Tuesday, October 20, 2015

Personality Reading


The Book: I See Your Dream Job

The Author: Sue Frederick

When I enter college, I still don’t know what I really want to be. It’s just like I don’t know myself. I keep on thinking that, “What would I be after college?” But time passed I just realized what I really want. And thank you to the book entitled “I see your dream job” By Sue Frederick. She is a career intuitive who has been called the “Emeril of Enlightenment” She’s a frequent guest on radio shows and has presented workshops at venues such as the Crossings Retreat Center and the New Hope Center and for organizations such as the American Business Women’s Association and the National Career Development Association. She lives in Colorado. After I read that book I have just realized that it’s true. It’s totally me. And it was amazing. I just borrowed that book from my friend and I let it borrowed by our classmates and I am glad that they were happy to the result. This book helps a lot to those students that can’t still decide on what course they should get in college. This book will help them to guide in their right path.

I just want to share the results of my own Birth Path. How? Just combine all the numbers in your birthday. For example 08 06 1996 is my birthday. Therefore it will be solve like this: 8+6+1+9+9+6= 39 since this is a two digit number add them together. Therefore 3+9= 12 then do again the same thing 1+2=3 then 3is your birth path and you can find it in the book.
Here’s my result:

Positive Aspects: Entertaining; self-expression through writing, movement, or the arts; natural creativity; gifted communicator of ideas; playfulness; fun; beauty; charm; love of limelight; social graces.

Negative Aspects: Conceited; cold hearted; over intellectual; anti-social; verbose; superficial; jealous; lack of focus; accomplishment, or responsibility.

Birth-Path:
Social grace, playfulness, and beauty are your expressions; you love being on stage or in front of a camera or classroom. Your work must involve creative self-expression and leading others (as a teacher or writer) to find their unique ways to express themselves. Words and ideas are key to your self-expression. Don’t get too stuck in your cerebral viewpoint or you’ll lose the way. Be vary of expecting to be provided for and becoming a financial burden to love ones. Your gifts of creativity and teaching should provide a fine living.
Examples: Actor, singer, talk show host, freelance journalist, interior designer, dancer, beautician, fashion model, hostess, and social director, elementary school teacher, arts therapist.

Leo Path:
Humor, generosity, and creativity are powerful gifts that will get you far on this path. And you’ll spend lots of time entertaining us on stage. Your talent for your brilliant communication will leave a legacy, whether you make your living as a speaker, actor, comedian, or as a teacher of languages.

Talents:
Ability to create or design beautiful things, express complex ideas brilliantly through words, visual arts or dance.

To be happy at work:
Values creativity, social interaction, and self-expression.

Whom would you like to help?
Can teach creativity, self-expression, and artistic skills to anyone who wants more beauty, joy, and authenticity in their life.

Pain and Feel:
May grow up feeling uninspired, repressed, and stifled in their creativity. Their great work offers joy, creativity and new ideas to others-empowering others to express themselves.
Dreamy Careers:
Longs to dance, write, design, and creatively self-express.

The results of my birth path was really true. It’s the same thing I feel every time I feel down. This book helps me to enlighten my minds and keeps me on thinking on the brighter side of life. It teaches that always be positive. I just want to explain my result to you guys I will make it short. Yes it’s true that I’d like entertaining people. I like performing on stage. But in my own way. For me I will entertain people through my words, through writing. Because this is what I really want. And I didn’t discover it earlier. But I know I will be like this someday. But you know I can’t write when I have a problem, lack of focus. When I have many ideas but I just can’t write when there is problem. I also love to sing and dance but I’m not good at all. I’m just doing it when I’m alone and no one can see me or judge me. I always do it especially at the comfort room. Sounds weird right? But I always do. I always imagining that I’m a super star even if not. That was a craziest thing I can do. But people don’t know that I can. And I don’t want them to know about that. Why? Because I’m afraid to be judge. I’m afraid to reject and hear negative comments about my works or the things I have done. When there is performances in school and everyone should participated I always thinking on negative sides. “What if’s” I hate it. But still I want to calm myself so no one can blame me if there’s a bad thing happen. And that’s it. And I think because of this book, I can manage to change it now.
I have learned that keeps on dreaming and do things that makes you happy. You will never be happy unless you get what you want in life. Life is so unpredictable, so whatever comes on your way be stronger than you are. Keeps on thinking the positive side. And look up.

This book will help you also. This book is not available here at the Philippines. You can buy them at US. Maybe you can buy online. It’s much better if you read the whole book. Do you want to find yours? Just message me on my account I still have the copy.

Buhay Sa Unibersidad


Mahirap daw ang kolehiyo, maraming gastusin, maraming gawain at ito ay para lamang daw sa mga matatalino. Ang mga bagay na ‘yan ang kadalasang sinasabi sa atin. Nanghihinayang sila dahil aaksayahin lang daw ang pera at oras kapag hindi nagtino. Hindi naman lahat ay ganito. Iba-iba tayo.
Hindi normal ang aking naramdaman sa unang araw ng klase ko sa kolehiyo. Nalulungkot ako, naiiyak, at nangungulila ako sa mga dati kong kaeskwela at mga kaibigan. Wala akong gana sa unang araw na ‘yun. Sobrang lungkot. Samahan mo pa ng mga sabi-sabi na masungit daw ang mga professors at sobrang mahirap daw magbigay ng mga gawain. Pero lahat ng ito ay nawala, dahil napagtanto ko na mali ako. Sobrang mali.

Matagal ko na natanggap sa aking sarili na isa na akong kolehiyo. Pero hindi nagtagal ay nagugustuhan ko na ang buhay kolehiyo. Masaya pala. Sobra. Parang Hayskul lang din pala. Ang pinagkaiba lang ay nagpapalipat lipat ka na ng klasrum, may lingo na tatlong araw lang pasok mo, at may mga araw din na sobrang haba ng break niyo at didiretso sa Mall. Saya diba?
Kumuha ako ng kursong Bachelor of Science in Business Administration Major In Marketing Management. Hindi ko ito first choice at hindi ako pumili ng kursong ito. Gusto ko ba ito? Hindi. Yung first choice ko ba ay ako ang pumili? Hindi din. Titser sana ang first choice sakin ng aking ina, ngunit ang gusto ko sanang major ay hindi available sa pinaka malapit na Unibersidad ditto sa amin. Kaya wala akong magagawa. Binase ko lang din ang kurso ko ngayon sa resulta ng eksam ko sa NCAE o National Career Assessment Examination. At sa Business daw ako magpupunyagi. Kaya nandito ako ngayon.

Una akong nag eksam ng Entrance Exam sa Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa Campus. Sa kasamaang palad hindi ako pinalad makapasa dito. Hindi siguro ito para sa akin. At nagpapasalamat na din ako dahil kung naipasa ko to marahil hirap na hirap ako ngayon sa transportasyon. Buti nalang. Sa Bulacan State University-Sarmiento Campus ang sumunod na university na pinag-eksaman ko. Sabi ng magulang ko huli na to. Pag hindi ka nakapasa, hindi ka muna mag-aaral. Mabilisan nalang din to. Matapos ang tatlong araw dumating na ang araw ng eksam. Kabado? Oo, bakit? Dito nakasalalay ang kinabukasan ko at kapag hindi ko naipasa.. oras na siguro mag paalam. Ibigsabihin hindi talaga para sakin ang kolehiyo. Pero dahil kailangan ko daw mag-aral dahil kulang pa daw ang nalalaman ko. At ayun, nakapasa ako. Salamat. Tuloy ang biyahe sa magandang kinabukasan. Enrollment na. Sobrang haba ng mga pila. Balik ulit bukas kung kulang ka ng mga requirements na kailangang ipasa. Mainit, nakakauhaw, nakakapagod, at nakakainit ng ulo ang mga sumisingit. Pero kailangan maging kalmado. At ayun nga natapos din.

Unang Araw ng Klase:

Iba’t ibang bagong mukha ang nakikita ko. May maganda, may panget, may mataba, may payat, may mukhang adik, may mukhang matalino, may mukhang hindi matalino, may bakla, may tomboy, may maliit, may matangkad at may mag syota. Naghalo-halo na sila. Saan ba kayo diyan? Kapag inihambing mo ang mga mo sa Kolehiyo, masasabi mo na parang Hayskul lang din. May pasikat, antukin, musikero/musikera, matalino, bobo, lutang ang isip, wala sa sarili, reponsable, palabasa, mahilig magdrawing, model, MVP/player, bolero, malakas mang-asar, lagging pinagtitripan, matakaw, mahinhin, kulang sa pansin, may sipsip at may palabiro. Para lalo mong maintindihan. Basahin ang akda na ito na isinulat ni Bob Ong.

Isang Dosenang Klase ng High School
(Halaw sa librong ABNKKBSNPLAko?!)
Ni: Bob Ong

Clowns- Ang official kenkoy ng klase. May mga one-liner na gumigising sa lahat kapag nagkakaantukan na. Sabi ng mga teacher, eto raw ‘yung mga KSP sa klase na dahil hindi naman matalino e idinadaan nalang sa patawa ang pagpapapansin. Pero aaminin ko, walang klaseng walang ganito, at kung mayroon man, magiging matinding sakripisyo ang pagpasok sa eskwela araw-araw.

Geeks– Mga walang pakialam sa mundo, libro-teacher-blackboard lang ang iniintindi. Kahit na mainit ang ulo at badtrip ang teacher, ang mga geeks ang walang takot na lumalapit sa kanila para lang itanong kung mag-iiba ang resulta ng equation kung isa-substitute ‘yung value ng X sa Y.

Hollow Man– May dalawang uri ng HM virus, ang type A at type B. Ang type A ay mga estudyanteng madalas invisible, bakante ang upuan, madalas absent. Type B naman ang mga mag-aaral na bagama’t present e invisible naman madalas ang sagot sa mga quiz, hollow ang utak.

Spice Girls– Barkadahan ng mga kababaihang mahilig gumimik, sabay-sabay pero laging late na pumapasok ng room pagkatapos ng recess at lunch break. Madalas na may hawak na suklay, brush at songhits. Pag pinagawa mo ng grupo ang isang klase, laging magkakasama sa iisang grupo ang SG.

Da Gwapings– Ang male counterpart ng SG, isinilang sa mundo para magpa-cute. Konti lang ang miyembro nito, mga dalawa hanggang apat lang, para mas pansin ang bawat isa. Tulad ng SG, kadalasang puro hair gel lang ang laman ng mga utak ng mga DG.

Celebrities– Politicians, athletes, at performers. Politicians ang mga palaban na mag-aaral na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng eskwelahan at kapwa estudyante kesa sa grades nila sa Algebra. Athletes ang ilang varsitirian na kung gaano kabilis tumakbo e ganoon din kabagal magbasa. Performers naman ang mga estudyanteng kaya lang yata pumapasok sa eskwela e para makasayaw, makakanta, at makatula sa stage sa tuwing Linggo ng Wika. Sa pangkalahatan, ang mga celebreties ay may matinding PR, pero mababang IQ.

Guinnees–  Mga record holders pagdating sa persistence. Pilit pinupunan ng kasipagan ang kakulangan ng katalinuhan. Sila ang kadalasang nagtatagumpay sa buhay. Masinop sa projects, aktibo sa recitation. Paulit-ulit at madalas magtaas ng kamay kahit na mali ang sagot.

Leather Goods– Mga estudyanteng may maling uri ng determinasyon. Laging determinado ang mga ito sa harapang pangongopya, bulgarang pandaraya, at palagiang pagpapalapad ng papel sa teacher. Talo ang balat ng buwaya sa pakapalan.

Weirdos– Mga problematic students, misunderstood daw, kadalasang tinatawag na black sheep ng klase. May kanya-kanya silang katangian. Konti ang kaibigan, madalas mapaaway, mababa ang grades, at teacher’s enemy.

Mga Anak ni Rizal– Ang endangered species sa eskwelahan. Straight ‘A’ students, pero well rounded at hindi geeks. Teacher’s pet, pero hindi sipsip. Hari ng Math, Science, at English, pero may oras pa rin sa konting extra-curricular activities at gimmicks.

Bob Ongs– Mga medyo matino na medyo may sayad. Eto ‘yung estudyanteng habang nagle-lecture ‘yung teacher e pinaplano na ‘yung librong ipa-publish nya tungkol sa mga classmates n’ya.

Commoners– Mga generic na miyembro ng klase. Kulang sa individuality at katangiang umuukit sa isipan. Hindi sila kagad napapansin ng teacher pag absent, at sa paglipas ng panahon, sila ang mga taong unang nakakalimutan ng mga teachers at classmates nila.
Oh. Ayan. Nandiyan na lahat ng gusto kong sabihin. Lahat yan meron parin sa kolehiyo. Hindi na ata mawawala ang lahat ng ‘yan. Pero aminin man natin o hindi kulang ang klasrum kung wala ang mga ganyang uri ng tao. Magiging walang gana ang buong tao o semestre na magkakasama kayo. Kaya pahalagahan niyo din sila. Alam kong nakikita mo ang sarili mo sa mga isa iyan. Isekreto mo nalang.

Unang Pakikipagkilala:

Umupo ako sa isang bakanteng upuan na malapit sa may mga tao. Para makipagkilala na. Pero habang minamasdan ko sila napagtanto ko na hindi sila ang uri ng kaibigan na hanap ko. Masyado silang madaldal at ayokong mahawa ako sa kanilang ugali. Kaya ayun, nanahimik muna ako. Tinitignan ang bawat dumadaan, naghahanap ng pogi at maganda, naghahanap ng kakilala at ng mga taong pwedeng kaibiganin na ilaagay ako sa tama.

May nakita nga akong kakilala kaso hindi kame magkaklase. Kaklase ko siya sa hayskul at malapit kami sa isa’t isa. Sayang nga at hindi kame pareho ng seksyon kahit na pareho kame ng kinuhang kurso. Wala pa din akong napipiling kaibiganin. Hanggang sa “May nakaupo na diyan?” tanong sakin ng isa kong kaklase na kakadating lang. “Wala pa” sagot ko. At agad naman siyang umupo sa tabi ko. Napaisip ako, eto na yun. Eto na yung kaibigan na hinahanap ko. At sa tagal ng aming propesor nagkakwentuhan kame. Nagpakilala sa isa’t isa na may kasamang handshake. Itago na’lang natin siya sa mga initials na Ms. DZB. Pareho pala kame ng sitwasyon, yung kaibigan niya din pala ay nasa kanilang seksyon din. Ibigsabihin yung mga kaibigan naming ay magkaklase. Gusto ko siya dahil matalino siya at magaling siyang magsalita. Sa tingin ko ay mahahawaan niya ako ng kasipagan sa pag-aaral at natutuwa ako.

Unang Pagbisita ng Propesor:

Dumating na siya. Kinakabahan ako. Mukha siyang masungit. Dito na ba magsisimula ang paghihirap ko sa Kolehiyo? At dahil unang araw palang ng pasok nag pakilala lang sa isa’t-isa at may pinadala siyang mga iilang gawain na ipapasa sa susunod na lingo. Napaisip ako. “Madali lang pala.” Sa aming pagkikipagkilala lagging tinatanong ay kung sino daw baa ng pumili ng kurso naming? Magulang daw ba o kame? Una o pangalawang pagpipilian lang? Gusto ba naming ito o hindi. At nung matapos na ang kalokohang iyon, napagtanto ko na hindi lahat gusto ang kurso na kinuha nila. At pareho lang kame lahat ng mga dahilan. Magulang ang pumili. Hindi kinuha ang kurso na yun dahil mahal at malayo ang eskwelahan. Ang nangyare tuloy ay kung saan ang pinakamalapit at kung anong kurso lang meron dun, yun na lang. Kaya nasabi nalang ng propesor naming na. “Hanggang maaga pa, lumipat na kayo. Hindi kayo magiging masaya dito hangga’t hindi niyo hilig ang kursong ito. Mahihirapan kayong ipasa ito kung iba ang tinitibok ng puso niyo. Hindi kayo kailangan dito. Doon kayo sa kurso na ikakasaya niyo!” Yaan ang mga sinabi niya. Totoo naman diba? May nagsabi pa nga na “Kung mga magulang niyo lang din pala ang pumili ng kurso para sa inyo eh di sila nalang ang mag-aral.” Natawa ako dito.

Sa pagtatapos ng kanyang oras napagtanto ko na hindi naman pala masungit o mahirap. Basta sundin lang lahat ng pinapagawa at mag-aral ng mabuti. Siguradong papasa at makakatapos ka.

Unang Lunch Break:

Kakain ba ako? Tanong ko sa sarili ko? Sanay kasi ako na hindi kumakain kapag nasa labas. Matipid kasi ako. Nag-iipon para sa mga gastusin sa hinaharap. Kaya yung 100.00 ko na baon ay hindi ko talaga inuubos, dapat may matitirang 50.00. Sa makatuwid 50.00 lang din dapat ang mabawas. Kasama na ang pagkain at tranportasyon. Minsan kasi nilalakad lang namin yun, mula skul hanggang sa bayan.

At ayun nga ang daming pagkaing pwedeng bilhin kaso kailangang magtipid. Pero hindi ko akalaing mababago ko ito. Sa tamang panahon.

Unang Lecture:

Nagulat ako. Iba na pala ngayon. Kung dati papel at panulat ngayon kamera na. Yung mga android phone ang gamit nila. Kaya picture picture nalang sila. Samantalang ako. Sulat ditto sulat doon. Dahil ang cellphone ko lamang ay isang keypad Cherry Mobile C8. May kamera pero malabi. Para sa komunikasyon lang talaga. At pinangako ko sa sarili ko na makakabili din ako niyan. Sa Tamang Panahon.

Hindi pa din talaga ako nagbabago, pagdating sa mga ganitong oras, tinatamad ako making. Inaantok ako. Walang gana. Lalo na kapag nakakaantok talaga yung nagtuturo. Pero kailangang labanan ang antok dahil kung hindi mapapalayas ka sa klase.

Unang Uwian:

Ang hirap makauwi. Walang kasabay sa tricycle. Ayokong magpaspecial dahil mahal ang babayaran. Mag-iintay ka muna ng ilang minute o minsan pa nga oras ang hihintayin. At ayun nga kapag nakasakay kana. Jeep naman yung poproblemahin. Ang tagal lagi punuan, pero minsan lang naman yun. Nakakainis lang kapag natrapik ka pa. Unang sakay ko yun sa Jeep ng mag-isa. Hindi kasi ako gala at hindi ako sanay sumakay ng jeep ng walang kasama. Pero nagkamali ako, kaya ko pala. At nagagawa ko yun ngayon. Nakakarating na ako sa mga malalayo. Yung tipong kapag napuntahan ko na ng isang beses kaya ko ng pumunta mag-isa. Makakauwi ka naman kung marunong ka magbasa at magsalita. At kung hindi naman. Maliligaw ka.

Unang Eksam:

Tuwing eksam hindi maiiwasan ang mga hindi nagrereview, at isa ako dun. Yung tipong pagkauwi ng skul sasabihin mo sa sarili mo na “Sige. Mamaya magrereview ako. Pahinga lang sandal.” Pero nakatulog ka tapos sasabihin mo na “Iseset ko nalang alarm, gigising ako ng maaga para magreview.” Pero kapag tumunog na yung alarm, paulit-ulit mo nalang itong papatayin hanggang sa maghahanda ka na para pumasok at magmamadali kana dahil magrereview kapa kunti. Ako to ei. Lagi koo to atang ginagawa kapag hindi ko gusto yung subject.

Pero ayun na nga tuwing eksam. Hindi na ata maiiwasan ang pangongopya. Kung mahina ka. Hindi ka makakakopya. Minsan nga gumagamit pa ng kodigo. Alam mo bang may bago ng paraan ng pangongodigo? Hindi na uso yung ilalagay yung sagot sa panyo, isusulat sa may binti, isusulat sa table, isusulat sa kamay, magpupunit ng maliit na papel tapos isusulat ang sagot at yung istilo na kunwari may nalaglag titingin nap ala sa kodigo. May bago ng paraan ngayon. Kung may Android phone ka, madali lang sayo ito. Open lang ang Bluetooth tapos ayun na, pasahan na ng sagot. Matapos kuhanan ng litrato ang papel handa na upang ibahagi sa lahat. Wala ng imposible ngayon. High tech na eh. Kawawa ang walang Android. Magagamit mo na ang Android sa lecture at eksam. Kaya sa wala pang android? Bili na kayo. OPlus ah? Para suporta kay Maine Mendoza. XD

Ngayon:

Napagtanto ko na lahat ng inisip ko sa simula na negatibo, lahat yun mali. Dahil ang saya pala. Marami ang nabago sa akin maliban lang sa Cellphone ko. Nagiging responsible na ako. Yung tipong ako gagawa para sa lahat. Kumakain na ako kahit hindi lunch o kahit lunch na. Yung tipong kunti nalang natatabi ko. Pero ayos lang yun, ang mahalaga maging masaya sa mga nalalabing ilang araw sa kolehiyo. Dahil isang taon na lang magtatapos na ako. At kapag nagtrabaho ka daw ay nakakamiss ang mag-aral. Kaya susulitin ko na ang isa’t kalahating taon para magsaya at subukan ang mga bagay na hindi ko pa magagawa. Alam kong marami pa kaming dapat pagdaanan. Marami pang paghihirap. Marami pang away kapag hindi kame nagkakaintindihan. Marami pang sasagutang eksam. Marami pang ipapasa. Marami pa. Sobrang dami pa. Pero dapat habang ginagawa mo ‘yun, nag-eenjoy ka dahil mas masarap gawin ang isang gawain kapag masaya ka at gusto mo ang ginagawa mo. Huwag mong madiliin, dahil kapag nagmadali ka magiging walang kwenta lang ang mga ginagawa mo.
Ngayong kolehiyo natutunan kong kumilos ayon sa edad at sa pinag-aralan mo. Makisama, kahit alam mong ayaw niya sayo at ayaw mo sa kanya kailangang magpanggap na gusto niyo ang isa’t isa. Para may magawa kayo. Kailangang habaan ang pasensya dahil ang sarap sa pakiramdam kapag natapos mo ang isang bagay na pinaghirapan mo. At higit sa lahat, natutunan kong magsaya kahit gaano pa kahirap ang mga pinapagawa sa inyo. Kaya natin ‘yan.

Ang sarap marinig ang salitang “Congratulations!!!” Tapos magcecelebrate kayo lahat sa na achieve mo. At gusto ko ang susunod na CONGRATULATIONS na marinig ko ay sa araw ng pagtatapos ko. Ang sarap kasi isipan na, sa wakas tapos ka na sa lahat ng requirements, quizzes, eksams, thesis, defense, projects at kung ano-ano pang pangpahirap pero pampatatag naman sa bawat isa satin. At lahat ng natutunan ko sa aking Alma Matter ay aking dadalhin hanggang ako ay nagtatrabaho. Marami akong gustong abutin at gawin. Hindi lamang para sa aking sarili kundi para din sa aking pamilya at kapwa ko. At magpasalamat tayo sa mga taong nakatulong sa atin para makatapos tayo. Magulang, kapatid, kaibigan at higit sa lahat ang panginoom. Kung ipahihintulot ng panginoon sana makamtam ko lahat.

Masarap ienjoy ang mahahalagang araw sa buhay mo kasama ang mga baliw at puno ng kalokohan niyong magkakaibigan. Dudugtungan ko nalang ito kapag nakapagtapos na ako.

Sa pag-aaral hindi maiiwasan ang may humadlang at magpahirap, pero kung gusto mo talaga makuha ang isang bagay, walang kahit sino ang makakapigil sayo. WALANG MAKAKAPIGIL SA AKIN! Kayanin mo ang bawat pagsubok na ibinibigay sayo/sa atin. Kaya natin’to. Mas masarap damhin ang isamg bagay kapag sa hirap mo nagmula. Hingi lang muna tayo tulong kay Lord. Tutulungan niya tayo.

P.S. I do not own any pictures here.

Credit to the owner.

Sunday, September 27, 2015

AlDub/MaiDen: First Fandom I Ever Love


Paano ba sumikat? Gaano katagal ang hihintayin para sumikat ka? Kasikatan? Madali lang ba itong makuha o hindi? Ano ang mga bagay na ginawa mo para makamtam ito? Karapat dapat ka ba sa posisyon na ‘yan? Sapat na baa ng kasikatan mo? Paano ka sumikat? Sa magandang paraan o sa mali?

Hindi ito tungkol sa oras na ginugol mo sa panunuod kundi dahil sa ligaya, tawa, aral, at kilig na nararamdaman mo habang pinapanuod ito. Sabi nang iba “Sinasayang mo lang ang oras mo sa panunuod niyan!” Ang tanong? Totoo nga bang nasayang? Parang hindi naman. Paano mo nasabing nasayang? Sayang kasi natatawa ako. (Bakit? Gusto mo lagi ka nalang umiiyak dahil iniwan ka ng boyfriend o dahil sa walang katapusang problema sa mundo!) Sayang kasi sumasaya ako. (Bakit? Gusto mo lagi ka nalang nakabusangot kakaisip kung paano ipapasa ang eksam, paano tatapusin ang thesis, at kung paano ka makakapagbayad sa Tuition Fee mo!) Sayang kasi may aral akong matutunan. (Aba! Sige mag-asawa ka na! Mag-anak ka ng marami! Mangligaw ka ng maraming babae. Ikaw naman babae sagutin mo lahat! Mauubusan eh. Nagmamadali.) Sayang kasi kinikilig ako. (Ang mga hindi kinikilig malamang sawi sa pag-ibig at ayaw pang lumimot sa dating karelasyon. Ipagpatuloy mo lang yan! Sinasayang mo lang oras mo! Siya masaya na sa iba ikaw naman mukha pa ding tanga.) Ngayon, tatanungin ulit kita. Nasayang nga ba ang oras mo? Yung totoo?

Grabe na talaga ang TAMA ko sa AlDub! Ang mga magagandang epekto nito sa akin ay nagugustuhan ko. Pero bakit nga ba maraming nababaliw sa AlDub? Una na siguro dito ay marami ang nakakarelate dito. May halong katatawanan, kalokohan, kiligan at halakhakan. Pangalawa, may aral na makukuha. Pangatlo, sobrang bait ng AlDub Tandem. Maine Mendoza at Alden Richards. Masasabi kong isa ng epidemya ang AlDub sa buong mundo!!

Bryan White Concert in Manila

Bryan White - God gave me you

Dawin - Dessert

#ALDUBTheMostAwaitedDate ay nagtala ng 12.1 Million Tweets sa loob ng 24 Oras. Dahil dito maraming banyaga ang nagtataka. Sino daw ba ng AlDub? Isa na dito si Bryan White ang singer ng kantang God Gave Me You. At dahil sa nalaman niyang sikat ang kanyang kanta sa Pilipinas at marami siyang tagahanga dito, ngayon ay nagpaplano siyang pumunta. At tuwang tuwa siya dahil sa pagsuporta ng AlDub Nation sa kanya. At magkakaroon pa ito ng Concert sa December. Nadiskubre na din ni Dawin, ang nagpasikat ng kantang Dessert.

MCDO

MCDO

Talk N Text


O Plus

MCDO


555 Sardines

Zonrox Plus

Bear Brand Adult Plus

Malayo na talaga ang narrating ng Tandem ng AlDub. May TVC na sila ng magkasama. Una sa MCDO. Pangalawa sa TNT. Pangatlo ay sa O+, ngunit hindi kasama si Alden dito. Si Lola Nidora ang kasama niya dito.  Pang-apat ay ang sa 555 Sardines na si Maine Mendoza lang din ang nasa TVC na ito. Ang panglima ay ang Zonrox  Plus na magkasama ulit ang ALDUB Tandem. Pang anim ang Bear Brand Adult Plus na magkasama pa din ang dalawa. At marami pa ang TVC ang nag-aantay sa dalawa. Nakapila na ang kabi-kabilang endorsement. Maine Mendoza Fastest Rising Star, ayon sa SNS.

EdukCircle Award

Gold Record Award


First Album Haplos


Second Album Wish I May

Wish I May Music Video

CBCP Award

CBCP Award

CBCP Award
Gintong Kabataan Award 2015

Gintong Kabataan Award 2015

Gintong Kabataan Award 2015

Gintong Kabataan Award 2015

Gintong Kabataan Award 2015

Gold Record Award "Wish I May"

Gold Record Award "Wish I May"

Gold Record Award "Wish I May"

Platinum Record Award "Wish I May"

Awards Given by Push Alerts

Awards For Alden, Maine, Eat Bulaga and Ryzza


Nagkaroon na din ng award ang AlDub Love Team ngayong dalawang buwan palang sila. Ito ay ang Most Popular Breakout Love Team of the year na ginawad ng EdukCircle Awards at ang kaylan lang na Golden Recording Award ni Alden na narelease two years ago. Iba talaga ang suporta na mga tagahanga nang AlDub. Naiyak pa nga si Alden ng masurpresa sa award na ito. At inaamin kong isa din ako sa naiyak. Ngunit hindi pa natatapos yan. May sumunod pang award na ginawad naman ng Catholic Bishop's Conference of the Philippines. Ginawaran nila si Lola Nidora o Walter James Bayola o mas kilaa natin bilang Wally Bayola. Ginawad sa kanya ang Catholic Social Media Award For Being Instrumental in Spreading Good Values in Media. Alden Richards ng Catholic Social Media Award for Being A Good Youth Role Model. Maine Mendoza ng Catholic Social Media Achievement Award for Being Influential In Propagating Christian Values To The Youth. Pati ang AlDub Nation ay mayroon ding award ito ay ang Achievement Award for Spreading KalyeSeye Values Online Through Inspirational Posts and Tweets. Ginawaran din si Maine Mendoza ng Gintong Kabataan Award sa Malolos Bulacan dahil naging mabuting ihemplo ito sa mga kabataan. Hindi pa nalalaunch ang Album ni Alden Richards ay nagkaroon agad ito ng Gold Recor Award.


Songs that are Dedicated to AlDub

Sotanghon

BaeYaya

Yaya

AlDub Song


That's My Yaya Dub

Sa Tamang Panahon

Lahat ng mga nanunuod sa KalyeSerye ay patuloy na naiinspired.

More AlDub Inspired Songs:
Click Here:

Follow AlDub Love Team..

Maine Mendoza: https://twitter.com/mainedcm

Alden Richards: https://twitter.com/aldenrichards02

Eat Bulaga for KalyeSerye Replay: https://twitter.com/EatBulaga


Foreign Asking What Is AlDub

 Pati ang mga banyaga nagtatanong na. Sino daw ang AlDub at agad naman silang pinakilala ng AlDub Nation. Marami ng Followers si Maine at Alden pati foreigners ay humahanga sa kanila.

First Movie of AlDub Together

Kauna unahang palabas ni Maine Mendoza at Alden Richards na magkasama. Pinagbibitadahan ityo ni Ms. Ai Ai at Mr. Vic Sotto. Ito ay ipapalabas sa December 25, 2015 sa MMFF o Metro Manila Film Festival. Lahat ng tagahanga ng AlDub ay inaabangan ito. At isa na ako dito..


Yesterday sa Eat Bulaga/National Pabebe Wave Day






Dumating na ang Tamang Panahon! #ALDubEBforLOVE ang Hashtag ngayong araw at umabot na ito ng 25.6 Million tweets. Ang epekto ng AlDub Nation ay pang buong mundo na. At lahat ay nakiisa sa National Pabebe Wave ng Eat Bulaga. Sa lahat ng episode sa Eat Bulaga ito ang isa sa pinaka maganda dahil nagkita na sa wakas ang dalawa ng walang hadlang. Ngunit may aral pa din na inihandog dito.

3 Kahilingan ni Lola Nidora kay Alden. Una, 1 foot No Touch. Pangalawa, Chicharon. Pangatlo, Kantahin ang God Gave Me You sa kanyang sariling version. Ngunit ng kinanta ito ni Alden ay naiyak siya at sinabi niya pang ang kantang iyon ay inaalay niya kay Maine Mendoza. Naiyak at pinaiyak na naman ng Pambansang Bae ang AlDub Nation. Sa kanyang pag-iyak mapapansin mong masyado siyang natutuwa sa mga dinadanas ng kanyang career ngayon. Sa mga suporta. Totoo ang iyak niya at mararamdaman mo sa puso mo iyon. Natapos ni Alden ang ikatlo at binigay na ni Lola Nidora ang address. At agad naman naman itong pinuntahan. Nasira pa mga ang sasakyan niya ngunit nakahiram naman ito ulit. Habang nasa biyahe si Yaya Dub naman ay inaayusan na ng damit na isusuot. Dapat daw ay yung hindi bastusin tignan. Dapat disente.

At ayun na nga nagkita na sila. Pigil na pigil ang dalawa sa pagyayakapan dahil No Touch nga kasi diba? Ngunit talagang pasaway si Lola Tinidora at tinutulak si Alden kay Maine para magkadikit ang dalawa. Si Lola Tidora naman na panay ang paglalaglag sa ginagawa ng dalawa. Pero ang paborito kong parte sa programa na ito ay yung hindi makatitig si Maine kay Alden. Yung Trip to Jerusalem ng limang karakter at paraparaan na naman para magkatabi sa lamesa. Yung nalaglag ang kubyertos at nagkahawakan ng kamay. Yung nabilaukan si Maine at binigyan ng tubig ni Alden at dahil sa baho nagkahawakan sila ng kamay. Para-paraan ang dalawa para magkadikit. Yung subuan nila ng pansit at cake. Yung pinunasan ni Alden si Maine ng dumi sa bibig. At dahil sa kaba ni Bae Alden naipunas niya sa mukha niya yung tissue na may dumi dahilan para magkaroon siya ng dumi sa may buhok nito, at agad itong pinunasan ni Maine, pati pawis pinunasan nito. Iba na talaga ang titigan nilang dalawa. At ang kanilang kauna unahang larawan ng magkasama ay sa wakas natupad na. At binigay si Maine na sulat kay Alden at si Alden bago umalis ay binigay nito ang panyo na binigay ni Bossing. Ngunit sa huling parte ay yung sumigaw si Lola Nidora ng “Aldennnnnnn!!!!” At ang muling pagkarinig ng mahiwagang tinig ay mula talaga kay Maine na sumigaw ng “This must be love!!”. Totohahan na nga ba? Oo naman! Eto naman ang gusto ng lahat diba?

I Love AlDub Nation
Hindi naman ako dating fan girl ng kahit na anong love team sa buong mundo. Hindi ako sumusuporta sa kahit na sinong artista. Ngunit natapos ang lahat ng ito ng dumating ang AlDub Love Team. Iba ang epekto nila sa akin. Natatamaan ako sa mga aral ni Lola Nidora. Sa katunayan nga nyan ay sinusunod ko na ang iba dito. Paunti-unti. Yung mga bagay na lagi kong ginagawa dati, ngayon hindi ko na ginagawa. AlDub nalang talaga ako nakatutok at sa mga gawain sa school. Nagpapasalamat ako kay God dahil binigay Niya ang AlDub sa atin para maitama ang mali at maging wasto ang lahat. Upang mabalik ang dating kultura ng ating bansa. Hindi na lamang mga Pilipino ang naadik ditto kundi buong mundo nakiki AlDub na. Patunay lang na maraming tumatangkilik sa AlDub. Maraming sumusuporta at natutuwa sa kanila. Pero hindi lahat pala natutuwa, merong iilan ay galit? Pero wag nalang natin sila pansinin dahil sila ang patunay na sobrang galing ng AlDub at ng EB. Magpasalamat nalang din tayo sa kanila dahil sa kanila lalong ginagalingan ng AlDub ang ginagawa nila. Ang AlDub Nation ay sobrang kakaiba lahat sila may concern sa isa’t-isa. Mababait ang mga AlDub Nation at ako ay lubusang natutuwa na naging parte ako ng AlDub Nation. Kakaiba ang unity. Hindi nagtitweet ng pilitan kundi may puso. Ginagawa nila yun dahil masaya sila. Kaya huwag niyong mamaliitin ang AlDub Nation kakaiba kame kapag nagka-isa. Wala na akong masabi. Sobra akong natutuwa sa mga nakamit nila ngayon sa buhay nila at naging inspirasyon na sila ng lahat ng tao sa mundo.

Isa lang ang masasabi ko AlDub Nation ipagpatuloy lang natin ito ah? Walang bibitaw. Kahit laging may sumasalungat wag nalang pansinin. Kapit lang kay God. At may isha-share akong story. One Night nag pray ako at humingi ako kay God ng Sign na kung makakabuti ang AlDub sa lahat ay magpadala ka ng Paro-paro at padapuin mo po ito sa isang pintuan. Kapag nangyari ito ibigsabihin sang-ayon po kayo sa AlDub. Na makakatulong sila para maitama ang mali. At kinabukasan nun I saw the sign. God answers my prayers. AlDub is a blessing from God. They are blessed by God.

Bakit kaya binigay ni God ang AlDub sa ating lahat? Siguro dahil sa dami ng problema sa mundo, mga patayan, nakawan, sakit, kabit, at kung ano-ano pang problema sa mundo. Ayan binigay ang AlDub sa ating lahat para kiligin. ngumiti, at tumawa naman tayo. At masasabi kong epektibo ito.

“If you are destined in higher place, people will try you to put down. But you will still reach your destiny.” No one can put down AlDub Nation! For together we stand, divided we fall!! No one can BREAK us!!!


To be continue..
PS. I do not own any pictures here.
Credits to the owners.

Wednesday, September 16, 2015

Ang Ating Buhay Ay Parang Isang Laro



Mahirap ang buhay. Hindi madali. Maraming dapat lagpasan at tawirin. Maraming dapat gawin. Maraming dapat patunayan. Maraming sakripisyo at problema. Maraming pagsubok. Madali ba ang mabuhay? Depende siguro. Depende kung sa anong paraan mo gustong patakbuhin ang buhay mo. Bakit may problema? Para mas lalo mong makilala ang sarili mo, para mapatunayan mo sa sarili mo na kaya mo. Para malaman mo din kung sino ang totoo mong kaibigan sa kabila ng mabigat na problema. Hindi ba pwedeng wala nalang problema? Hindi pwede, tulad nga ng sinabi ko kanina, dito mo mapapatunayan kung hanggang saan ang itatagal mo. Mahirap maging masaya at guminhawa nang hindi dumadaan sa lungkot at hirap. Walang kuwenta ang buhay kung walang mga problema. Ang mga problema ay mga pagsubok lang sa atin. Hindi sa atin ibibigay yan kung hindi natin kayang solusyunan. Lahat ng nangyayari ay may dahilan. Hindi nga lang natin alam ang mga dahilan na iyon.

Sa edad kong ito ngayon, marami narin akong problemang nakaharap. Ang problema kasi hindi mo puwedeng takasan. Hindi mo puwedeng takbuhan. Dapat harapin ito. May naging problema ako sa paaralan, guro, kaibigan, magulang, kaklase, kamag-anak, kapit-bahay at pamilya. Pero natutuwa akong sabihin na ang lahat ng iyon ay nalagpasan at nakayanan ko. At sa bawat problema na aking nakakaharap mas lalo akong nagiging malakas at magaling. Sa buhay ng bawat tao sa mundo may mga taong dumadating sa buhay mo upang tulungan kang maging mas maayos ito o kaya naman ay upang matuto ka sa mga pagkakamali mo. Tama naman diba? Ngayon, sino-sino ang mga taong ito sa buhay mo? Huwag kana maiinis kung bakit sila pumasok sa buhay mo, dahil nga may dahilan. Ang buhay natin ay isang pagsubok at laro. Sa mga ito ko ikukumpara ang buhay ng bawat isa sa atin. At sa tingin ko, mapapatunayan ko naman sa lahat iyon. Ito ay isa ko lamang na opinion.

Ang buhay ay parang isang laro. Bakit? Sa isang laro ano ang dapat mong alalahanin? Matapos ang unang baitang? Manalo sa laro? Makakuha ng malaking puntos o pera. Bakit? Para dumali ang paglalaro mo. Para makabili ng mga bagay na makakapagdali sa iyong laro. Para mas gumanda ang mga pangdepensa at sandata na magagamit sa laro upang lalong mapadali ang pagtalo sa kalaban at makatuntong sa susunod na hakbang. Para manalo. Kung ikukumpara ito sa buhay halos pareho lang. Ang pagkakaiba lang sa laro ay marami kang buhay upang maitama ang bawat pagkakamali mo. Pero sa ating buhay, meron lamang tayo isang pagkakataon upang gawin ito. Ikaw na ang bahala kung sa paanong paraan. Sa tama o mali? Kahit ano man ang mapagdesisyunan mo sa dalawang iyan, dapat mo itong ingatan. Bakit ba tayo nabubuhay? Bakit kailangang magtrabaho? Ang mga dahilan ay tulad sa mga alintuntunin sa mga laro. Kumita ng pera. Guminhawa ang buhay. May pambili ng mga kailangan sa araw-araw. Para mas umangat ang buhay. Ang buhay kasi may mga hakbang din na dapat malagpasan. Kung sa mga laro kailangan mong ulit-ulitin para manalo ka. Ganun din sa buhay at kung may problem ka. Kailangang piliting bumangon kahit ilang ulit ka ng nalugmok sa sakit at hirap. Kailangang bumangon dahil may mga dahilan pa upang mabuhay. Kailangang bumangon para magtagumpay sa buhay.

Isang halimbawa siguro ang mga nahagupit ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 8, 2013. Kung saan maraming mga pamilya ang nawalan ng tahanan at mahal sa buhay. Nasira ang lahat ng kabuhayan at mga naipundar. Lahat nawala, walang natira. Ang bagyong ito ang kumitil sa libo-libong mga tao sa Pilipinas at sumira ng milyong halaga ng mga kabuhayan. Kung isipin, napakasakit nag nangyari sa kanila. Maayos na ang buhay o ang daloy ng laro ngunit may dumating na malakas na unos o ang kalaban na sisira at magpapatumba sayo. At sa labang ito ay natalo tayo. Ngunit kailangang bumangon at magpatuloy. Nobyembre 8, 2014, Anibersayo ng mga nahagupit ng Super Typhoon Yolanda. Nakakatuwa dahil lahat sila ay unti-unting bumabangon sa lugmok na hinaharap nila noong nakaraang taon. May mga negosyo at mga bahay na kahit hindi pa ganun kayos. Dahil may kirot parin sa puso nila ang nangyare noong bagyong Yolanda. May peklat na sa puso nila at hindi na kailanman mabubura. Dahil nawalan sila ng mga mahal sa buhay na sobrang sakit. Ayos lang sana kung pera ang nawala at hindi ang taong iniingatan at minamahal mo. Disyembre 6, 2014, hindi pa man lubusang nakakabangon sa hirap na dinanas. Muli na naman silang sinubukan. Dahil nakaraang taon lamang ng bayuhin na naman sila ng bagyong Ruby. Konti lang ang namatay dahil nakapaghanda na sila at natuto sa dating maling gawa at pagiging kampante. Nguni tang mga negosyong naipundar sa loob ng isang taon, ang mga barong –barong na mga bahay nila na hindi pa lubusang naaayos ay muli na naming nasira at nawala. Natalo na naman tayo. Pero hindi na gaanong kalala. Pero kailangan pa ding bumangon dahil habang may buhay may pag-asa. Laging maraming dahilan para tumayo at bumangon muli sa pagkakadapa at magsimulang muli. Ang buhay natin ang mismong laro na dapat laruin. Tayong mga tao ang tauhan at kalaban. Tao man o kalikasan. Sila ang dapat depensahan ngunit kung ikaw ay natumba dapat tumayo at magpagpag ng dumi at muling sumugod. KAYA NATIN TO!! MGA PILIPINO TAYO! BAGYO LAMANG SILA. MAS MALAKAS TAYO SA KANILA. Ang mga Pilipino kahit may problema TAWA PA DIN. Lahat ay laro lamang at mga munting pagsubok sa ating buhay. Masarap damhin ang ginhawa kung dugo’t pawis ang inalay mo para makamit ito. Mahirap ang puro ligaya at walang lungkot.

Lahat sa buhay naten ay isang eksam. Ang panginoon ang ating guro. Una Niyang binibigay ang eksam at huli ang aral. Aral na dapat ikaw mismo ang makatukas. Lahat ng bagay na meron ka ngayon, lahat ng kaibigan. Lahat iyan puwedeng mawala sayo. Pero kung meron kang Panginoon sa buhay mo, ito ang magiging magandang armas, sandata at pangdepensa sa lahat ng suliranin. Kung may ganito kang armas, tiyak kong makakayanan moa ng lahat ng ito.

Pahalagahan mo ang buhay kahit ibinigay nito ang pinaka malungkot mong naging buhay. Dahil pagkatapos ng matinding pagsubok na ito. Mas malakas at matibay na IKAW ang makikita mo. MAS MALAKAS AT MATATAG NA. IKAW! Magpasalamat tauo sa Kanya, dahil kung wala siya, wala tayo. Maraming dapat ipagpasalamat sa kanya. Sa naging magandang takbo ng buhay naten. Ang payo ko lang. MAGTIWALA KA, INTINDIHIN AT MANALIG KA LANG SA PANGINOON AT HINDING-HINDI KA NIYA PABABAYAAN. MAGTIWALA KA LANG. Maging masaya ka dapat sa buhay mo! SIMULAN MO NA NGAYON!!


Masaya ang mabuhay. Lagi ka lang dapat positibo sa lahat ng pananaw..

PS. I do not own any pictures here..
Credit to the owners..

Monday, September 14, 2015

Follow What Your HEART DICTATES




What’s your passion? Are you happy on what you are doing right now? Is that your first choice? Is it your choice or someone’s choice for you? Well the most important is you are happy doing what you really want to do in your life.

In doing things that you really want to do, I am sure that you have a supporter’s to achieve and be more inspired about it. But do you believe that there are also persons that instead of encouraging you to the things that you really want to do they’re the one who will disappoint you and they will always say negative feedback about it. And it’s hurt because the persons I am preferring in this paragraph is the person who I really love. (Don’t ask what’s him/her connection in my life.)

Hearing those words are really painful because they’re always put you down. They didn’t believe in my talent. They didn’t believe that I can make it. They keep on laughing at me and told me that it was really impossible for me to do. They always do it every time I told them that I am good in writing. Every time they say bad words about it, I feel doubt because I don’t know who’s right between us? Me or they? I always keep on thinking that are they really know me? Or do I really know myself?

And it’s happened again today. It’s all starts when I dialed the number of my friend and I am asking her about the book entitled “Career Path”. Why did I asked her regarding that book? It’s because I just received a text message from her and she told me that the book can say about what will happen in your career. Not only that but also what’s your strength, weakness, hobby and something that are personal like love life. Our call duration reach 30 minutes because I was really amazed on what she saying. All the things she have said was true and definitely me. That’s why I asked her to bring it on Wednesday, because I want to read it. And she agreed. I am still amazed on what I have I hear about it. The book says that person like me can be a writer, author, entertainer, journalist, singer and teacher. Well all of them are the things I usually do. Writing, reading and finding more ideas are the things I usually do. I know you don’t know what I mean unless you feel the same way. Or we have shared the same hobby. I ended up our conversation happy and overwhelmed because that time I am sure that I born for the world of writing. Imagining myself to be like a famous writer or journalist or whatever job that are related on my passion.

But my day dreaming easily fade out. Because someone asked me what we are talking about. And I told everything to her. I am expecting that she will support me and encourage me like what my friends do. But I was wrong. She said that “Do you believe in that? We all know that God is more powerful and He is the only one that can predict your future. And that author is just His creation and you should not believe in that book. You’re a fool! You are easily influenced by the people around you. Writing? Writing is not related to your course. Don’t believe on it. It’s a lie.” I feel hurt on what I heard. I want to depend myself but I can’t because I was hurt. Now, I don’t know if they don’t know me. Yeah I know that God is our creator and I know also that God can provide everything we need. And He always blessed us. I know that. But all I just want to say is that book inspires me because it says what I really want. I can’t defend myself once I got hurt. I want to cry but I tried myself to stop it. I don’t want them to see me crying because they will just say I am over acting.

I attended seminar yesterday and the theme was “Life after College”. The discussion is all about the work that we will have after studying 14 years. And it all says that some of the college graduates doesn’t have work or stable work. And the reason why graduates acted like that because you did not get the right course for you. You did not find the right job for you. You will never be stable in your job unless it’s your passion in life. You will just stop looking for a job once you’ve got the right one for you. I like attending seminars because it can open your minds to reality. And it can also help us to inspired more to be what we want to be. Don’t run after opportunity instead let the opportunity run after you.

The book “Career Path” and the seminar “Life after College” are connected to each other. The topic of the two is all about your future and your passion in life.  No matter what people say against to you, you must still lighten up and be yourself. Even if you heard a lot of words that are discouraging you to the things that you want. Even if people doesn’t like it for you, the most important is YOU WANT IT. It’s your life and NOT their LIFE. People will always judge you nor you do the good or bad thing.
If you are destined in higher place, people will put you down but you will still reach your destiny. As long as you are dedicated on doing it and you have a good heart success is not impossible for you. Don’t forget that God is always part of your success in life. Everything you have right now is because of Him. Do not forget it dude.

You want it? Then do it. There’s no reason to give up. Stay positive even if you are surrounds by negative people. Stay what you are even if you have reach your greatest achievements in life. But don’t forget the people that has been part of your success and failure in life. People that are help you, and teach you in life.

Lastly, don’t forget to pray. Because before you achieve something you must face difficulties and challenges in life. Prayer is not the last option when things failed to happen, but must be the FIRST STEP before taking any actions. Accept rejections and failure because this will be your weapons that you can use someday. Do not afraid to show the real you. It’s your happiness not there’s. Prove to those people who hurt you that they are wrong in judging you and disappointing you. Remember it DUDE!!


God will guide you, live life to the fullest. Enjoy. Don’t just focus on reaching it. You must enjoy while reaching it. And I swear it’s worth the wait. 

PS. I do not own any pictures here..
Credit to the owners.