga ng tawag yung mga parents niya sayo at sa mga “Dre” hahahaha!!! Binulabog ni Celestine buhay natin nu`n!! Sabi pa nga ni mam Jhen “Sisirain nyo pa yung malinis na pangalan nyo!” ahahaha!!! I will never forget that!!! Sinabi pa nga natin na “ Tumutulong tayo sa problema ng iba, sarili nating problema di natin masolve at walang tumutulong!!” hahahaha!!!  Grabeee yung araw na yun!!! Puro Lies ang mga sinabi ei… hahahahaha!!! *_*

*** Naaalala mo yung sa EK?? Sa Enchanted Kingdom?? Yung Jungle Long Jumped??!! Excited ako nu`n dahil sabi mo mababa lang at isang bagsakan lang yun!!! Kaya ayun ang tapang ko!!! Tiwala ako sayo ei!!! Nagmamadali pa ako!!! Excited ei!!! Tapooooooosssss!!!! Nung nakasakay na dalawang bagsakan pala yun!!! Mas mataas pa yung pangalawa!!! Grabeee ka nu`n!!! You Lie to me!!! ( echoos Xd ) Tapang tapangan pa ako nu`n di ko pala kaya.. Pero atleast another experience ulit yun from you!!! Even if im afraid of heights!!... >_____<

*** Nung Birthday ni mam Jhen.. hahahaha!!! Another one yun!! Yung nagbigay tayo ng isang unique na cake sa kanya at ang mga co-teachers nya lang din yung kumain?? Kunti lang nakain nung bday celebrant??!! Unfair!! Hahahaha!!! Ang saya ko nun dahil napasaya natin si mam Jhen.. Nakakataba ng puso kapg may napapasaya tayong ibang tao.. hahaha!! ( OA ba??!! Yaan mo na minsan lang yan!! ) tapos nung magpapaalam dapat ako kay tatay, kung ano anong kasinungalingan ang sinabi ko… at ang linyang ito na di ko malimot!! “ Atleast wala na silang magagawa? Nagawa mo na ei??!!” hahaha!!! Remember??! Para kang BI per ok lang gusto ko din ei!!! HAHAHAHAHA!!!! +___+

*** Uhmm… Yung kopyahan natin during exams??!!! Hahahaha!!!! Tulungan sa lahat ng bagay para sabay sabay ding gragraduate!!! Ahahahaha!!! Ang astig kaya nun!! Kakampi pa natin yung proctor natin na minsan si mam Jhen yung proctor !!! hahaha!!! Kasabwat yung adviser sa kalokohan ei noh??? Kaya paborito ko si mam Jhen ei!!! Unique siya sa lahat ng adviser na nakilala ko!!! She is really different!! Ahahahaha!!!! Yung mga technique natin sa kopyahan?? Hahaha!!! Yung gagamit ng kamay este daliri at binigyan natin ng signs??!!! Hahaha!!! Effective ba??!! Kalokohan talaga !!!  Great Job!!!  Two Thumbs Up!!! *____*

*** Ei yung nag motorbike tayo ??! driver si Collantes?? Para din ata yun sa X-Mass Party??!! Hahaha!!!! Firstime kong sumakay ng ganun!!?? Takot na takot akong sumakay sa ganun ei!!! Napilitan lang dahil iiwan nyo ako ei!!! Ayoko pa naman ng ganun.. Iiwan ako!!  Kaya kahit ayaw ko sumakay ako!! Hirap na hirap pa nga akong sumakay no`n ei!!! Hahaha!!! Taga bundok kasi ako!! Hahaha!!! That was my firstime too.. ^__^

*** Ei yung naging kayo ni Joseph??? Sino kaya yung nagbunyag na crush mo si Joseph?? ( Ako ata yun?? Hahaha!!! ) hahaha!!! Di ko malimutan yun!!! Kumuha ako ng papel at stabile ang pinangsulat ko dun at pinakita ko sa kanya, inaagaw mo pa nga sakin yun ei!!! HAhahahahahaha!!! Pero di ka nagtagumpay!!! Ako ang nag wagi!!! :P
At ayyyyuuuuuun nga naging kayo… Ok lang kahit di kayo nagtagal may nakalaan na pala sa yong iba ei!! Ahahahaha!!!! Saksi ako sa tawanan, harutan at iyakan nyong dalawa!!! Pang pelikula ang tema nyong dalawa ei!! Hahahha!!! Natatawa nalang ako kapag nakikita ko kayong ganun!!! Hanggang ngayon natatawa pa din ako!! Hahahaha!!!  Pasaway ako nuh??!!! Naligaw ka pa sa iba??!! Tsk.. ^__^V

*** Nung teachers day?? Nung second year?? Yung frame ni mam Jhen ang pinaka malaki sa lahat!!! Hahaha!!! Proud na proud ei!!! J
Pero ang sayyyyyyyyyyaaaaa nu`n!! hahahaha!!!!

*** Nung araw na nagbugbugan ang crush mo at yung taga mulawin?? Nakalimutan ko na ang name ei..  Grabe yung araw na yun!!! Sarado ang pinto at naka lock pa talaga para lang maitago ang bugbugang nagaganap!!! May hamit pang lighter yung kalaban!!! Tsk.. sugatan yung mukha ni crush mo ei!!! Ang hahaba pa ng sugat!!! Nakayuko lang yung crush mo nun sa upuan katabi mo dahil bka makita n imam Aloba yung mukha niyang may mga dugo!! Tsk..  kinabukasan ay nalaman na agad ng Guidance Office ang naganap!! Updated ang guidance ei nuh?!! Hahaha!!! Nagpuntahan ang mga magulang ei.. Laking gulo!!! Pero buti nalang at natapos din yun!!! >_<

*** March 07, 2011 ang special day both of you ni Kenneth dahil sinagot mo na siya!! Sana tumagal kayo!! Nung time na yun? Pinapaulit pa ata ni Kenneth yung salitang “OO” dahil di niya ata narinig!!! Hahahaha!!!! Saksi di ako sa araw nay un!!! Ang dami ko ng nasaksihan ah??!! Ahahaha!!! Ultimate Witness na ako!!! J
Pero may panggulo pa din tlaga ei!! Daming kontrabida!!! Alam mo na kung sino tong taong tinutukoy ko!!! Yung lagging nanggugulo sa inyo lagi??! Walang kasawaan!! Si Calinao!!! Hahaha!!! Ultimate Bitter kahit kelan!!! Move on Move on di pag may time!!!! Pero hang ako senyo dahil na Overcome niyo yung mga problems… At kung may problem man ulit na dadating sa relationship nyo!!! Alam ko naming maoover come nyo ulit yun!!! Basta magtulungan kayong dalawa!!! Kaw Best yung mga kalokohan mo ah??!!! Lam mo nay un!!! Baka matuluyan sige ka!!! Hahaha!!! :P

*** Naaalala mo pa yung Red Wallet na ibinigay mo sa akin at yung mga letters?? Hanggang ngayon tinatago ko pa din yun!!! It was really espesyal ei!!! Hahaha!!! Para may remembrance pag tumanda na ako!!! Hahahahaha!!! J

*** Yung pag cucuting natin ng harap harapan sa gate na school??!! Batas ei noh!!! Walang takot na mahuli ni manong guard at walang takot din nab aka maireport sa guidance!! Ahahahaha!!!! Firstime ko lang din yun!!! Grabe ka!!! Dami ko ng nagawang firstime dahil sayo!!! Hahaha!!!1 Worth it ang higschool life ko!! Hahaha!!! Kasama ko ang loka lokang katulad mo ei!! *_*V

*** Yung Locker Room??? Hahaha!!! Nakikishare ako sayo ng locker nung HS hahaha!!!! Nakalibre ako!! :P   Hanggang ngayon nasa akin padin yung key duplicate nung locker mo!! Tinatago ko pa din!!! Ahahaha!!! Important yun ei!!! Gusto mo bang bawiin?? Hahaha!!! Ayaw ko nga!!! Hahahaha!!!!  Salamat sa pagshshare ng meron ka!!! Ahahaha!!! =)

*** Yung swimming lessons?? Lumulutang kang parang kawayan!!! Hahahaha?!!!! Di na problema sayo kung paano makakasurvive sa pagbaha!!! Hahahaha!!! Lutang na lutang ka naman tlaga ei!!! Ahahahahaha!!!! Natatawa ako sayo nung mga araw nayun!!!! Parang adik lang ei noh??? ==__==

*** Uhmmm… Yung overnight with mam Jhen and mam Aloba?? Remember?? Hahahaha!!! Together with Nikka, Joyrissa, Celestine, Ikaw at Ako?!! Hahaha!!! Firstime kong mag overnight sa bahay ng kaibigan!! Hahaha!!! HAHAHAH!!! XD sa  Estrella Homes pa yun!! Sa block 8 diba?? Hahaha!!! Nag overnight tayo nun dahil sa UN na program sa school .. South Korea yung nabunot ng seksyon natin.. hahaha!!! Ang sayaaaaaaa nu!!?? Kahit puyat si Nikka nun!! Di natulog ei!! Magdamag ginawa yung bahay na yun ei!! Ako din di natulog sinamahan ko ei!! Hahaha!!! Kahit wala akong tinulong!!! :) Nung gabi na yun ang ulam lang ata natin ay “Lucky Me Noodles” nuh?? Hahaha!!! Sarap kumain ei??!! ( Kumain ba ako??! Kunti lang siguro?!! Hahaha!! ) haaaaaayyyyy!!! Nung araw na to pinilit ko pa talaga si nanay na payagan ako mag overnight sa inyo, buti nalang kasama ko si Celestine nun!! Hahahaha!!! Pasaway talaga nuh?!! Naulit pa ata itong overnight na to ei!! Kaso ako nalang ata yun??! Sa block 8 din yun??! Natatakot pa nga ako mag CR nun kasi ang daming linta ng CR.. Hahahah!! Very Unforgettable yun Best!!.. ^___^

*** Ahmmm.. Isa pa tong katangahan natin nung nag mall tayo sa “SM Fairview?? Hahaha!!! May stall dun about sa pagmamagic?? Right?? Hahahaha!!! Muka naman sigurong naiisip mo nay un!!? Hahaha!!! ( ngingiti yan oh??! ) hahaha!!! Nahipnotize ata tayo nun kaya nabili natin yung mga gamit nay un!!! Tsk.. saying 500 nuh??! Hahaha!!! Kaya simula nun iwas-iwas din sa mga stalls gaya nun baka mahipnotize ulit ei!! Hahaha!!! Buhay pa ba yung mga gamit yun?? Hahaha!!! Ang mga nabili nga natin nun ay yung talking dice, cards, rope/pisi yung parang tali, UFO Dice, yung may mga baso… hahahaha!!! Epic yun!!! Saying pera!!! Hahahaha!!! Pero ok lang natuto tayo once again sa mga katangahan natin!!! :P

*** Eto yung part na narealize ko na true friend ka talaga sakin… Yung part na dapat ay mag tratrasfer na ako ng school sa MHS nung 3rd year.. hahahaha!!!! You have done a great job to me!!! Thanks for helping me to find books para di na kame gumastos ng malaki.. tinulungan mo akong makahanap ng book at kahit sa iyo na yung book na yun pinahiram mo pa din sakin.. Salamat!!! =) nung araw na yun na touch ako… kaya dahil dun nakumbinsi ko si nanay na di na ako magtransfer!! Hahahaha!!! Di ko kaya iwan ang mga kaibigan ko sa Corner ei.. Most especially ikaw!! Ilove you best!!! =)

*** Nung Time na lagi tayong nasa dulo nagkwekwentuhan, nagtatawanan!! Hahaha!!! Tahimik natin!!! Tayo lang kasi magkasundo nun ei!!! Laging tahimik at para tayong mga tanga magkasama!!! Hahahh!!! ( Puro tanga na lang ei nuh? Ang hard! ) Totoo naman diba?! Lagi tayong magkasama, kaya nga minsan may nagsasabi sakin Chaperon ka ba ni Micah??!! Hahaha!!! Di ko nalang pinapansin yun!!! They are worthless and I will never waste my precious time to their monkey business!! Hahahaha!! ( Nose bleed ) nung mga time na kapag nagkakatext tayo puro English lang ang language na gamit natin!!! At dahil dun lumabas ang hidden talent mo sa pag eenglish!!! Ang galling mo pala ei!!! Hahaha!!! Lumabas at nailabas ang tinatagong English!!! Natatawa nga ako nun ei!!! Hahahaha!!!  Thanks A lot!!! :]

*** Yung kampihan sa room nung 3rd year??! Grupo natin against sa group nilang mga Dre??!!  Hahaha!! War ang nangyare ei!!! Awayan , gulo at gyiyera!!! Ang astig!!! Hahahaha!!! Mga palaban nuh??! Kampihan at mga kaplastikan!! Hahaha!!! Happy to say na tayo yung kinampihan n imam jhen.. hahahaha!!! At dahil sa war na yun di ko akalaing dadating ang araw na masasagot ko si Press. Paula Inzon.. ahahaha!!! Tanda ko pa nga yung convey ei!! Hahaha!!!
àConversation para sa pagsali ng Ballroom/Cheerdance Competition
Paula: Ikaw Micah bakit di ka sasaling Ballroom/Cheerdance?
Micah: Madali akong magkapasa, di ako papayagan .. ( tama ba? Hahaha )
Paula: Ikaw Rochelle?
Rochelle: Ayaw/Hinde!!
Paula: Bakit??! Kasi di Kasama si micah??!!!
Rochelle: (Shouting) Di naman ganun yun ei!!! Mag kaiba kame ng dahilan kung bakit di ako sasama, mag kaiba kame ng utak para maging iisa lang ang iniisip namen!!! ( hahahaha!! )
Paula: ( pabalik na sa upuan , sabay sabing ) P*t*ng*n* nyong lahat!!!!!!!
Kim: (Epal) I like it!!!
______Silence_______
Hahahaha!!! Oh diba??!! Hahaha!!! Tapos nakarating agad kay mam Jhen yung ginawa ko!! Hahaha!!! Bakit ko daw ginanun ei may sakit daw yun.. “Lung Cancer”.. ei nung time nay un di ko pa alam!! Hahaha!!! Well Sorry!! Di ko naman na naulit yun ei.. hahaha!!!  Haaaaaaayyyyy naku!!!! Daming eksena ang nangyare!! Mga drama!!! Iyakan!!! Sigawan!!! Harutan!! At yung mga halakhakan at tawanan na may kasamang malalakas na trip!!!! Pag Pray na maulit pa sana yung kasiyahan at hinde yung gulo… ^/\^

*** Yung nanyare lang nung 4th year ako… Ang sayayyaaaaaaa ko nun dahil binisita nyo ako nila Pham at ni Kaith!! Unexpected!! Walang pasabi or signs na pupunta kayo!!! Hahahaha!!! Honestly yung time na bigla kayong sumulpot nasa CR ako at alam mo naaaaa!!! Hahahaha!!! Nagmadali ako bigla kasi may biglang bumisita ei!!! Hahahaha!!!! Pero ang saya ko talaga nun dahil naalala nyo pa pala ako kahit walang komunikasyon dahil sira ang CP ko nung time na yun!!! Happy Enough at naalala nyo pa pala ako!!! Hahahaha!!! Thanks for that !!! at napaka tHankful ako nun kay God because He blessed me a Friends Like you!!! Naulit pa yun but this time si Pham at Melai na!!! hahahaha!!! Grabe di ko inakalang mauulit yun!! Dahil busy kayo dahil Graduating na tayo!! Hahahha!!! Naubos pa nga ni Melai yung Cornbeef ei!! Hahahaha!!! Paborito ko din yun nuh??! Hahahaha!!! Takaw talaga ni mElai, unexpected ah?! Buti nung time na yun pinayagan siya!! Hahahaha!!! Kasama pa sa mha niluto ni nana yang Pancit Canton which is favorite ng mag BFF nay un!! Hahaha!! Ang saaaaaaaaayyyyyyyaaaa lang talaga!!!  Sana maulit yun at makumpleto ang Tog’s… *__*

*** Ei yung mga katangahan sa mga hagdan??!!! HAhahaha!!! Yung may madudulas bigla at natatapilok o kaya naman may namiss na isang steps.. hahahaha!!!  Stair Failure talaga!!! Hahaha!!! Every time yun kapag kasama ka!!! Hahahaha!!! Di mo alam kung tatawa ka o hinde ei!!! Hahahaha!!! Huwag kang mag alala suki din ako g hagdan na yun!!! Hahaha!!! Pasaway ei nuh!!! Hahahaha!!! Minsan sa hallway natin nagagawa yung mga failure nay un !!! hahaha!!!! Same as sa hagdan lang!!! hahaha!!! Well sana di kana ganun!!! Dahil ako di pa ako graduate dun!!! Kahit yung hagdan sa BSU lagi akong natatapilok!! Same as yung hagdan sa Corner!! Hahaha!!! Matagal tagal pa bago ako grumaduate sa mga hagdan nay un!! Hahaha!!! =) yung mga Epic Failed na mga ginawa natin together o kaya pag kasama ang mga Tognaluk!!! Hahahahaha!!! Best Ever!!!! *__*

*** Yung bubble gum na habang nagsasalita ako lumabas sa bibig ko!!! Hahahahaha!!!! Di ko makakalimutan yun!!!! Epic ei!!!! xD

*** Yung nasa SM Fairview tayo. Muntik pa tayong di makauwi dahil di natin alam ang sakayan pauwi. Hahaha. Buti nalang nakapagtanong tayo at nakauwi tayo.. ahahaha. 😊





Ang kaibigan kong hindi ko malilimutan kalianman. Ang kaibigan kong loka-loka. Ang kaibigan koong nakatagpo na ng pag-ibig at kasalakuyang inaabot ang pangarap. Ang kaibigan kong hilig sumali ng Beauty Contest sa school at kung saan-saang lugar. (or should I say napilitan lang talaga?) Ang kaibigan kong hindi ako kinalimutan kahit nagkahiwalay na kame at nagkaroon na ng mga bagong kaibigan. Ang kaibigan kng hindi nang-iiwan.. May Forever sa Friendship naten. Salamat at dumating ka sa madrama at magulo kong buhay..
____________________Wakas!!_______________________

Isa lang ang mga ala-alang ito na di ko makakalimtan kalilanman!!! At kung may nakalimutan man ako na moments natin, pagpasiyensahan mo na !!! Hahahaha!!! Sa dami kasi ng mga moments natin nakakalimutan ko na yung iba… Yung mga tumatak lang talaga sa isip ko ang mga isinulat ko dito.. Salamat dahil naging bahagi ka ng buhay ko at nang highschool life ko!!! Madame pa akong gustong sabihin kaya relax lang!! Sana di ka magsawa sa kababasa.. ^__^V


Ang title neto ay Ala-Ala Ng Nakaraan, Nagpapangiti Sa Kasalukuyan, Sa Hinaharap Ay Kayamanan…” Dahil ang mga ala-ala sa mga past natin, yung mga kalokohan natin ay yung mga iyakan at away portion yun ang nagpapangiti sa atin ngayon kapag na aalala natin ngayon, minsan kapag nagmumuni-muni tayo bigla nalang tayo ngingiti dahil may naalala ka na memories from the past na nagpapangiti satin ngayon at madadala natin hanggang sa future… hahahaha!!! Gets mo po??! Because Our memories is my treasure!! We can bring it forever and ever..   


Clock Wise and Counter Clock Wise (Ating Gantihan at Balikan)


Dapat nga ba nating balikan ang mga araw na inalagaan tayo at pinagtanggol ng ating mga magulang? Dapat ba natin itong gantihan ng higit pa sa kanilang nagawa? Nararapat ba natin silang pasayahin kahit sa maliliit na bagay lamang? "Oo", ang sagot ko sa lahat ng katanungang iyan. Dapat lang talaga. Dapat ay higitan pa natin iyon. Nararapat na ating silang bigyan ng maayos na buhay dahil ang dami nilang sinakripisyo para sa atin. Mga sakripisyo na natitiyak kong sila lang ang makakagawa. Lagi nilang sinasabi na lahat ng bagay sa mundo na ito na nagyayare ay nakatakda na. May plano ang panginoon sa atin. Plano na makakabuti sa lahat.



Pero bakit may ilang na napariwala? Ito ay maaring may nakatakdang plano kung tinahak mo ang maling landas. O maaari din na kaparusahan mo ito dahil sa nagawa mong kasalanan. Kahit ano pa man iyon. Lahat ng problema sa mundo ay may solusyon. At may mga dahilan iyon kung bakit nangyayari. At isa ang problemang ito na kinanahaharap ng iilan sa atin ngayon:



Mga magulang.. Ano ba sila para sa inyo? Siguro kung sasagutin iyan ng ibang kabataan ay iyan ang isang tao na nagpalaki sayo at balang araw ay iiwan mo din pag di mo na kailangan. Pero para sa akin ang mga magulang ang pinakamahalagang bagay sa mundo na meron ako ngayon.. May magtatanggol, mag-aalaga at mag-aalala sayo sa araw-araw. Mga magulang na tutulungan ka upang makamit ang mga pangarap mo. Tutulong sa iyo para guminhawa ang buhay mo.. Tinuturo ang tama sa mali.. Mangangaral at magpapayo sa lahat ng problema na nangyayare. Ganyan kahalaga ang magulang.. Kaya marapat lamang na gantihan at balikan natin sila sa kahit na anong paraan. Natitiyak kong sasaya sila.. Tuparin lamang natin ang mga pangarap na di nila nakamtan dahil sa sobrang kahirapan.. Pasayahin natin sila sa paraang alam natin.. Ibalik natin ang mga pag-aaruga at pagtatanggol sa kanila, tulad ng lagi nilang ginagawa nung tayo ay musmos pa. Iwaglit na sa ating isipan ang galit natin sa kanila noong araw na napapalo at napapagalitan nila tayo dahil sa sobrang katigasan ng ating ulo. Isang paraan lamang ito upang di na maulit yun, umiwas sa kapahamakan at isang paraan ng pagdidisiplina.



Mabuntis ng maaga, mag yosi, at uminom ng alak at lalong lao na ang makapatay at malulong sa bawal na gamot. Isa lamang ang mga iyan sa mga kinatatakutan ng ating magulang na mangyare sa atin. Kaya hindi natin sila masisisi. Iyan lamang ang ilang dahilan kung bakit sila nagagalit sa mali nating nagawa, dahil ayaw nilang mapariwara tayo ng landas. Dahil mahal na mahal nila tayo..
Gantihan natin sila ng buong puso kahit na anong klase pa sila ng magulang.. Dahil wala tayo dito ngayon kung wala sila.. Lagi natin silang supresahin sa paraan na alam natin. Tulad ng pagpapasyal sa mall, pagkain sa mamahaling kainan, pamamasyal sa mga lugar na di pa nila napupuntahan at bilhan natin sila ng mga gamit. Simpleng paraan paraan upang mapasaya sila. Nararapat lamang na atin itong gawin dahil ginawa nila ang lahat upang mabuhay at makapagtapos tayo.. At ngayong may mga trabaho na kayo o may sariling pamilya, huwag sana natin silang pagdamutan. Dahil hindi nila tayo pinagdamutan kahit kailan kung marunong ka lamang umintide. Mahalin natin sila ng buong puso dahil natitiyak kung may malaking gantimpala sayo ang Maykapal sa mabuting tao, anak, kaibigan, asawa, at apo.






Sana'y maintindihan ang mensahe ng aking akda. Kung hindi naman, buksan ang iyong puso at ipikit ang iyong mata. Ang puso mo ang makakakita ng gandang hindi mo inaasahan. Mga ala-ala na napasaya ka nila.. Isipin mo lang at intindihin at syempre mahalin.



Sana'y maintindihan kung bakit "Clock Wise at Counter Clock Wise ang pamagat nito. Dahil ang Clockwise ay umiikot pakanan sa orasan. Ito ang sumisimbolo sa mga araw na pino protektahan nila tayo at inaalagaan kaya dapat tayo naman ay mag Counter Clock Wise umiikot pakaliwa sa orasan, ibalik natin ang pag-aalaga at proteksiyon na ibinigay nila sa atin noong panahon na iyon..

"Memories is like photos, you can look back, but you can't never go back."

PS. I do not own any pictures here..
Credit to the owners..

My First Blog

Hello.. I just want to introduce myself to you first. I am Rochelle Parnay Estrella, 19 years old and taking up Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing Management..I am a 3rd year college student at Bulacan State University-Sarmiento Campus..



Well, this is the first time I created a blog like this. I am just inspired of someone that's why I made it. Also I love musics, writings and reading.

Ito ang unang pagkakataon na maipabatid sa lahat kung ano ang nalalaman ko at nararamdaman ko. Matagal ko ng gustong gumawa ng blog, pero hindi ko alam kung paano. Parang ang hirap kasi. Pero I was wrong. I made it. Ito ang una kong blog pero hindi ibigsabihin nun ay ito din ang kauna unahan kong article na ginawa sa buong buhay ko. Actually I have done 50+ articles. Nakasulat lang lahat yun sa notebook ko. But this time I want to post it here. I want to share it. And sa tingin ko masaya ito. Nagsimula akong gumawa ng article noong first year high school at until now ginagawa ko pa din. Sana magtuloy tuloy ito. Because doing this makes me happy.

Since then until now hilig ko talaga ang pagsusulat. Lahat ng ginagawa ko nilalagyan ko ng article. At natutuwa ako kapag natatapos ko yun at naiipahayag ng maayos. At ngayong nasimulan ko na ito, hindi ko na ito ititigil pa.

My Favorite Qoute About Writing

"The role of the writer is not to say what we all can say, but what we are unable to say." -Anais Nin

Blogging is now part of my life..




I love blogging.. So much.. I hope you enjoy.

PS. I do not own any pictures here..
Credit to the owners.