MAINEnamahal Kita!!
Cast
of KalyeSerye
Sastre Barbara
Sastre Barbara –
Taga gawa ng gown. Gumawa ng gown ni Yaya Dub noong kasal nila ni Frankie.
Riding in Tandem
Riding in Tandem –
Delivery boys sa Kalyeserye. Nag-aabot ng mga regalo ni Alden para kay Yaya Dub
at Lola Nidora. Nagnakaw ng Diary ni Lola Nidora.
Doktora Dora
Doktora Dora – Apo
ni Lola Nidora. Mahilig manggamot gamit ang mga herbal medicines. Boto sa
pag-iibigang Alden at Yaya Dub.
Lola Nidora
Lola Nidora – Kakambal
ni Tidora at Tinidora. Hadlang sa pag-iibigan ni Alden at Yaya Dub. May ari ng
Rogelio’s. Nawalan ng Diary.
Frankie
Frankie Amoy Arinoli – Lalaking
papakasalan dapat ni Yaya Dub (Fixed Marriage). Mahilig sa mga branded na damit
at gamit. Mayamang tao. Lalaking tuluyang nahulog ang puso kay Yaya Dub.
Lola Tidora
Lola Tidora – Kakambal
ni Lola Nidora at Lola Tinidora. Nagbunyag ng sikreto ni Lola Nidora tungkol sa
pagkatao ni Yaya Dub. May ari sa mga Bernardo’s.
Lola Tinidora
Lola Tinidora – Kakambal
ni Lola Tidora at Lola Nidora. Nagpakamalang tunay na ina ni Yaya Dub. May ari
ng mga Quando’s.
Alden
Alden – Lalaking
may seryosong pagtingin kay Yaya Dub. Hahamakin ang lahat para lang magkita
silang dalawa. Lahat ng pagsubok gagawin kahit gaano man kahirap para lamang
mapakanya si Yaya Dub. Lalaking iniibig ni Yaya Dub or should I say Maine?
Yaya Dub
Yaya Dub – Babaeng
iniibig ni Alden. Apo ng tatlong kambal. May gusto kay Alden. Mabait na bata,
sinusunod ang kanyang Lola Nidora kahit ayaw niya, ginagalang pa din niya ito
kahit istrikto ito sa kanya at kay Alden.
Rogelio's
Rogelio’s – “The Walking Bouncers” Mga taga sunod ni
Lola Nidora.
Bernardo's
Bernardo’s – “The Walking Hunks” Mga
taga sunod ni Lola Tidora.
One Quando Only.
Quando's – “The Walking Deads” Mga taga sunod ni Lola Tinidora.
Lolo Franing
Lolo Franing – Lolo
ni Frankie. Isa sa mga ninais ituloy ang kasal ni Frankie at Yaya Dub.
DuhRizz
DuhRizz – Apo
ni Lola Nidora/Kambal. May gusto kay Alden.
Dr. Tan-ing
Dr. Tan-ing – Binayarang
Doktor ni Lola Nidora upang sabihin sa lahat na mamamatay na si Lola Nidora.
Donya Selya
Donya Selya –
Tiyahin ni Alden. Kaaway ni Lola Nidora.
Jimmy
Jimmy – Lalaking nagugustuhan
ni Lola Nidora.
Nagpapanggap na Isadora
Nagpapanggap na Isadora - Nagpapanggap na Ina ni Yaya Dub.
Marihanna Valenciano
Marihanna Valenciano - Mayordoma ni Lola Nidora. Bestie ni Yaya Dub.
Yaya Luvs
Yaya Luvs - BestFriend ni Yaya Dub sa Studio. Yaya ni Yaya Dub.
Bae-By Baste
Bae-By Baste - Ang batang nagpapacute kay Yaya Dub.
Top
10 Symptoms of #AlDub Fever
Top
1: Lagi
na kayong nagseselfie at ginagawa ang PABEBE WAVE AT PABEBE SWEAR.
Top2:
Kahit
napanuod mo na sa Tanghali ang KalyeSerye. Hihintayin mo pa din ang Edited
Video sa Page ng Eat Bulaga at papanuorin ng paulit-ulit.
Top3:
Gumawa
ka lang ng Twitter Account para lang maki-party party sa hashtags araw-araw. At
para din updated sa latest tweets ng Idol natin na AlDub.
Top4:
Active
kana lagi sa Twitter at Facebook araw-araw. Iniistalk yung accounts ng mga Idol
natin. Instagram, Ask, at mga blogsites.
Top5:
Lahat
ng article na may kinalalaman sa AlDub binabasa mo. Kahit mahaba o maiksi.
Top6:
Sa
tuwing naririnig moa ng GOD GAVE ME YOU ang AlDub ang naaalala mo.
Top7:
Lahat
ng balita na feature ang AlDub pinapanuod mo. Lalo na sa 24Oras, Unang Hirit at
Saksi. Kahit ano pang oras ‘yan.
Top8:
Lagi
mo ng sinasabi ang mga salitang “Sa Tamang Panahon” sa lahat ng pagkakataon.
Top9:
Yung
salitang “Asawa ni…” Bukambibig mo na din.
Top10:
Pictures
ng AlDub ang nasa Gallery ng phone mo. Madalas ng Wallpaper mo pa.
Top
5 Reasons Why We Love AlDub/KalyeSerye
Top1:
Totoong
kilig, saya at tawa ang naiidulot nila sa atin. Walang halong peke. Masaya sila
sa ginagawa nila.
Top2:
Nakakarelate
tayo sa mga eksena na napapanuod natin dahil yung iba sa atin naranasan na yun.
Top3:
Maganda
yung Lessons na hatid ng KalyeSerye. May matutunan tayo na magagamit natin sa
totoong buhay.
Top4:
Hindi
scripted yung mga sinasabi nila. Totoong nararamdaman nila ang ipinapakita
nila.
Top5:
Magaling
silang lahat maghandle ng sitwasyon kung kulang ng isa. They can still managed
kung paano mapapatawa ang mga manunuod. Maraming pasabog araw-araw. Dedicated
talaga ang buong cast sa KalyeSerye.
Top
10 Effects and Lessons of AlDub in our Life
Top1:
Nagigising
ka na ng maaga para tapusin yung mga gawain mo. Para pag KalyeSerye na walang
istorbo sa panunuod mo.
Top2:
Naiinspired
ka sa kanilang dalawa. Lalo na kay Maine Mendoza dahil naisip mo na kahit isang
normal na tao o mamamayan lang ay pwedeng madiskubre at sumikat.
Top3:
Nang
dahil sa AlDub lumalabas ang pagiging creative at artistics ng mga tagahanga.
Nakakalikha din sila ng Fan Fiction o kaya naman ay Theory kung ano ang susunod
na mangyayari sa KalyeSerye.
Top4:
Nanumbalik
ang dating tradisyon sa panliligaw. Tradisyon na mas mabuti kaysa sa henerasyon
natin ngayon.
Top5:
Napagtanto
ng mga Kabataan ngayon na lahat ng nangyayari ay may DAHILAN at lahat ng bagay
mangyayari sa TAMANG PANAHON. Hindi minamadali. Dahil lahat ng minamadali,
pwedeng pagsisihan sa huli.
Top6:
Natutong
mag Research sa mga bagay na may kinalalaman sa mga Idol natin.
Top7:
Nakakatulog
ka na nang nakangiti.
Top8:
Excited
ka na kapag Monday. Dati naman hindi dahil may pasok.
Top9:
Natuto
kang kiligin kahit wala kang love life. Hindi ka nalang sa pag-ihi kinikilig
Top10:
Nahuhuli
mo ang sarili mo na naka ngiti mag-isa dahil sa AlDub.
The
Top 5 Traits That an AlDub Fan Should Have
Top1:
Hindi
pumapatol sa mga bashers o haters. Hindi nakikipag-away at sagutan sa Social
Networking Sites. Huwag maninira mg ibang fandom.
Top2:
Hindi
ka agad maniniwala sa mga paninira ng ibang fandom sa mga Idol natin. Hindi ka
dapat agad nagpapaapekto.
Top3:
Puro
POSITIVE lang dapat ang iniisip natin sa AlDub. Hindi dapat binibigyan ng ibang
kahulugan ang Tweets ng mga Idols natin.
Top4:
Huwag
tayong madisappoint sa kanila. Tuloy ang suporta sa kanila hanggang sa huli.
Top5:
Ituloy-tuloy
lang ang pagmamahal natin sa kanila. Pagmamahal na walang kondisyon.
AlDub-Tionary
MaALDEN Kita! – Mahal Din
Kita!
MAINEnamahal Kita! –
Minamahal Kita!
MAINEnahal Kita! –
Minahal Kita!
ALDUB You! – I Love You!
MAIDEN Heaven – Made In
Heaven
I MAINE It! – I Mean It!
ALDUB-presyon – High
Blood
MAINE-nu – Menu
ALDUB-o – Adobo
MAINE-nudo – Menudo
KALYE-reta – Kaldereta
CALLEFlower – Cauliflower
MAINE-Day – Monday
Cotton Kenji – Cotton
Candy
Ice Kenji – Ice Candy
Candy’s Be Love? – Can
This Be Love?
Ikaw ang pini-PILI ng
puso ko. – Ikaw ang pinipili ng puso ko.
PINANGAT-ko sayo na may
Forever. – Pinangako ko sayo na may Forever.
LAING ikaw ang iniisip ko!
– Laging ikaw ang iniisip ko.
This is the MAINE event –
This is the main event
HashTags
Araw-araw laging
trending. Sa pagsapit ng 12am hashtag for the day inaabangan na. Walang
pinapalampas na araw na hindi makakasali sa twitter party. 9am simula na ang
twitter party. Tweets ng mga idol inaabangan na. Sagutan ng mga idol sa
instgram at twitter dulot satin ay kilig at saya. August 21, 2015 nang
magsimulang umabot ng 1 million tweets ang #ALDUBKeepThe Faith. Ito ang unang
pagkakataon na umabot ng 1 million tweets kung kaya’t ginanahan ang mga Fans na
mag tweets pa more dahil nais higitan pa ang 1 million. At nung Sabado, August
23, 2015 nagulantang ang lahat dahil umabot ng 2.5 million tweets ang hashtag
na #ALDUBAgainst ALLODDS. Ito ang araw na itinuloy na ni Frankie ang kasal nila
ni Yaya Dub. Marahil dahil sa pagmamahal kaya umabot ito ng 2.5 million. Marami
ang apektado sa nangyae nung Sabado at marami din ang natuwa dahil impostor ang
pastor. Na beat ng AlDub Nation ang pinakamalaking Tweets ng Kathniel na 2.1
million tweets. At ngayong August 29, 2015 umabot ng 3.13 million ang tweets ng
hashtag na #ALDUBMaidenHeaven at patuloy pa itong dumadami. Ito na ang pinaka
malaking tweets numbers sa loob halos ng dalawang buwan. Paano pa kaya pag
dumating na ang tamang panahon? Kaya naman dapat lang ipagpatuloy ang party party sa twitter sa mga
susunod na araw. At araw-araw nang umaabot ng 1 million at higit pa ang mga
tweets. Sabi nga ng isang page ng AlDub “Ang
AlDub Nation kasi hindi pilitan ang pagtweets. Ginagawa nila yun dahil gusto
nila yung ginagawa nila. Mahal nila yung mga taong sinusuportahan nila. ‘Yan
ang pagkakaiba natin sa ibang fandom” Sa mga katagang sinabi nang FB Page
na ito masasabi mo nga na totoo. Dahil ang AlDub Nation walang pilitan, ginagawa
natin kung ano ang sa tingin natin ay tama. Pamilya ang turing sa isa’t-isa.
Hindi binibigyang pansin ang paninira ng ibang tao. Always look at the positive
side.
Dahil ang AlDub ang
magpapatunay ng may FOREVER!! Kapit lang at huwag maniniwala sa mga paninira,
insult at kung ano-ano pang mag pang
gugulo ng iba. Trust them. Lahat mangyayari sa Tamang Panahon. Huwag lang tayo
magmamadali. Dahil lahat ng minamadali nasisira, nasasayang at madalas
pinagsisihan. Everything’s happens for a million of reasons. Kaya’t kalma lang
tayo at magpatuloy sapag tweets dahil tiyak kong malapit na ang TAMANG PANAHON.
Top
20 Important Happenings in AlDub
1. Biglang
paglaki ng mata ni Yaya Dub ng Makita si Alden sa Screen.
2. Pagnakaw
ng diary. Ransom sa Diary.
3. Paghadlang
sa pag-iibigang AlDub/Maiden.
4. Pagkahimatay
ni Maine sa kasalan nila ni Frankie. Yun na dapat ang tamang panahon kaso pati
tadhana nakialam.
5. Muling
ipinagpatuloy ang kasal nila ni Frankie buti na lang at impostor ang pastor.
6. Pagsubok
ni Lola Nidora kay Alden. Pinatakbo mula Broadway hanggang Edsa.
7. Pagsubok
ni Lola Nidora. Pinapunta si Alden sa Bikol pinabili ng Pili. At pinabalik ulit
sa Bikol at pinakuha ng Laing at Pinangat. Pinalangoy sa Olympic size swimming
pool at pinakuha ang tatlong bagay mula sa ilalim mg tubig.
8. Pagsulpoy
ng kapatid/kakambal ni Lola Nidora. Si Tidora, Tinidora at SOON..
9. Pagbunyag
ng mga sikreto ni Lola Nidora.
10. Totoong
ina ni Yaya Dub. Ibubunyag pa lang.
11. Celebration
ng mga monthsary at weeksary.
12. Pagtakas
ni Lola Nidora sa kulungan.
13. Inakalang
pagkikita ng dalawa sa Broadway sa Dabarkads pa more.
14. Pagpapanggap
ng may sakit ni Lola Nidora at ang mga binayarang pastor at doctor.
15. Kumakalat
na larawan ni Lola Nidora kasama ang mga manliligaw at ang family picture nila.
16. Pag-alis
ni Frankie.
17. Pagdating
ni Duhrizz na may gusto kay Alden.
18. On
screen kiss, flying kiss at Pabebe swear/wave.
19. Totohanan
ng mga kaganapan sa KalyeSerye.
20. PAGKIKITA
NG MAIDEN SA TAMANG PANAHON!!!
ALDUB
: STATUS
Bakit kaya patok ang
AlDub sating mga Pinoy? Teka mali ako hindi lang pala mga pinoy kundi pati ang
mga Banyaga. Tila lahat kinaaadikan ito. Matanda, bata, lalaki, babae, bakla,
tomboy at kung ano-ano pang mga uri ng tao sa mundo. Pati din mga artista at
mga players ay pinapanuod ito. Pati nga siguro Allien pinapanuod ito. Ano bang
meron sa AlDub na wala sa ibang Love Team? Bakit lahat ng mga tao napapahinto
sa kanilang ginagawa kapag ito na ang palabas? Bakit lahat gagawa ng paraan
para lamang mapanuod ito at masubaybayan araw-araw. Bakit bigla itong tinangkilik
kahit halos magdadalawang buwan palang ang love team na to? Ito lang masasabi
ko. Iba ‘to.
Mula sa mga galaw at
sinasabi nila sa kanilang mga fan sign. Talaga naming nahuli nila ang kiliti
natin kaya’t ganun nalang din ang pagtangkilik natin sa kanila araw-araw. Mga
ngitian na hindi na acting. Mga feelings na ipinapahayag na ng unti-unti.
Marami nga ang nagsasabi na “Wala na
absent na araw-araw si Yaya Dub. Si Maine na lang lagi ang present” Dahil
yung tawa, ngiti at titigan nila sa isa’t-isa ay parang totohanan na. At kapag
nagpapalitan sila ng Fan Sign “Maine” na ang kanilang isinusulat at hindi na
“Yaya Dub”.
Maraming may gusto na sa
totoong buhay ay magkatuluyan sila. Pero nasa kanila na ang desisyon na yun at
maging masaya nalang tao sa kanilang desisyon at sa takbo ng tadhana. Lahat
nasa TAMANG PANAHON. Pero ako gusto ko din naman na maging sila talaga sa
totoong buhay. If God permit’s that to happen. Parang Ding-Dong at Marian lang
yan na nagkatuluyan sa totoong buhay.
May kumalat na tweet ni
Alden na ang sabi ay “I think I’m falling for MM”
Lalo tuloy kinilig ang mga Fans dahil ibigsabihin nito ay seryoso na si
Alden kay Yaya Dub este kay Maine pala. Pero binura agad ito matapos ng 17
secs. Halata din ang lahat ng effort ni Alden sa mga pagsubok ni Lola Nidora at
sa mga paghahanda nito sa mga espesyal na okasyon nila tulad nang Weeksary at
Monthsary. Yung mga galawan ni Alden sa Segment ay hindi na acting kundi
ginagawa niya ito ng buong puso para kay Maine. Si Alden din pala ang nagpadala
namg unang box ng mik-mik at haw haw kay Maine na ikinagulat ng lahat. Kahit
off cam si Alden todo effort pa din.
Ang dami na ding
kumakalat na edited photo ng dalawa na magkasama. Meron ding mga memes ng
dalawa. Meron na ding game ang AlDub. Ang mechanics lang ay mahuli ang mga
flying kiss para maging masaya si Yaya Dub at Alden. Kinaaaliwan ito ng lahat.
Meron na ding mga portraits ang nagsulputan, gawa ng mga tagahanga ng AlDub.
Mga drawings na si Maine at Alden na magkasama. Tunay na dahil sa AlDub ay naglabasan
ang mga talent ng mga Pilipino.
May kumalat din na
nagkita na ang dalawa 5 years ago. Nakatadhana na talaga ang dalawa noon palang
at may mga naiwang ebidensya. At ang daming evidence na they were meant to be.
Sa Dubsmash, sa events, sa pagiging clumsy, sa mga pictures at marami pang iba.
Ang galing kasi mag imbestiga ng mga fans.
Mga sagutan nila sa
Social Networking Sites. Na inaabangan din ng lahat. Napapansin din ng lahat
ang pag blooming ni Maine sa Segment ng Juan for All, All for Juan. Hindi na
daw ito gaanong nagpapangit ng mukha at medyo nagkakalaman na daw ang pisngi
nito.
Kasama din ang AlDub sa
Metro Manila Film Festival na ipapalabas sa December 25, 2015. Ang pamagat ay
“Romcom-in Mo Ko” na pagbibidahan ni Ms. Ai-Ai de Las Alas at ni Mr. Vic Sotto.
Hindi pa final ang pamagat na ito. Hindi pa alam ang magiging role ng AlDub sa
pelikulang ito. May nagsasabi nga na “Mag-du-dubsmash
lang ba si Maine diyan?” Tiyak na kapag naipalabas ito ay tatatak ito sa
takilya. Pero hinihintay padin ng AlDuub Fan ang sariling pelikula ng AlDub.
Magsisimula na ang shooting ng MMFF sa September 18, 2015. (If I’m not
mistaken) Marami din ang may gusto na magkaroon ng sariling pelikula ang AlDub. (Pictures Below) Na sila ang mga Bidang gaganap. Ngunit wala pang balita tungkol dito.
Sa ngayon inaabangan
padin ng mga mamamayan ang tamang panahon at ang paghaharap ng dalawa sa Wild
Card ng Eat Bulaga sa Dabarkads pa more. Tiyak na mahihirapan ang mga judges sa
pagpili ng mananalo. Sana nga pareho nalang silang panalunin. Nag-eensayo na
ngayon si Maine sa kanyang Performance sa Eat Bulaga. Magpeperform daw ito
bilang Maine at hindi bilang Yaya Dub. Naging habit na ito ng mga tao na
manuod araw-araw. Tuwing tanghali tumitigil ang mundo ng lahat at magsisimula
na naman ang kiligan at malalakas na tawanan.
This is the first time I
act like this. That feeling that I got really affected sa AlDub. I got AlDub
Fever and I’m proud of it. Sa AlDub love team lang ako naging laging update.
Hindi naman ako ganito sa ibang loveteam. Sa AlDub lang talaga ako naging Fan
Girl. Naiinspired ako sa kanila. Kaya sana sila na sa TOTOONG BUHAY. There’s
nothing wrong to be a fan of any fandom as long as you can balance your time
and does not affect your studies or anyone.
AlDub. Thank you for
teaching us what really love is. Thank you for inspiring us. Thank you for
believing that everything will happen or fall in the right time. Thank you for
showing us that an ordinary person can be known someday, in the right time.
Thank you for bringing back the tradition of the Pilipino’s in courting women.
Thank you for making us kilig every day, for making us laugh out loud. For
making us realize that God has a perfect time in everything. That He has a
billion of reasons why He let things happens. Thank you for making us realize
what we really want to do in the future. Thank you for coming in our life. I
know that God sent you to us to be an instrument to teach us lessons. And I
think we learned that lessons. Thank you for everything. God will guide you
every day and we will support ‘till the end. Because of you we can still manage
to smile even there’s a lot a problem in life. Thank you. Thank you. I know that
this is not enough. God will help you in everything. Bashers and haters are
just a challenge to you. For you to be able to make stronger than before.
Unlimited Thank you and GodBless. Just continue on what you are doing and stay
the same. In everything you do put God first. Do your best and God will do the
rest.
GOD’S LOVE is FOREVER.
That’s why He wanted to share it with us. To love someone forever.
ALDUB|MAIDEN
NATION Breaks The Record
August 29, 2015 sa loob
ng 24 oras nagtrending ang hashtag na #ALDUBMaidenHeaven at umabot ito ng 3.5 M
tweets. Na break nila ang record ng 3.3 M tweets noong bumisita sa Pope Francis
sa Pilipinas. Sa kasalukuyan ang hashtag na #ALDUBMaidenHeaven ang pinaka
mataas na tweets sa lahat ng local love teams sa Pilipinas sa buong kasaysayan.
Na break din nila ang record nila noong August 22, 2015 na #ALDUBAgainstALLODDS
na umabot ng ng 2.5 tweets in just 24 hours. Patunay lamang ito na buo ang
pagmamahal, suporta at unity ng AlDub Nation sa mga idol natin. Simula August
21, 2015 nagsimulang mag 1 M tweets ang hashtags ng AlDub at hanggang ngayon ay
patindi ng patindi at painit ng painit ang suporta na AlDub Nation.
Meron lang iilang nagsabi
na “Yung alagad ng Diyos hinigitan niyo!
Eh tao lang naman din yan sila!” May punto naman siya ngunit naging instrumento
naman din ang AlDub sa ating lahat. Sa pagbibigay ng inspirasyon at pag-asa. At
sa paniniwalang may TAMANG PANAHON. Pareho lang silang ginamit na instrument upang
mabago at mapaunlad ang buhay ng bawat isa sa atin. Pareho lang silang
blessings sa pagdating nila sa buhay natin.
Lawakan ang ating pag-iisip.
Sa ngayon tayo’y magdiwang sa hawak na record ng AlDub Nation. And let’s thanks
God for the blessings and for bringing AlDub in our life!
__________
Want
to add or change something? PM me on my Facebook and Twitter Account. Or leave
a comment.. Thank You!!!
AlDub/Maiden
Fever Forever..
This
will be update soon if there’s an additional information that will be given in
the segment.
PS. I do not own any pictures here.
Credit to the owners.