Thursday, October 29, 2015

Likhang Tula 0.1

Para sa mga mahal natin sa buhay na lumisan na.

Makakaya Ko Kaya?

I.
Masakit tanggapin na ikaw ay lumisan
Masakit dahil ‘di na ikaw masisilayan
Mahirap na wala ka na kinabukasan
Mahirap isipin, kami iyong iniwan

II.
Naaalala magagandang nakaraan
Matatamis at malutong na halakhakan
Naalala, problema’y sinusolusyunan
Sapagkat may isang damdaming nasasaktan

III.
Paano haharapin ang kasalukuyan
Kung ang silbing inspirasyon mo ay lumisan
Tila wala ng dahilan upang mabuhay
Dahil sa paglisan mo para ring namatay

IV.
Kahit wala kana sa mundong ginagalawan
Aalahanin, masayang gunitang naiwan
Ang payo’t suporta na iyong ibinigay
Babaunin ko habang ako’y nabubuhay.



Diskriminasyon.

Bakit Kaya?

Bakit kaya…
Dito sa mundong ito iba-iba ang pagtingin?
May mga taong lilingunin at meron ding babalewalain
May mga mayaman lagging pinapansin
May mga mahirap laging nasasaktan kanilang damdamin

II.
    Bakit kaya…
Kapag mayaman agad-agad aasikasuhin
Kapag mayaman laging uunahin
Kapag mayaman laging susuyuin
Dahil ba ng mayaman kaya silang buhayin?

III.
     Bakit kaya…
Kapag mahirap agad-agad tatanggihan
Kapag mahirap laging di tinutulungan
Kapag mahirap laging iniiwasan
Dahil baa ng mahirap ay walang kayamanan?

IV.
    Sana…
‘Wag maging batayan ang estado ng tao sa buhay
Dahil lahat tayo ay nabuhay ng pantay-pantay
Mahalin sila at bigyan ng tamang pagtingin upang umunlad
Kagaya ng pagmamahal sa atin ng Diyos na walang katulad.






#HashTag AlDubarkads

I.
Nagising isang araw ang mukha ay malungkot
Sa buong maghapon ang mukha ay nakalukot
Problema ang dahilan kaya’t nakabusangot
Solusyon sating lungkot kailan masasagot

II.
Ang tamang panahon dumating na rin sa wakas
Sa mukha makikita sigla ay mababakas
Kapag tanghali na buksan na ang telebisyon
Heto na ang Dabarkads magpasaya ang misyon

III.
Masayang tanghalian ay ang kanilang hangad
Kaya naman tawanan at halakhak ay sagad
May kasamang pagmamahal sila lang ang may taglay
Buong mundo kinikillig nagbibigay kulay

IV.
Mula Batanes hanggang Julo isang sinisigaw
Eat Bulaga ang kanilang laging hinihiyaw
Ligaya’t pag-asa kanilang dala sa buhay
Damang dama ang tulong hanggang sa sugod bahay

V.
Nandiyan pa si Yaya Dub nagbibigay giliw
Talentong taglay sa DubSmash nakakaaliw
Sa nagmamahal sa kanya, turing ay biyaya
Kaya siya’y tinaguriang pambansang yaya

VI.
Nandiyan din si Bae Alden na nakakagigil
Handog ay kilig, kababaihan nagpipigil
Sa kwagapuhang niyang taglay at kabutihan
Biyayang natatanggap ‘di na nagdahan-dahan

VII.
MaiDen kapag nagsama todo-todo ang kilig
AlDub You at MaAlden kita ang bukambibig
Alden at Maine wala ng aktingang nagaganap
Tunay ang pinapakita, walang pagpapanggap

VIII.
Mga lola na gabay sa mga kabataan
Nagbibigay aral at leksyon sa pangkalahatan
Natuto tayong maghintay sa tamang panahon
Nang walang pagkakabagot ngunit mahinahon

IX.
Ang AlDub Nation, sariling record binabasag
Pagkakaisang taglay ay hindi masasalag
Record Holder at Twitter Breaker laging panalo
Suporta sa idolo walang makakatalo

X.
Hindi lamang ito puro kilig at tawanan
May mga aral ding kalakip hanggang tahanan
May mga kawang gawa din na masasaksihan
Isang tunay na halimbawa ng bayanihan

Mabuhay AlDub Nation!
*Pabebe Wave*


6 comments: