Dapat nga ba nating balikan ang mga araw na inalagaan
tayo at pinagtanggol ng ating mga magulang? Dapat ba natin itong gantihan ng
higit pa sa kanilang nagawa? Nararapat ba natin silang pasayahin kahit sa
maliliit na bagay lamang? "Oo", ang sagot ko sa lahat ng katanungang
iyan. Dapat lang talaga. Dapat ay higitan pa natin iyon. Nararapat na ating
silang bigyan ng maayos na buhay dahil ang dami nilang sinakripisyo para sa
atin. Mga sakripisyo na natitiyak kong sila lang ang makakagawa. Lagi nilang
sinasabi na lahat ng bagay sa mundo na ito na nagyayare ay nakatakda na. May
plano ang panginoon sa atin. Plano na makakabuti sa lahat.
Pero bakit may ilang na napariwala? Ito ay maaring may
nakatakdang plano kung tinahak mo ang maling landas. O maaari din na
kaparusahan mo ito dahil sa nagawa mong kasalanan. Kahit ano pa man iyon. Lahat
ng problema sa mundo ay may solusyon. At may mga dahilan iyon kung bakit
nangyayari. At isa ang problemang ito na kinanahaharap ng iilan sa atin ngayon:
Mga magulang.. Ano ba sila para sa inyo? Siguro kung
sasagutin iyan ng ibang kabataan ay iyan ang isang tao na nagpalaki sayo at
balang araw ay iiwan mo din pag di mo na kailangan. Pero para sa akin ang mga magulang
ang pinakamahalagang bagay sa mundo na meron ako ngayon.. May magtatanggol,
mag-aalaga at mag-aalala sayo sa araw-araw. Mga magulang na tutulungan ka upang
makamit ang mga pangarap mo. Tutulong sa iyo para guminhawa ang buhay mo..
Tinuturo ang tama sa mali.. Mangangaral at magpapayo sa lahat ng problema na
nangyayare. Ganyan kahalaga ang magulang.. Kaya marapat lamang na gantihan at
balikan natin sila sa kahit na anong paraan. Natitiyak kong sasaya sila..
Tuparin lamang natin ang mga pangarap na di nila nakamtan dahil sa sobrang
kahirapan.. Pasayahin natin sila sa paraang alam natin.. Ibalik natin ang mga
pag-aaruga at pagtatanggol sa kanila, tulad ng lagi nilang ginagawa nung tayo
ay musmos pa. Iwaglit na sa ating isipan ang galit natin sa kanila noong araw
na napapalo at napapagalitan nila tayo dahil sa sobrang katigasan ng ating ulo.
Isang paraan lamang ito upang di na maulit yun, umiwas sa kapahamakan at isang
paraan ng pagdidisiplina.
Mabuntis ng maaga, mag yosi, at uminom ng alak at
lalong lao na ang makapatay at malulong sa bawal na gamot. Isa lamang ang mga
iyan sa mga kinatatakutan ng ating magulang na mangyare sa atin. Kaya hindi
natin sila masisisi. Iyan lamang ang ilang dahilan kung bakit sila nagagalit sa
mali nating nagawa, dahil ayaw nilang mapariwara tayo ng landas. Dahil mahal na
mahal nila tayo..
Gantihan natin sila ng buong puso kahit na anong klase
pa sila ng magulang.. Dahil wala tayo dito ngayon kung wala sila.. Lagi natin
silang supresahin sa paraan na alam natin. Tulad ng pagpapasyal sa mall,
pagkain sa mamahaling kainan, pamamasyal sa mga lugar na di pa nila
napupuntahan at bilhan natin sila ng mga gamit. Simpleng paraan paraan upang
mapasaya sila. Nararapat lamang na atin itong gawin dahil ginawa nila ang lahat
upang mabuhay at makapagtapos tayo.. At ngayong may mga trabaho na kayo o may
sariling pamilya, huwag sana natin silang pagdamutan. Dahil hindi nila tayo
pinagdamutan kahit kailan kung marunong ka lamang umintide. Mahalin natin sila
ng buong puso dahil natitiyak kung may malaking gantimpala sayo ang Maykapal sa
mabuting tao, anak, kaibigan, asawa, at apo.
Sana'y maintindihan ang mensahe ng aking akda. Kung
hindi naman, buksan ang iyong puso at ipikit ang iyong mata. Ang puso mo ang
makakakita ng gandang hindi mo inaasahan. Mga ala-ala na napasaya ka nila..
Isipin mo lang at intindihin at syempre mahalin.
Sana'y maintindihan kung bakit "Clock Wise at
Counter Clock Wise ang pamagat nito. Dahil ang Clockwise ay umiikot pakanan sa
orasan. Ito ang sumisimbolo sa mga araw na pino protektahan nila tayo at
inaalagaan kaya dapat tayo naman ay mag Counter Clock Wise umiikot pakaliwa sa
orasan, ibalik natin ang pag-aalaga at proteksiyon na ibinigay nila sa atin
noong panahon na iyon..
"Memories is like photos, you can look back, but
you can't never go back."
PS. I do not own any pictures here..
Credit to the owners..
PS. I do not own any pictures here..
Credit to the owners..
Leave a comments for improvements..
ReplyDelete