Sunday, September 27, 2015

AlDub/MaiDen: First Fandom I Ever Love


Paano ba sumikat? Gaano katagal ang hihintayin para sumikat ka? Kasikatan? Madali lang ba itong makuha o hindi? Ano ang mga bagay na ginawa mo para makamtam ito? Karapat dapat ka ba sa posisyon na ‘yan? Sapat na baa ng kasikatan mo? Paano ka sumikat? Sa magandang paraan o sa mali?

Hindi ito tungkol sa oras na ginugol mo sa panunuod kundi dahil sa ligaya, tawa, aral, at kilig na nararamdaman mo habang pinapanuod ito. Sabi nang iba “Sinasayang mo lang ang oras mo sa panunuod niyan!” Ang tanong? Totoo nga bang nasayang? Parang hindi naman. Paano mo nasabing nasayang? Sayang kasi natatawa ako. (Bakit? Gusto mo lagi ka nalang umiiyak dahil iniwan ka ng boyfriend o dahil sa walang katapusang problema sa mundo!) Sayang kasi sumasaya ako. (Bakit? Gusto mo lagi ka nalang nakabusangot kakaisip kung paano ipapasa ang eksam, paano tatapusin ang thesis, at kung paano ka makakapagbayad sa Tuition Fee mo!) Sayang kasi may aral akong matutunan. (Aba! Sige mag-asawa ka na! Mag-anak ka ng marami! Mangligaw ka ng maraming babae. Ikaw naman babae sagutin mo lahat! Mauubusan eh. Nagmamadali.) Sayang kasi kinikilig ako. (Ang mga hindi kinikilig malamang sawi sa pag-ibig at ayaw pang lumimot sa dating karelasyon. Ipagpatuloy mo lang yan! Sinasayang mo lang oras mo! Siya masaya na sa iba ikaw naman mukha pa ding tanga.) Ngayon, tatanungin ulit kita. Nasayang nga ba ang oras mo? Yung totoo?

Grabe na talaga ang TAMA ko sa AlDub! Ang mga magagandang epekto nito sa akin ay nagugustuhan ko. Pero bakit nga ba maraming nababaliw sa AlDub? Una na siguro dito ay marami ang nakakarelate dito. May halong katatawanan, kalokohan, kiligan at halakhakan. Pangalawa, may aral na makukuha. Pangatlo, sobrang bait ng AlDub Tandem. Maine Mendoza at Alden Richards. Masasabi kong isa ng epidemya ang AlDub sa buong mundo!!

Bryan White Concert in Manila

Bryan White - God gave me you

Dawin - Dessert

#ALDUBTheMostAwaitedDate ay nagtala ng 12.1 Million Tweets sa loob ng 24 Oras. Dahil dito maraming banyaga ang nagtataka. Sino daw ba ng AlDub? Isa na dito si Bryan White ang singer ng kantang God Gave Me You. At dahil sa nalaman niyang sikat ang kanyang kanta sa Pilipinas at marami siyang tagahanga dito, ngayon ay nagpaplano siyang pumunta. At tuwang tuwa siya dahil sa pagsuporta ng AlDub Nation sa kanya. At magkakaroon pa ito ng Concert sa December. Nadiskubre na din ni Dawin, ang nagpasikat ng kantang Dessert.

MCDO

MCDO

Talk N Text


O Plus

MCDO


555 Sardines

Zonrox Plus

Bear Brand Adult Plus

Malayo na talaga ang narrating ng Tandem ng AlDub. May TVC na sila ng magkasama. Una sa MCDO. Pangalawa sa TNT. Pangatlo ay sa O+, ngunit hindi kasama si Alden dito. Si Lola Nidora ang kasama niya dito.  Pang-apat ay ang sa 555 Sardines na si Maine Mendoza lang din ang nasa TVC na ito. Ang panglima ay ang Zonrox  Plus na magkasama ulit ang ALDUB Tandem. Pang anim ang Bear Brand Adult Plus na magkasama pa din ang dalawa. At marami pa ang TVC ang nag-aantay sa dalawa. Nakapila na ang kabi-kabilang endorsement. Maine Mendoza Fastest Rising Star, ayon sa SNS.

EdukCircle Award

Gold Record Award


First Album Haplos


Second Album Wish I May

Wish I May Music Video

CBCP Award

CBCP Award

CBCP Award
Gintong Kabataan Award 2015

Gintong Kabataan Award 2015

Gintong Kabataan Award 2015

Gintong Kabataan Award 2015

Gintong Kabataan Award 2015

Gold Record Award "Wish I May"

Gold Record Award "Wish I May"

Gold Record Award "Wish I May"

Platinum Record Award "Wish I May"

Awards Given by Push Alerts

Awards For Alden, Maine, Eat Bulaga and Ryzza


Nagkaroon na din ng award ang AlDub Love Team ngayong dalawang buwan palang sila. Ito ay ang Most Popular Breakout Love Team of the year na ginawad ng EdukCircle Awards at ang kaylan lang na Golden Recording Award ni Alden na narelease two years ago. Iba talaga ang suporta na mga tagahanga nang AlDub. Naiyak pa nga si Alden ng masurpresa sa award na ito. At inaamin kong isa din ako sa naiyak. Ngunit hindi pa natatapos yan. May sumunod pang award na ginawad naman ng Catholic Bishop's Conference of the Philippines. Ginawaran nila si Lola Nidora o Walter James Bayola o mas kilaa natin bilang Wally Bayola. Ginawad sa kanya ang Catholic Social Media Award For Being Instrumental in Spreading Good Values in Media. Alden Richards ng Catholic Social Media Award for Being A Good Youth Role Model. Maine Mendoza ng Catholic Social Media Achievement Award for Being Influential In Propagating Christian Values To The Youth. Pati ang AlDub Nation ay mayroon ding award ito ay ang Achievement Award for Spreading KalyeSeye Values Online Through Inspirational Posts and Tweets. Ginawaran din si Maine Mendoza ng Gintong Kabataan Award sa Malolos Bulacan dahil naging mabuting ihemplo ito sa mga kabataan. Hindi pa nalalaunch ang Album ni Alden Richards ay nagkaroon agad ito ng Gold Recor Award.


Songs that are Dedicated to AlDub

Sotanghon

BaeYaya

Yaya

AlDub Song


That's My Yaya Dub

Sa Tamang Panahon

Lahat ng mga nanunuod sa KalyeSerye ay patuloy na naiinspired.

More AlDub Inspired Songs:
Click Here:

Follow AlDub Love Team..

Maine Mendoza: https://twitter.com/mainedcm

Alden Richards: https://twitter.com/aldenrichards02

Eat Bulaga for KalyeSerye Replay: https://twitter.com/EatBulaga


Foreign Asking What Is AlDub

 Pati ang mga banyaga nagtatanong na. Sino daw ang AlDub at agad naman silang pinakilala ng AlDub Nation. Marami ng Followers si Maine at Alden pati foreigners ay humahanga sa kanila.

First Movie of AlDub Together

Kauna unahang palabas ni Maine Mendoza at Alden Richards na magkasama. Pinagbibitadahan ityo ni Ms. Ai Ai at Mr. Vic Sotto. Ito ay ipapalabas sa December 25, 2015 sa MMFF o Metro Manila Film Festival. Lahat ng tagahanga ng AlDub ay inaabangan ito. At isa na ako dito..


Yesterday sa Eat Bulaga/National Pabebe Wave Day






Dumating na ang Tamang Panahon! #ALDubEBforLOVE ang Hashtag ngayong araw at umabot na ito ng 25.6 Million tweets. Ang epekto ng AlDub Nation ay pang buong mundo na. At lahat ay nakiisa sa National Pabebe Wave ng Eat Bulaga. Sa lahat ng episode sa Eat Bulaga ito ang isa sa pinaka maganda dahil nagkita na sa wakas ang dalawa ng walang hadlang. Ngunit may aral pa din na inihandog dito.

3 Kahilingan ni Lola Nidora kay Alden. Una, 1 foot No Touch. Pangalawa, Chicharon. Pangatlo, Kantahin ang God Gave Me You sa kanyang sariling version. Ngunit ng kinanta ito ni Alden ay naiyak siya at sinabi niya pang ang kantang iyon ay inaalay niya kay Maine Mendoza. Naiyak at pinaiyak na naman ng Pambansang Bae ang AlDub Nation. Sa kanyang pag-iyak mapapansin mong masyado siyang natutuwa sa mga dinadanas ng kanyang career ngayon. Sa mga suporta. Totoo ang iyak niya at mararamdaman mo sa puso mo iyon. Natapos ni Alden ang ikatlo at binigay na ni Lola Nidora ang address. At agad naman naman itong pinuntahan. Nasira pa mga ang sasakyan niya ngunit nakahiram naman ito ulit. Habang nasa biyahe si Yaya Dub naman ay inaayusan na ng damit na isusuot. Dapat daw ay yung hindi bastusin tignan. Dapat disente.

At ayun na nga nagkita na sila. Pigil na pigil ang dalawa sa pagyayakapan dahil No Touch nga kasi diba? Ngunit talagang pasaway si Lola Tinidora at tinutulak si Alden kay Maine para magkadikit ang dalawa. Si Lola Tidora naman na panay ang paglalaglag sa ginagawa ng dalawa. Pero ang paborito kong parte sa programa na ito ay yung hindi makatitig si Maine kay Alden. Yung Trip to Jerusalem ng limang karakter at paraparaan na naman para magkatabi sa lamesa. Yung nalaglag ang kubyertos at nagkahawakan ng kamay. Yung nabilaukan si Maine at binigyan ng tubig ni Alden at dahil sa baho nagkahawakan sila ng kamay. Para-paraan ang dalawa para magkadikit. Yung subuan nila ng pansit at cake. Yung pinunasan ni Alden si Maine ng dumi sa bibig. At dahil sa kaba ni Bae Alden naipunas niya sa mukha niya yung tissue na may dumi dahilan para magkaroon siya ng dumi sa may buhok nito, at agad itong pinunasan ni Maine, pati pawis pinunasan nito. Iba na talaga ang titigan nilang dalawa. At ang kanilang kauna unahang larawan ng magkasama ay sa wakas natupad na. At binigay si Maine na sulat kay Alden at si Alden bago umalis ay binigay nito ang panyo na binigay ni Bossing. Ngunit sa huling parte ay yung sumigaw si Lola Nidora ng “Aldennnnnnn!!!!” At ang muling pagkarinig ng mahiwagang tinig ay mula talaga kay Maine na sumigaw ng “This must be love!!”. Totohahan na nga ba? Oo naman! Eto naman ang gusto ng lahat diba?

I Love AlDub Nation
Hindi naman ako dating fan girl ng kahit na anong love team sa buong mundo. Hindi ako sumusuporta sa kahit na sinong artista. Ngunit natapos ang lahat ng ito ng dumating ang AlDub Love Team. Iba ang epekto nila sa akin. Natatamaan ako sa mga aral ni Lola Nidora. Sa katunayan nga nyan ay sinusunod ko na ang iba dito. Paunti-unti. Yung mga bagay na lagi kong ginagawa dati, ngayon hindi ko na ginagawa. AlDub nalang talaga ako nakatutok at sa mga gawain sa school. Nagpapasalamat ako kay God dahil binigay Niya ang AlDub sa atin para maitama ang mali at maging wasto ang lahat. Upang mabalik ang dating kultura ng ating bansa. Hindi na lamang mga Pilipino ang naadik ditto kundi buong mundo nakiki AlDub na. Patunay lang na maraming tumatangkilik sa AlDub. Maraming sumusuporta at natutuwa sa kanila. Pero hindi lahat pala natutuwa, merong iilan ay galit? Pero wag nalang natin sila pansinin dahil sila ang patunay na sobrang galing ng AlDub at ng EB. Magpasalamat nalang din tayo sa kanila dahil sa kanila lalong ginagalingan ng AlDub ang ginagawa nila. Ang AlDub Nation ay sobrang kakaiba lahat sila may concern sa isa’t-isa. Mababait ang mga AlDub Nation at ako ay lubusang natutuwa na naging parte ako ng AlDub Nation. Kakaiba ang unity. Hindi nagtitweet ng pilitan kundi may puso. Ginagawa nila yun dahil masaya sila. Kaya huwag niyong mamaliitin ang AlDub Nation kakaiba kame kapag nagka-isa. Wala na akong masabi. Sobra akong natutuwa sa mga nakamit nila ngayon sa buhay nila at naging inspirasyon na sila ng lahat ng tao sa mundo.

Isa lang ang masasabi ko AlDub Nation ipagpatuloy lang natin ito ah? Walang bibitaw. Kahit laging may sumasalungat wag nalang pansinin. Kapit lang kay God. At may isha-share akong story. One Night nag pray ako at humingi ako kay God ng Sign na kung makakabuti ang AlDub sa lahat ay magpadala ka ng Paro-paro at padapuin mo po ito sa isang pintuan. Kapag nangyari ito ibigsabihin sang-ayon po kayo sa AlDub. Na makakatulong sila para maitama ang mali. At kinabukasan nun I saw the sign. God answers my prayers. AlDub is a blessing from God. They are blessed by God.

Bakit kaya binigay ni God ang AlDub sa ating lahat? Siguro dahil sa dami ng problema sa mundo, mga patayan, nakawan, sakit, kabit, at kung ano-ano pang problema sa mundo. Ayan binigay ang AlDub sa ating lahat para kiligin. ngumiti, at tumawa naman tayo. At masasabi kong epektibo ito.

“If you are destined in higher place, people will try you to put down. But you will still reach your destiny.” No one can put down AlDub Nation! For together we stand, divided we fall!! No one can BREAK us!!!


To be continue..
PS. I do not own any pictures here.
Credits to the owners.

No comments:

Post a Comment