Wednesday, August 26, 2015

AlDub: A Phenomenal Love Team




Nakakakilig. Crush ko na sila. Ideal Man/Women ko na siya. Kailan ba ang tamang panahon? Totohanan na ba sila? Sana magkatuluyan sila sa totoong buhay. Ano kaya mangyayari mamaya? Magkikita na ba sila? Dimples. Wala siyang arte sa katawan. Ang galing niyang magdubsmash. Ano kaya totoong boses niya? May bago ba silang tweets?
Isa lamang ang mga tanong na yan ang lagi kong nababasa sa Social Networking Sites. Sa Twitter lagi silang nasa Trend List. Kadalasan nga ay nasa unang pwesto sila.  Halos isang buwan pa lang ang tambalan ng AlDub ay nagkaroon na agad ito ng milyong milyong tagahanga sa iba’t-ibang parte ng mundo. Naglabasan ang maraming Fan Page sa Twitter at Facebook. Nagkaroon ng maraming Fans Club at kung ano-ano pang organisasyon na may kinalalaman sa AlDub. At sa pagtagal pa nang panahon lalo pang dumadami ang nahuhumaling sa love team na ito. Ngunit teka lang. Sino nga ba ang AlDub? Sino nga ba ang bumubuo ng AL at DUB?

The other half of AlDub: Alden Richards
Alden Richards

Richard Faulkerson, Jr. O mas kilala sa screen name niya na Alden Richards. Tinagurian na din siyang “Pambansang Dimple at Bae Alden”. January 2, 1992 ang kanyang kaarawan. Nakatira sa Santa Rosa, Laguna si Alden. Isa siyang modelo, actor at kasalukuyang host ng “That’s my Bae”. Isang segment sa Longest Running Noon Time Show na Eat Bulaga. Pangalawa siyang anak ni Richard Faulkerson, Sr. Ang kanyang ama ay taga Laguna at ang kanyang ina ay nag ngangalang Rosario Reyes at taga Pampanga. Ang kanyang ama ay may lahing Banyaga kaya ibig sabihin may ¼ na pagkabanyaga si Alden. Nakapagtapos siya ng kanyang pag-aaral sa De La Salle Canlubang sa Biñan Laguna at nakaagtapos sa kursong Business Administration. Bago siya maging actor ay lumaki siyang pinangarap na maging Piloto. Pero ang pangarap ng kanyang ina para sa kanya ay maging artista. Kaya naman nagporsige talaga ang ina niya na maging artista ang kanyang anak. Kaya naman nang mamatay ang kanyang ina ay ipinagpatuloy niya ang pangarap ng kanyang ina para sa kanya. Para masuportahan ang pamilya nag part time siya bilang Commercial Model. Nag-audition di siya sa “Star Struck” pero hindi siya pinalad na makuha. Lumabas na din siya sa komersyal ng multivitamins.

Marami na din siyang nagawang pelikula sa GMA Network at kasalukuyang Recording Artist ng GMA. Marami na din siyang mga guesting sa mga sikat na show ng GMA. Marani na din siyang nahakot na mga parangal sa ilang taon niyang tinagal sa showbiz. Malayo na nga ang narating ni Alden Richards at natupad na din niya ang pangarap nang kanyang ina para sa kanya. At tiyak kong marami pang magagawa at malayo pa ang mararating ni Alden Richards sa taglay niyang kasikatan ngayon. Pero sa kabila ng katanyagan ay nanatiling nakatapak ang paa niya sa lupa, dahilan upang lalong dumami ang tagahanga at sumusuporta sa kanya.

Maputi, matangkad, gwapo at higit sa lahat ay may Dimples ang Ideal Man ngayon ng mga kababaihan na nahuhumaling sa AlDub. Bae na Bae talaga ang dating ni Alden mula sa Panlabas na anyo at sa ugali. Naging inspirasyon ngayon si Alden ng mga kabataan sa ating henerasyon. Perfect na si Alden. Nasa kanya na ang lahat ng katangian ng lalaki na hinahanap ng mga babae sa isang lalake. Si Alden ay ang patunay na may katulad pa niya sa mundong ito, hintay hintay lang. At isa siya sa magpapatunay na may FOREVER!

MaALDEN Kita!!

The other half of AlDub: Maine Mendoza
Maine Mendoza

Nicomaine Dei Capili Mendoza ang tunay na pangalan ni Yaya Dub/Divina Ursula Bukbukova Smash. Ipinangnak noong March 3,1995. Nakatira sa Santa Maria Bulacan. Pang-apat sa limang magkakapatid. Isang komediyante at sikat na personalidad. Tinagurian di siyang “Dubsmash Queen of the Philippines”. Nagtapos ng kursong Culinary Arts sa La Salle St. Benilde. Nag OJT siya sa isang resort sa New York sa loob ng anim na buwan. Ngunit bata pa lamang siya ay Flight Attendant na talaga ang nais niya. Mahilig din siyang mag-edit ng mga clips at icocompile as one. Hilig din niya ang pagblo-blog.

Kasalukuyan siyang napapanuod sa Eat Bulaga bilang Yaya Dub. Nag guest na din siya sa “Kapuso Mo, Jessica Soho”. Sumikat siya sa pamamagitan ng isang application sa mga android phone na Dubsmash. Tinangkilik ng mga tao ang pag iimpersonate niya kay Kris Aquino at umani agad ito ng milyong-milyong views. Dahil dito nagustuhan siya ng mga tao.

Dubsmash Collection

Inalok din si Maine Mendoza ng mga Basket Ball Team sa PBA upang maging muse siya sa opening ng Governers Cup. Ngunit tinanggihan ito ni Maine.

Latest Dubsmash of Maine Mendoza for Lola Nidora

Maganda, simple lang, sakto lang ang height, matalino at higit sa lahat walang arte. Hindi takot ipakita sa mga tao ang totoong siya. Dahil dito ang kanyang mga katangian na ang hinahanap ng mga lalaki sa isang babae. Hindi lang siya maganda sa pisikal kundi pati sa ugali. Ang pagiging simple at walang arte niya ang talagang hinangaan ng mga taga hanga nito sa kanya. Kahit nagpapapangit siya ng mukha hindi mo makikita yung panget, kundi kahit anong gawin niya ay maganda pa rin siya. Marami din ang naaastigan sa kanya dahil napaka humble at maraming talent. Kahit mayaman siya mapagkumbaba siyang tao. Tulad ni Alden si Maine ay naging inspirasyon din ng mga kabataan sa henerasyon ngayon. At si Maine Mendoza ang isa pang magpapatunay na may FOREVER!!

MAINEnamahal Kita!!


Cast of KalyeSerye
Sastre Barbara
Sastre Barbara – Taga gawa ng gown. Gumawa ng gown ni Yaya Dub noong kasal nila ni Frankie.

Riding in Tandem
Riding in Tandem – Delivery boys sa Kalyeserye. Nag-aabot ng mga regalo ni Alden para kay Yaya Dub at Lola Nidora. Nagnakaw ng Diary ni Lola Nidora.

Doktora Dora
Doktora Dora – Apo ni Lola Nidora. Mahilig manggamot gamit ang mga herbal medicines. Boto sa pag-iibigang Alden at Yaya Dub.

Lola Nidora
Lola Nidora – Kakambal ni Tidora at Tinidora. Hadlang sa pag-iibigan ni Alden at Yaya Dub. May ari ng Rogelio’s. Nawalan ng Diary.

Frankie
Frankie Amoy Arinoli – Lalaking papakasalan dapat ni Yaya Dub (Fixed Marriage). Mahilig sa mga branded na damit at gamit. Mayamang tao. Lalaking tuluyang nahulog ang puso kay Yaya Dub.

Lola Tidora
Lola Tidora – Kakambal ni Lola Nidora at Lola Tinidora. Nagbunyag ng sikreto ni Lola Nidora tungkol sa pagkatao ni Yaya Dub. May ari sa mga Bernardo’s.

Lola Tinidora
Lola Tinidora – Kakambal ni Lola Tidora at Lola Nidora. Nagpakamalang tunay na ina ni Yaya Dub. May ari ng mga Quando’s.

Alden
Alden – Lalaking may seryosong pagtingin kay Yaya Dub. Hahamakin ang lahat para lang magkita silang dalawa. Lahat ng pagsubok gagawin kahit gaano man kahirap para lamang mapakanya si Yaya Dub. Lalaking iniibig ni Yaya Dub or should I say Maine?

Yaya Dub
Yaya Dub – Babaeng iniibig ni Alden. Apo ng tatlong kambal. May gusto kay Alden. Mabait na bata, sinusunod ang kanyang Lola Nidora kahit ayaw niya, ginagalang pa din niya ito kahit istrikto ito sa kanya at kay Alden.

Rogelio's
Rogelio’s – The Walking Bouncers” Mga taga sunod ni Lola Nidora.

Bernardo's
Bernardo’s – “The Walking Hunks” Mga taga sunod ni Lola Tidora.

One Quando Only.
Quando's “The Walking Deads” Mga taga sunod ni Lola Tinidora.

Lolo Franing
Lolo Franing – Lolo ni Frankie. Isa sa mga ninais ituloy ang kasal ni Frankie at Yaya Dub.

DuhRizz
DuhRizz – Apo ni Lola Nidora/Kambal. May gusto kay Alden.

Dr. Tan-ing
Dr. Tan-ing – Binayarang Doktor ni Lola Nidora upang sabihin sa lahat na mamamatay na si Lola Nidora.
Donya Selya
Donya Selya – Tiyahin ni Alden. Kaaway ni Lola Nidora.

Jimmy
Jimmy – Lalaking nagugustuhan ni Lola Nidora.

Nagpapanggap na Isadora
Nagpapanggap na Isadora - Nagpapanggap na Ina ni Yaya Dub.

Marihanna Valenciano
Marihanna Valenciano - Mayordoma ni Lola Nidora. Bestie ni Yaya Dub.

Yaya Luvs
Yaya Luvs - BestFriend ni Yaya Dub sa Studio. Yaya ni Yaya Dub.

Bae-By Baste
Bae-By Baste - Ang batang nagpapacute kay Yaya Dub.


Top 10 Symptoms of #AlDub Fever
Top 1: Lagi na kayong nagseselfie at ginagawa ang PABEBE WAVE AT PABEBE SWEAR.
Top2: Kahit napanuod mo na sa Tanghali ang KalyeSerye. Hihintayin mo pa din ang Edited Video sa Page ng Eat Bulaga at papanuorin ng paulit-ulit.
Top3: Gumawa ka lang ng Twitter Account para lang maki-party party sa hashtags araw-araw. At para din updated sa latest tweets ng Idol natin na AlDub.
Top4: Active kana lagi sa Twitter at Facebook araw-araw. Iniistalk yung accounts ng mga Idol natin. Instagram, Ask, at mga blogsites.
Top5: Lahat ng article na may kinalalaman sa AlDub binabasa mo. Kahit mahaba o maiksi.
Top6: Sa tuwing naririnig moa ng GOD GAVE ME YOU ang AlDub ang naaalala mo.
Top7: Lahat ng balita na feature ang AlDub pinapanuod mo. Lalo na sa 24Oras, Unang Hirit at Saksi. Kahit ano pang oras ‘yan.
Top8: Lagi mo ng sinasabi ang mga salitang “Sa Tamang Panahon” sa lahat ng pagkakataon.
Top9: Yung salitang “Asawa ni…” Bukambibig mo na din.
Top10: Pictures ng AlDub ang nasa Gallery ng phone mo. Madalas ng Wallpaper mo pa.

Top 5 Reasons Why We Love AlDub/KalyeSerye
Top1: Totoong kilig, saya at tawa ang naiidulot nila sa atin. Walang halong peke. Masaya sila sa ginagawa nila.
Top2: Nakakarelate tayo sa mga eksena na napapanuod natin dahil yung iba sa atin naranasan na yun.
Top3: Maganda yung Lessons na hatid ng KalyeSerye. May matutunan tayo na magagamit natin sa totoong buhay.
Top4: Hindi scripted yung mga sinasabi nila. Totoong nararamdaman nila ang ipinapakita nila.
Top5: Magaling silang lahat maghandle ng sitwasyon kung kulang ng isa. They can still managed kung paano mapapatawa ang mga manunuod. Maraming pasabog araw-araw. Dedicated talaga ang buong cast sa KalyeSerye.

Top 10 Effects and Lessons of AlDub in our Life
Top1: Nagigising ka na ng maaga para tapusin yung mga gawain mo. Para pag KalyeSerye na walang istorbo sa panunuod mo.
Top2: Naiinspired ka sa kanilang dalawa. Lalo na kay Maine Mendoza dahil naisip mo na kahit isang normal na tao o mamamayan lang ay pwedeng madiskubre at sumikat.
Top3: Nang dahil sa AlDub lumalabas ang pagiging creative at artistics ng mga tagahanga. Nakakalikha din sila ng Fan Fiction o kaya naman ay Theory kung ano ang susunod na mangyayari sa KalyeSerye.
Top4: Nanumbalik ang dating tradisyon sa panliligaw. Tradisyon na mas mabuti kaysa sa henerasyon natin ngayon.
Top5: Napagtanto ng mga Kabataan ngayon na lahat ng nangyayari ay may DAHILAN at lahat ng bagay mangyayari sa TAMANG PANAHON. Hindi minamadali. Dahil lahat ng minamadali, pwedeng pagsisihan sa huli.
Top6: Natutong mag Research sa mga bagay na may kinalalaman sa mga Idol natin.
Top7: Nakakatulog ka na nang nakangiti.
Top8: Excited ka na kapag Monday. Dati naman hindi dahil may pasok.
Top9: Natuto kang kiligin kahit wala kang love life. Hindi ka nalang sa pag-ihi kinikilig
Top10: Nahuhuli mo ang sarili mo na naka ngiti mag-isa dahil sa AlDub.

The Top 5 Traits That an AlDub Fan Should Have
Top1: Hindi pumapatol sa mga bashers o haters. Hindi nakikipag-away at sagutan sa Social Networking Sites. Huwag maninira mg ibang fandom.
Top2: Hindi ka agad maniniwala sa mga paninira ng ibang fandom sa mga Idol natin. Hindi ka dapat agad nagpapaapekto.
Top3: Puro POSITIVE lang dapat ang iniisip natin sa AlDub. Hindi dapat binibigyan ng ibang kahulugan ang Tweets ng mga Idols natin.
Top4: Huwag tayong madisappoint sa kanila. Tuloy ang suporta sa kanila hanggang sa huli.
Top5: Ituloy-tuloy lang ang pagmamahal natin sa kanila. Pagmamahal na walang kondisyon.

AlDub-Tionary
MaALDEN Kita! – Mahal Din Kita!
MAINEnamahal Kita! – Minamahal Kita!
MAINEnahal Kita! – Minahal Kita!
ALDUB You! – I Love You!
MAIDEN Heaven – Made In Heaven
I MAINE It! – I Mean It!
ALDUB-presyon – High Blood
MAINE-nu – Menu
ALDUB-o – Adobo
MAINE-nudo – Menudo
KALYE-reta – Kaldereta
CALLEFlower – Cauliflower
MAINE-Day – Monday
Cotton Kenji – Cotton Candy
Ice Kenji – Ice Candy
Candy’s Be Love? – Can This Be Love?
Ikaw ang pini-PILI ng puso ko. – Ikaw ang pinipili ng puso ko.
PINANGAT-ko sayo na may Forever. – Pinangako ko sayo na may Forever.
LAING ikaw ang iniisip ko! – Laging ikaw ang iniisip ko.
This is the MAINE event – This is the main event

HashTags


Araw-araw laging trending. Sa pagsapit ng 12am hashtag for the day inaabangan na. Walang pinapalampas na araw na hindi makakasali sa twitter party. 9am simula na ang twitter party. Tweets ng mga idol inaabangan na. Sagutan ng mga idol sa instgram at twitter dulot satin ay kilig at saya. August 21, 2015 nang magsimulang umabot ng 1 million tweets ang #ALDUBKeepThe Faith. Ito ang unang pagkakataon na umabot ng 1 million tweets kung kaya’t ginanahan ang mga Fans na mag tweets pa more dahil nais higitan pa ang 1 million. At nung Sabado, August 23, 2015 nagulantang ang lahat dahil umabot ng 2.5 million tweets ang hashtag na #ALDUBAgainst ALLODDS. Ito ang araw na itinuloy na ni Frankie ang kasal nila ni Yaya Dub. Marahil dahil sa pagmamahal kaya umabot ito ng 2.5 million. Marami ang apektado sa nangyae nung Sabado at marami din ang natuwa dahil impostor ang pastor. Na beat ng AlDub Nation ang pinakamalaking Tweets ng Kathniel na 2.1 million tweets. At ngayong August 29, 2015 umabot ng 3.13 million ang tweets ng hashtag na #ALDUBMaidenHeaven at patuloy pa itong dumadami. Ito na ang pinaka malaking tweets numbers sa loob halos ng dalawang buwan. Paano pa kaya pag dumating na ang tamang panahon? Kaya naman dapat lang  ipagpatuloy ang party party sa twitter sa mga susunod na araw. At araw-araw nang umaabot ng 1 million at higit pa ang mga tweets. Sabi nga ng isang page ng AlDub “Ang AlDub Nation kasi hindi pilitan ang pagtweets. Ginagawa nila yun dahil gusto nila yung ginagawa nila. Mahal nila yung mga taong sinusuportahan nila. ‘Yan ang pagkakaiba natin sa ibang fandom” Sa mga katagang sinabi nang FB Page na ito masasabi mo nga na totoo. Dahil ang AlDub Nation walang pilitan, ginagawa natin kung ano ang sa tingin natin ay tama. Pamilya ang turing sa isa’t-isa. Hindi binibigyang pansin ang paninira ng ibang tao. Always look at the positive side.
Dahil ang AlDub ang magpapatunay ng may FOREVER!! Kapit lang at huwag maniniwala sa mga paninira, insult at kung ano-ano pang  mag pang gugulo ng iba. Trust them. Lahat mangyayari sa Tamang Panahon. Huwag lang tayo magmamadali. Dahil lahat ng minamadali nasisira, nasasayang at madalas pinagsisihan. Everything’s happens for a million of reasons. Kaya’t kalma lang tayo at magpatuloy sapag tweets dahil tiyak kong malapit na ang TAMANG PANAHON.

Top 20 Important Happenings in AlDub
1.      Biglang paglaki ng mata ni Yaya Dub ng Makita si Alden sa Screen.
2.      Pagnakaw ng diary. Ransom sa Diary.
3.      Paghadlang sa pag-iibigang AlDub/Maiden.
4.      Pagkahimatay ni Maine sa kasalan nila ni Frankie. Yun na dapat ang tamang panahon kaso pati tadhana nakialam.
5.      Muling ipinagpatuloy ang kasal nila ni Frankie buti na lang at impostor ang pastor.
6.      Pagsubok ni Lola Nidora kay Alden. Pinatakbo mula Broadway hanggang Edsa.
7.      Pagsubok ni Lola Nidora. Pinapunta si Alden sa Bikol pinabili ng Pili. At pinabalik ulit sa Bikol at pinakuha ng Laing at Pinangat. Pinalangoy sa Olympic size swimming pool at pinakuha ang tatlong bagay mula sa ilalim mg tubig.
8.      Pagsulpoy ng kapatid/kakambal ni Lola Nidora. Si Tidora, Tinidora at SOON..
9.      Pagbunyag ng mga sikreto ni Lola Nidora.
10.  Totoong ina ni Yaya Dub. Ibubunyag pa lang.
11.  Celebration ng mga monthsary at weeksary.
12.  Pagtakas ni Lola Nidora sa kulungan.
13.  Inakalang pagkikita ng dalawa sa Broadway sa Dabarkads pa more.
14.  Pagpapanggap ng may sakit ni Lola Nidora at ang mga binayarang pastor at doctor.
15.  Kumakalat na larawan ni Lola Nidora kasama ang mga manliligaw at ang family picture nila.
16.  Pag-alis ni Frankie.
17.  Pagdating ni Duhrizz na may gusto kay Alden.
18.  On screen kiss, flying kiss at Pabebe swear/wave.
19.  Totohanan ng mga kaganapan sa KalyeSerye.
20.  PAGKIKITA NG MAIDEN SA TAMANG PANAHON!!!

ALDUB : STATUS


Bakit kaya patok ang AlDub sating mga Pinoy? Teka mali ako hindi lang pala mga pinoy kundi pati ang mga Banyaga. Tila lahat kinaaadikan ito. Matanda, bata, lalaki, babae, bakla, tomboy at kung ano-ano pang mga uri ng tao sa mundo. Pati din mga artista at mga players ay pinapanuod ito. Pati nga siguro Allien pinapanuod ito. Ano bang meron sa AlDub na wala sa ibang Love Team? Bakit lahat ng mga tao napapahinto sa kanilang ginagawa kapag ito na ang palabas? Bakit lahat gagawa ng paraan para lamang mapanuod ito at masubaybayan araw-araw. Bakit bigla itong tinangkilik kahit halos magdadalawang buwan palang ang love team na to? Ito lang masasabi ko. Iba ‘to.


Mula sa mga galaw at sinasabi nila sa kanilang mga fan sign. Talaga naming nahuli nila ang kiliti natin kaya’t ganun nalang din ang pagtangkilik natin sa kanila araw-araw. Mga ngitian na hindi na acting. Mga feelings na ipinapahayag na ng unti-unti. Marami nga ang nagsasabi na “Wala na absent na araw-araw si Yaya Dub. Si Maine na lang lagi ang present” Dahil yung tawa, ngiti at titigan nila sa isa’t-isa ay parang totohanan na. At kapag nagpapalitan sila ng Fan Sign “Maine” na ang kanilang isinusulat at hindi na “Yaya Dub”.

Maraming may gusto na sa totoong buhay ay magkatuluyan sila. Pero nasa kanila na ang desisyon na yun at maging masaya nalang tao sa kanilang desisyon at sa takbo ng tadhana. Lahat nasa TAMANG PANAHON. Pero ako gusto ko din naman na maging sila talaga sa totoong buhay. If God permit’s that to happen. Parang Ding-Dong at Marian lang yan na nagkatuluyan sa totoong buhay.

May kumalat na tweet ni Alden na ang sabi ay “I think I’m falling for MM” Lalo tuloy kinilig ang mga Fans dahil ibigsabihin nito ay seryoso na si Alden kay Yaya Dub este kay Maine pala. Pero binura agad ito matapos ng 17 secs. Halata din ang lahat ng effort ni Alden sa mga pagsubok ni Lola Nidora at sa mga paghahanda nito sa mga espesyal na okasyon nila tulad nang Weeksary at Monthsary. Yung mga galawan ni Alden sa Segment ay hindi na acting kundi ginagawa niya ito ng buong puso para kay Maine. Si Alden din pala ang nagpadala namg unang box ng mik-mik at haw haw kay Maine na ikinagulat ng lahat. Kahit off cam si Alden todo effort pa din.










Ang dami na ding kumakalat na edited photo ng dalawa na magkasama. Meron ding mga memes ng dalawa. Meron na ding game ang AlDub. Ang mechanics lang ay mahuli ang mga flying kiss para maging masaya si Yaya Dub at Alden. Kinaaaliwan ito ng lahat. Meron na ding mga portraits ang nagsulputan, gawa ng mga tagahanga ng AlDub. Mga drawings na si Maine at Alden na magkasama. Tunay na dahil sa AlDub ay naglabasan ang mga talent ng mga Pilipino.

May kumalat din na nagkita na ang dalawa 5 years ago. Nakatadhana na talaga ang dalawa noon palang at may mga naiwang ebidensya. At ang daming evidence na they were meant to be. Sa Dubsmash, sa events, sa pagiging clumsy, sa mga pictures at marami pang iba. Ang galing kasi mag imbestiga ng mga fans.

Mga sagutan nila sa Social Networking Sites. Na inaabangan din ng lahat. Napapansin din ng lahat ang pag blooming ni Maine sa Segment ng Juan for All, All for Juan. Hindi na daw ito gaanong nagpapangit ng mukha at medyo nagkakalaman na daw ang pisngi nito.





Kasama din ang AlDub sa Metro Manila Film Festival na ipapalabas sa December 25, 2015. Ang pamagat ay “Romcom-in Mo Ko” na pagbibidahan ni Ms. Ai-Ai de Las Alas at ni Mr. Vic Sotto. Hindi pa final ang pamagat na ito. Hindi pa alam ang magiging role ng AlDub sa pelikulang ito. May nagsasabi nga na “Mag-du-dubsmash lang ba si Maine diyan?” Tiyak na kapag naipalabas ito ay tatatak ito sa takilya. Pero hinihintay padin ng AlDuub Fan ang sariling pelikula ng AlDub. Magsisimula na ang shooting ng MMFF sa September 18, 2015. (If I’m not mistaken) Marami din ang may gusto na magkaroon ng sariling pelikula ang AlDub. (Pictures Below) Na sila ang mga Bidang gaganap. Ngunit wala pang balita tungkol dito.


Sa ngayon inaabangan padin ng mga mamamayan ang tamang panahon at ang paghaharap ng dalawa sa Wild Card ng Eat Bulaga sa Dabarkads pa more. Tiyak na mahihirapan ang mga judges sa pagpili ng mananalo. Sana nga pareho nalang silang panalunin. Nag-eensayo na ngayon si Maine sa kanyang Performance sa Eat Bulaga. Magpeperform daw ito bilang Maine at hindi bilang Yaya Dub. Naging habit na ito ng mga tao na manuod araw-araw. Tuwing tanghali tumitigil ang mundo ng lahat at magsisimula na naman ang kiligan at malalakas na tawanan.

This is the first time I act like this. That feeling that I got really affected sa AlDub. I got AlDub Fever and I’m proud of it. Sa AlDub love team lang ako naging laging update. Hindi naman ako ganito sa ibang loveteam. Sa AlDub lang talaga ako naging Fan Girl. Naiinspired ako sa kanila. Kaya sana sila na sa TOTOONG BUHAY. There’s nothing wrong to be a fan of any fandom as long as you can balance your time and does not affect your studies or anyone.

AlDub. Thank you for teaching us what really love is. Thank you for inspiring us. Thank you for believing that everything will happen or fall in the right time. Thank you for showing us that an ordinary person can be known someday, in the right time. Thank you for bringing back the tradition of the Pilipino’s in courting women. Thank you for making us kilig every day, for making us laugh out loud. For making us realize that God has a perfect time in everything. That He has a billion of reasons why He let things happens. Thank you for making us realize what we really want to do in the future. Thank you for coming in our life. I know that God sent you to us to be an instrument to teach us lessons. And I think we learned that lessons. Thank you for everything. God will guide you every day and we will support ‘till the end. Because of you we can still manage to smile even there’s a lot a problem in life. Thank you. Thank you. I know that this is not enough. God will help you in everything. Bashers and haters are just a challenge to you. For you to be able to make stronger than before. Unlimited Thank you and GodBless. Just continue on what you are doing and stay the same. In everything you do put God first. Do your best and God will do the rest.
GOD’S LOVE is FOREVER. That’s why He wanted to share it with us. To love someone forever.


ALDUB|MAIDEN NATION Breaks The Record


August 29, 2015 sa loob ng 24 oras nagtrending ang hashtag na #ALDUBMaidenHeaven at umabot ito ng 3.5 M tweets. Na break nila ang record ng 3.3 M tweets noong bumisita sa Pope Francis sa Pilipinas. Sa kasalukuyan ang hashtag na #ALDUBMaidenHeaven ang pinaka mataas na tweets sa lahat ng local love teams sa Pilipinas sa buong kasaysayan. Na break din nila ang record nila noong August 22, 2015 na #ALDUBAgainstALLODDS na umabot ng ng 2.5 tweets in just 24 hours. Patunay lamang ito na buo ang pagmamahal, suporta at unity ng AlDub Nation sa mga idol natin. Simula August 21, 2015 nagsimulang mag 1 M tweets ang hashtags ng AlDub at hanggang ngayon ay patindi ng patindi at painit ng painit ang suporta na AlDub Nation.
Meron lang iilang nagsabi na “Yung alagad ng Diyos hinigitan niyo! Eh tao lang naman din yan sila!” May punto naman siya ngunit naging instrumento naman din ang AlDub sa ating lahat. Sa pagbibigay ng inspirasyon at pag-asa. At sa paniniwalang may TAMANG PANAHON. Pareho lang silang ginamit na instrument upang mabago at mapaunlad ang buhay ng bawat isa sa atin. Pareho lang silang blessings sa pagdating nila sa buhay natin.

Lawakan ang ating pag-iisip. Sa ngayon tayo’y magdiwang sa hawak na record ng AlDub Nation. And let’s thanks God for the blessings and for bringing AlDub in our life!

__________

Want to add or change something? PM me on my Facebook and Twitter Account. Or leave a comment.. Thank You!!!
AlDub/Maiden Fever Forever..

This will be update soon if there’s an additional information that will be given in the segment.

PS. I do not own any pictures here.
Credit to the owners.


4 comments:

  1. Thank You sa pagbabasa.. Congrats din at napagtiyagaan mo.. 😜😜

    ReplyDelete
  2. But it's worth it. Try to read my recent post.. Thanks for Reading..

    ReplyDelete