Lahat naman siguro tayo
may kinatatakutan. Ako? Takot ako sa ipis, daga, bulate at kung ano-anong mga
insekto at malalaking hayop. Pero takot ‘din ako sa multo. Lahat naman siguro
tayo nagkaroon na ng sariling karanasan sa kababalaghan. Ano ang pakiramdam
kapag nakakita ka o nakarinig ng mga hindi maipaliwanag na imahe o tunog. Ano
ang una mong naiisip? Ano ang gagawin mo? Sisigaw ka na lang ba? Matutulala?
Mahihimatay? O tatakbo ng hindi alam ang tutunguhan.
Ako mismo nakaranas na ng
mga nakakatakot na eksena. At hanggang ngayon tandang tanda ko pa ang mga
detalye sa bawat kaganapan na iyon. At oo natakot ako, kinabahan, natulala at
hindi makagalaw. Pero sa tuwing nakakaranas ako ‘nun napapapikit na lang ako at
nagdadasal.
Handa na akong ikwento
ngayon ang aking karanasan sa mga kababalaghan.
UNA:
Ika-apat na taon palang
ako’nun sa Elementarya nang marinig ko ang kakaibang tunog na narinig ko. Nasa
labas kame nang kapatid ko ‘nun para magsipilyo. Kailangan pa kasi naming ‘nun
lumabas. Kasama ko ang kapatid ko na dalawang taon na sa Elementarya. Umaga
palang ‘yun. Madilim pa sa paligid. Puro puno ang nasa harapan nang bahay
naming. At habang nagsisipilyo kame may narinig ako “HA! HA! HA! HA! HA! HA!
HA!” Nagulat ako sa narinig ko kaya natigilan ako sa ginagawa ko. Inisip ko
nalang nab aka guni-guni ko lang ‘yun. At ayun bumalik ako sa gimagawa ko. “HA!
HA! HA! HA! HA! HA! HA!” Narinig ko ulit. At sa pagkakataong ito yung kapatid
ko napatigil ‘din. Kakaibang tunog. Tawa ng diyablo ang maririnig ko at
naririnig din pala nang kapatid ko. Naulit ulit sa ikatlong beses at sa
pagkakataong iyon nagtitigan muna kame ng kapatid ko sabay takbo papasok ng
bahay. Sinabi naming ang narinig naming at lumabas si Ama pero wala na ang
tunog.
PANGALAWA:
Ikatlong taon ko sa
Hayskul, pang-umaga ako 7am ang pasok pero dahil 6am ang pasok ng kapatid ko sa
Elementarya sa ibang skul sumasabay na ako para maihatid ‘din ako at hindi
gumastos. Kaya mga 5:30 umaalis na kame ng bahay. Tumugil muna sa Ama sa isang
Gasoline Station at sa tabi ‘nun ay may abandunadong bahay. Habang
nagpapagasolina si Ama napatingin ako sa bahay na ‘yun at sa may bintana ako
mismo napatingin. Saktong pagtingin ko ay may nakita akong babaeng nakaputi at
mahaba ang buhok. Natulala ako. Hindi ko alam kung gagalaw ba ako o hindi. Ewan
ko nung mga oras na ‘yun hindi ako makapagsalita at makakilos. Natulala lang
ako. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Tuluyan lang ako nabalik sa sarili ko
nung pinaandar na ni Ama ang sasakyan. At habang palayo na kame nakatitigtig pa
din ako. Nung tuluyan na kameng nakalayo, tsaka ko lang sinabi ang nakita ko.
Sa wakas gumaan din ang pakiramdam ko.
PANGATLO:
Ikatlong taon ako sa
Hayskul at an gaga ko pumasok dahil sumasabay ako sa kapatid ko pagpasok para
iwas gastos. Sa sobrang aga ko, ako ang unang tao sa buong skul, nauna pa ata
ako kay Manong Guard. Bukas na ang gate ng skul pati ‘yung room namin. ‘Nung
mga oras na ‘yun hindi ako natatakot, lagi naman na kasi akong nauuna sa room
lagi. Pagpasok ko ng room naming dumiretso ako agad sa upuan ko, katabi ko ang
bintana. Magsusulat sana ako ‘nung oras na ‘yun pero sa ‘di maipaliwanag na
dahilan tumingin ako sa may Bulletin Board sa pinaka sulok ng room may nakita
akong batang lalaki na nakatayo at nakatingin sa pwesto ko. Isang batang lalaki
na suot ang ang uniporme ng skul namin. Hindi ko makita ang mukha dahil malabo.
At sa pagkakataong ito hindi ako tumitig, hindi ako natulala. Sa halip tinungo
ng mata ko ang ibang direksyon habang nakapikit. Nagdasal at bumilang ng
sampung beses bago dumilat. Dahan-dahan ako dumilat at wala akong nakita.
Nilingon ko ang batang multo kung nandun pa, pagtingin ko wala na. Sa wakas
ligtas na ako. Pero isa lang masasabi ko istudyante ng skul na ‘to ang batang
‘yun. Maya-maya may dumating na kaklase ko at sinabi ko ang nakita ko. Naisip
ko lang. Paano kung sa pagdilat kong iyon ay nasa harapan ko na pala siya.
Paano kung ang paglingon ko na ‘yun nasa likod ko na pala siya. Ang dami kong
naiisip na pwedeng mangyari sa oras na ‘yun. Grabe! Naniwala naman ang kaklase
ko dahil hindi lang naman ako ang unang istudiyante na pinakitaan ng mga multo
sa skul na ‘yun. Isa lang ang natutunan ko. Hindi na ako papasok ng maaga.
PANG-APAT:
Akala ko madadala na ako.
Hindi pa pala. Pumasok pa din ako ng maaga sa skul. May dala akong rosary
bilang proteksyon. Ako pa din ang nauna sa room. Sa pagkakataong ito kabado
ako. Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa. Diretso. Nasa tapat na ako ng room
naming. Dahan dahan pagbukas sa pinto. Pagbukas ko ng pinto hindi pa ako
pumapasok. Saktong papasok na ako may narinig akong “HA! HA! HA! HA! HA! HA!
HA! HA!” Narinig ko ulit ang tawa na narinig namin ‘nung elementarya palang
kame. Naririnig ko ang tawa sa sulok ulit ng room naming malapit sa pwesto ko.
Dahil sa narinig ko, hindi muna ako pumasok. Bababa na sana ako ng pagtalikod
ko ay nakita kong nakatayo ang kaklse ko. At ayun pumasok na kame. Nilapag ko
lang gamit ko sa upuan ko at ‘dun muna ako umupo sa pwesto ‘nung isa kong
kaklase. Hindi ko na nakwento ang nangyare. Ayoko na.
PANGLIMA:
Ikalawang taon ko sa
kolehiyo ‘nun. Naghahanap kame ng lugar para sa proyekto naming. Isang lugar na
makaluma. Dahil buhay nang mga bayani ang gagawan namin ng pelikula. Nakahanap
naman kami ng lugar. Nakakatakot at kakaiba. Kabado ako ‘nung mga oras na ‘yun.
Ang bigat ng pakiramdam. Totoo palang nakakatakot ang lugar dahil makasaysayan
pala talaga ‘yun. Ang malawak na lupain na ‘yun ay mabili sa halagang 500
pesos. Paano ko nalaman? May tarpaulin na nakapaskil sa labas ng kubo at nandun
ang mga detalye sa lugar na ‘yun. May litrato pang kasama sa tarpaulin ng
mag-asawa. Ang may ari ng bahay kubo na ‘yun ay lumaban sa mga hapon at ‘dun
mismo sa bahay na ‘yun namatay. May mga gamit na parang antigo. Mga kahoy kasi.
Mapuno sa lugar. Walang dumadaang tao. Kundi ang Care Taker lang ‘nung lugar na
‘yun. Ikalawang araw naming sa lugar na ‘yun kampante na kame dahil nakakarelax
na ‘yung lugar. ‘Nung panahon na ‘yun balak ko mag balik aral dahil may eksam
kame. Ngunit napatingin ako sa may mga puno, ‘dun sa dinadaanan naming pag
lalabas. May matandang lalaki na nakaputi na nakatingin sa pwesto namin.
Nagulat ako. Inalis ko agad ang tingin ko sa kanya dahil nakatitig na siya sa
akin. Pag tingin ko ulit, wala na siya. Kamukha niya ‘yung lalaki sa larawan na
nakalagay sa tarpaulin. Sa madaling salita siya ‘yung may-ari ng bahay na ‘dun
pinatay. Kinilabutan ako. Naistorbo siguro naming siya. Sinabi ko sa kaibigan
ko matapos lumipas ang isang araw. At sila ‘din pala may nararamdamang kakaiba
sa lugar. May isang beses pa na inabot kame ng hapon sa lugar na ‘yun,
magdidilim na kaya nagmamadali na kame mag-ayos ng mga gamit. Madilim sa daan
palabas. Maya maya dumating yung katiwala sa lugar na ‘yun. At sinabi na. “Hindi pa ba kayo aalis? Umalis na kayo. Baka
maabutan kayo ni Doktora. Sa susunod huwag kayong magpapahapon” ‘Yan ang
sabi ‘nung lalaki. Sinunod namin ‘yun. Nagtaka lang kame kung sino si Doktora?
Duon ba siya nakatira? Eh. Malamok, madilim, mapuno at nakakatakot ang lugar na
‘yun. At walang kuryente o kahit na anong gamit. Iniisip tuloy naming baka
patay na ‘yung Doktora at tuwing gabi lang nagpapakita. Buti nalang at hindi na
kame ulit bumalik ‘dun at pinag bawal na ‘din ang pagpasok ‘dun. May kandado
na. Grabe! May third eye ba ako?
PANG-ANIM:
Sa mismong kaarawan koi
to nangyare. Magpapraktis kame ng isang bigkasan na kailangan naming ipakita sa
buong klase. Papunta palang kame. Pumasok kame sa isang Subdivision at
pupintahan sana ang bahay ‘nung isa naming kaklase dahil siya lang ang
nakakaalam ng bahay na pagpapraktisan namin. Habang nasa daan kame. May nakita
akong nakaitim na babae na ang sama ng titig sa akin. Tumingin ako sa likod ko,
baka kasi hindi sa akin nakatingin. Pero walang tao sa likod ko. Sinusundan
niya kame ng tingin habang papalayo kame. Pero ewan ko bakit ko ba aiya
tinitigan. Nagpatuloy kame sa paglalakad ng may madaanan kaming lamay,
nagtawanan ang kasama ko. Nagtinginan ang mga tao sa lamay sa amin. Tahimik
lang ako. Nahihiya ako sa kilos namin. At nakasalubong na ‘din naming ang
kaibigan naming at lumabas na kame ng Subdivision na ‘yun. Akala ko hindi ko na
makikita ‘yung babaeng nakaitim. Nagkamali ako. Sinundan niya kame hanggang sa
Subdivision ‘nung kaklase naming na pagpaparaktisan namin. Inutusan ako ‘nun na
bumili ng softdrinks at nagpasama ako sa isa kong kaklase. ‘Nung nakabili na
kame at pabalik na, nakita ko ulit ‘yung nakaitim na babae. Ang sama ng tingin
niya sa akin.Sa ‘di malamang dahilan tumitig ako sa kanya. Ang tapang ko.
Hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Pag-uwi ko ng bahay nilagnat ako ng
sobra. Hindi mawala ang lagnat at sakit ng katawan. Ang sama-sama ng pakiramdam
ko. Hindi epektibo ang mga gamot na iniinom ko. Hindi ako makatayo ng maayos.
Hindi ko maidilat ang mata ko. Parang takot ako sa liwanag ‘nun. Ang hirap
dumilat. Hanggang sa pinatawas ako. At nagulat ako sa resulta. Nabati daw ako.
Nang isang maitim na babae. At ‘yun nga ‘yung babaeng ‘yun. Matapos niya akong
magamot, bumalik na sa normal ang lahat. Nakakatayo na ako at naiidilat ko na
ang mata ko. Salamat sa panginoon.
PANG-PITO:
Sa bahay na namin mismo
ako nakaramdam. Noong mga panahon na ‘yun ako lang mag-isa. Namili kasi si Ina
ng mga paninda. Ako ang bantay sa tindahan namin. Gumagamit ako ng tablet ng
biglang may bumili. Tumayo agad ako. Binigyan ko ‘yung bumili. Nang paalis na
ako sa tindahan, may malaking anino akong nakita sa may pinto na mabilis
dumaan. Isamg malaking anino na hindi normal ang laki, hindi normal ang laki.
Hindi ko na matukoy kung palabas o papasok ng bahay dahil ang bilis. Nagulat
ako. Tinignan ko ang mga nakasabit na paninda baka ‘yun lang ‘yun na nagalaw
ko. Ginalaw ko lahat ng nakasabit pero hindi ang mga iyon ang aninong nakita
ko. Kaya ang ginawa ko binuksan ko nalang ang TV para kahit papano may ingay sa
bahay. Kinilabutan ako. Sinabi ko kay Ina ‘yun pagdating nila. Ang sabi lang
nila. Baka daw may nakatira ‘din dito sa bahay. Huwag naman sana.
Lahat tayo naniniwala sa
mga ganitong mga bagay kahit walang ebidensya. Kahit ikaw na hindi pa talaga
nakakakita. Pero pinapaniwalaan mo pa ‘din. Kailangan lang na maging mapanuri
sa lahat ng bagay at nakikita.
Isa lang naman ang
natutunan ko sa lahat ng karanasang iyon. Huwag matakot. Huwag hayaang lamunin
ka ng takot at mag-isip ng masama. Ang takot nasa isip lang ‘yan. Ikaw lang
mismo ang gumagawa. Ang kailangan mong pagtibayin ay ang pananampalataya mo sa
Panginoon. Dahil siya lang ang sandatang magagamit mo sa lahat ng masama.
Palakasin ang pananampalataya sa kanaya at walang mangyayari sayo. Ngunit kung
hindi ka pala dasal. Nasa sa ‘yun na ‘yun. Huwaag hayaang ang takot ang lumamon
sa isip mo. Tingin sa taas at magdasal. Pinaka epektibong sandata. Panlaban sa
lahat ng bagay.
Matakot ka sa buhay huwag
sa patay. Dahil ang buhay ang papatay sayo. Pero naisip ko? Ang patay.
Papatayin ka sa takot kapag nagpakita sayo diba? Haha. Ganito nalang. Kung
madayo ka ‘man sa kahit na saang lugar na hindi ka pamilyar at bago ka palang,
laging magbigay galang at respeto. Sabayan ng panalangin. Dahil ang
kapangyarihan sa Niya ang pinaka malakas sa lahat at ang kabutihan ang siyang
mananaig sa lahat ng masama. Magtiwala ka lang sa kanya.
No comments:
Post a Comment