Mahirap ang buhay. Hindi
madali. Maraming dapat lagpasan at tawirin. Maraming dapat gawin. Maraming
dapat patunayan. Maraming sakripisyo at problema. Maraming pagsubok. Madali ba
ang mabuhay? Depende siguro. Depende kung sa anong paraan mo gustong patakbuhin
ang buhay mo. Bakit may problema? Para mas lalo mong makilala ang sarili mo,
para mapatunayan mo sa sarili mo na kaya mo. Para malaman mo din kung sino ang
totoo mong kaibigan sa kabila ng mabigat na problema. Hindi ba pwedeng wala
nalang problema? Hindi pwede, tulad nga ng sinabi ko kanina, dito mo
mapapatunayan kung hanggang saan ang itatagal mo. Mahirap maging masaya at
guminhawa nang hindi dumadaan sa lungkot at hirap. Walang kuwenta ang buhay
kung walang mga problema. Ang mga problema ay mga pagsubok lang sa atin. Hindi
sa atin ibibigay yan kung hindi natin kayang solusyunan. Lahat ng nangyayari ay
may dahilan. Hindi nga lang natin alam ang mga dahilan na iyon.
Sa edad kong ito ngayon, marami narin akong problemang nakaharap. Ang problema kasi hindi mo puwedeng takasan. Hindi mo puwedeng takbuhan. Dapat harapin ito. May naging problema ako sa paaralan, guro, kaibigan, magulang, kaklase, kamag-anak, kapit-bahay at pamilya. Pero natutuwa akong sabihin na ang lahat ng iyon ay nalagpasan at nakayanan ko. At sa bawat problema na aking nakakaharap mas lalo akong nagiging malakas at magaling. Sa buhay ng bawat tao sa mundo may mga taong dumadating sa buhay mo upang tulungan kang maging mas maayos ito o kaya naman ay upang matuto ka sa mga pagkakamali mo. Tama naman diba? Ngayon, sino-sino ang mga taong ito sa buhay mo? Huwag kana maiinis kung bakit sila pumasok sa buhay mo, dahil nga may dahilan. Ang buhay natin ay isang pagsubok at laro. Sa mga ito ko ikukumpara ang buhay ng bawat isa sa atin. At sa tingin ko, mapapatunayan ko naman sa lahat iyon. Ito ay isa ko lamang na opinion.
Ang buhay ay parang isang
laro. Bakit? Sa isang laro ano ang dapat mong alalahanin? Matapos ang unang
baitang? Manalo sa laro? Makakuha ng malaking puntos o pera. Bakit? Para dumali
ang paglalaro mo. Para makabili ng mga bagay na makakapagdali sa iyong laro.
Para mas gumanda ang mga pangdepensa at sandata na magagamit sa laro upang
lalong mapadali ang pagtalo sa kalaban at makatuntong sa susunod na hakbang.
Para manalo. Kung ikukumpara ito sa buhay halos pareho lang. Ang pagkakaiba
lang sa laro ay marami kang buhay upang maitama ang bawat pagkakamali mo. Pero
sa ating buhay, meron lamang tayo isang pagkakataon upang gawin ito. Ikaw na
ang bahala kung sa paanong paraan. Sa tama o mali? Kahit ano man ang
mapagdesisyunan mo sa dalawang iyan, dapat mo itong ingatan. Bakit ba tayo
nabubuhay? Bakit kailangang magtrabaho? Ang mga dahilan ay tulad sa mga
alintuntunin sa mga laro. Kumita ng pera. Guminhawa ang buhay. May pambili ng
mga kailangan sa araw-araw. Para mas umangat ang buhay. Ang buhay kasi may mga
hakbang din na dapat malagpasan. Kung sa mga laro kailangan mong ulit-ulitin
para manalo ka. Ganun din sa buhay at kung may problem ka. Kailangang piliting
bumangon kahit ilang ulit ka ng nalugmok sa sakit at hirap. Kailangang bumangon
dahil may mga dahilan pa upang mabuhay. Kailangang bumangon para magtagumpay sa
buhay.
Isang halimbawa siguro
ang mga nahagupit ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 8, 2013. Kung saan
maraming mga pamilya ang nawalan ng tahanan at mahal sa buhay. Nasira ang lahat
ng kabuhayan at mga naipundar. Lahat nawala, walang natira. Ang bagyong ito ang
kumitil sa libo-libong mga tao sa Pilipinas at sumira ng milyong halaga ng mga
kabuhayan. Kung isipin, napakasakit nag nangyari sa kanila. Maayos na ang buhay
o ang daloy ng laro ngunit may dumating na malakas na unos o ang kalaban na
sisira at magpapatumba sayo. At sa labang ito ay natalo tayo. Ngunit kailangang
bumangon at magpatuloy. Nobyembre 8, 2014, Anibersayo ng mga nahagupit ng Super
Typhoon Yolanda. Nakakatuwa dahil lahat sila ay unti-unting bumabangon sa
lugmok na hinaharap nila noong nakaraang taon. May mga negosyo at mga bahay na
kahit hindi pa ganun kayos. Dahil may kirot parin sa puso nila ang nangyare
noong bagyong Yolanda. May peklat na sa puso nila at hindi na kailanman
mabubura. Dahil nawalan sila ng mga mahal sa buhay na sobrang sakit. Ayos lang
sana kung pera ang nawala at hindi ang taong iniingatan at minamahal mo. Disyembre
6, 2014, hindi pa man lubusang nakakabangon sa hirap na dinanas. Muli na naman
silang sinubukan. Dahil nakaraang taon lamang ng bayuhin na naman sila ng
bagyong Ruby. Konti lang ang namatay dahil nakapaghanda na sila at natuto sa
dating maling gawa at pagiging kampante. Nguni tang mga negosyong naipundar sa
loob ng isang taon, ang mga barong –barong na mga bahay nila na hindi pa
lubusang naaayos ay muli na naming nasira at nawala. Natalo na naman tayo. Pero
hindi na gaanong kalala. Pero kailangan pa ding bumangon dahil habang may buhay
may pag-asa. Laging maraming dahilan para tumayo at bumangon muli sa
pagkakadapa at magsimulang muli. Ang buhay natin ang mismong laro na dapat
laruin. Tayong mga tao ang tauhan at kalaban. Tao man o kalikasan. Sila ang dapat
depensahan ngunit kung ikaw ay natumba dapat tumayo at magpagpag ng dumi at
muling sumugod. KAYA NATIN TO!! MGA PILIPINO TAYO! BAGYO LAMANG SILA. MAS
MALAKAS TAYO SA KANILA. Ang mga Pilipino kahit may problema TAWA PA DIN. Lahat
ay laro lamang at mga munting pagsubok sa ating buhay. Masarap damhin ang
ginhawa kung dugo’t pawis ang inalay mo para makamit ito. Mahirap ang puro
ligaya at walang lungkot.
Lahat sa buhay naten ay
isang eksam. Ang panginoon ang ating guro. Una Niyang binibigay ang eksam at huli
ang aral. Aral na dapat ikaw mismo ang makatukas. Lahat ng bagay na meron ka
ngayon, lahat ng kaibigan. Lahat iyan puwedeng mawala sayo. Pero kung meron
kang Panginoon sa buhay mo, ito ang magiging magandang armas, sandata at
pangdepensa sa lahat ng suliranin. Kung may ganito kang armas, tiyak kong
makakayanan moa ng lahat ng ito.
Pahalagahan mo ang buhay
kahit ibinigay nito ang pinaka malungkot mong naging buhay. Dahil pagkatapos ng
matinding pagsubok na ito. Mas malakas at matibay na IKAW ang makikita mo. MAS
MALAKAS AT MATATAG NA. IKAW! Magpasalamat tauo sa Kanya, dahil kung wala siya,
wala tayo. Maraming dapat ipagpasalamat sa kanya. Sa naging magandang takbo ng
buhay naten. Ang payo ko lang. MAGTIWALA KA, INTINDIHIN AT MANALIG KA LANG SA
PANGINOON AT HINDING-HINDI KA NIYA PABABAYAAN. MAGTIWALA KA LANG. Maging masaya
ka dapat sa buhay mo! SIMULAN MO NA NGAYON!!
Masaya ang mabuhay. Lagi
ka lang dapat positibo sa lahat ng pananaw..
PS. I do not own any pictures here..
Credit to the owners..
PS. I do not own any pictures here..
Credit to the owners..
No comments:
Post a Comment