My Notebook that contains my works.
Ano ba ang lagi mong ginagawa kapag bored kana? Ano ang mga ginagawa mo para mawala ang pagkabagot mo? Namamasyal? Kumakain? Kumakanta? Gumuguhit? Sumasayaw? Natutulog? o ginagawa mo ang bagay kung saan ka nagiging masaya. Saan ka nga ba masaya? Sa anong gawain nawawala ang pagkaboring mo? Nandito ako para ishare ang aking natatanging gawain sa araw na boring.
Nasa Elementarya pa lang daw ako mahilig na akong magbasa at sumulat ng kung ano-ano. At napatunnayan ko ito dahil hanggang ngayon hilig ko pa din itong pampalipas oras. Hindi ako masyadong nagbabasa ng nobela. Depende na lang siguro kung gusto ko yung kwento. Ang mga bagay na gusto kong basahin ay yung mga articles na mababasa sa dyaryo at sa internet. Bakit? Una dahil ang mga sinusulat nila dito ay pawang katotohanan at inilalahad nila dito ang kanilang opinyon sa mga bagay-bagay. Dahil dito, nagkakaroon ako ng maraming ideya sa mga bagay-bagay. Nagbabasa din ako ng mga blog ng mga sikat na personalities. At meron akong nabasa na parehong pareho kame ng paraan kung paano sisimulan ang pagsulat ng isang artikulo. At natuwa ako dun dahil may karamay pala ako. Yung paraan ng pagbibigay ng pamagat sa gawa niya. Pareho kame mag-isip. Nakakatuwa lang.
One of my work.
Pero hindi sa lahat ng bagay nakakaisip ako ng maraming ideya. Kadalasan pumapasok lang ang sandamakmak na ideya sa utak ko kapag gabi na. Yung tipong ako na lang ang gising, tulog na sila, tahimik at nakakapag-isip ako ng tama. Gusto ko kasi yung ako na lang ang gising. Walang istorbo. Hindi ko kasi magawa ng maayos ang isang bagay pag wala talagang pumapasok sa isip ko. Kung meron man, minamadali ko ito at kadalasan hindi ko nagugustuhan ito dahil minadali lang. Ang gusto ko kasi yung tipong matagal pero tiyak na maganda.
Kailan nga ba ako nagsusulat? Kadalasan napag-iisip kong magsulat kapag may mga magagandang bagay na nangyayari sa akin sa araw na yun'. O kaya naman may sumisikat na kaiibang bagay ngayon sa mundo. Kadalasan din nakakapagsulat ako kapag masama ang loob ko. Sa pagsususlat ko binubuhos ang sama ng loob ko. Dahil kahit papano gumagaan ang loob ko. Nagsusulat din ako kapag may umusbong na sikat na isyu tungkol sa politika, edukasyon, personalidad, kalamidad, krimen, at kung ano-ano pa. Dito ko naman nilalahad ang mga opinyon ko sa bawat partikular na isyu, minsan nga naglalagay pa ako kung paano masusulosyunan ang mga ganong gawain. At kapag natatapos ko ang mga ito, ang saya ko.. "May maidadagdag na naman ako sa koleksyon ko".
Nakakalungkot lang dahil nag-aaral pa lang ako ngayon at hindi ko na ito masyadong mabigyan ng atensyon dahil abala ako sa mga gawaing pammpaaralan. Pero kahit ganto, tinotiyak ko na hindi matatapos ang isang buwan na walang madadagdag sa mga koleksyon ko.
Kapag may Essay sa mga eksams, natutuwa ako dahil maiilahad ko na naman ang mga sarili kong pananaw sa mundong ibabaw. Mailalahad ko na naman ang mga bagay na alam kong tama at makakabuti sa lahat.
Habang ginagawa ko ito ngayon, ako lang mag-isa ang gising. Tahimik. At nakakapag-isip ako ng maayos. Gabi ngayon habang ginagawa ko ito. Sinulit ko na dahil apat na araw naman kameng walang pasok.
Sana mapuno ko ito. At mapaunlad pa ang kakayahan ko.
Ang lahat ng laman ng kwadernong yan' ay aking ipo-post dito sa blog ko. Aayusin ko pa kasi ng kunti.
"Huwag madiliin ang lahat ng bagay, dahil lahat ng minamadali nasasayang, nasisira at nawawala."
Pursue your dream.. Hindi ko man nabasa ng buo ang mga sulat mo, nararamdaman kong maganda ang mga nilalaman nito.
ReplyDelete