Sunday, September 27, 2015

AlDub/MaiDen: First Fandom I Ever Love


Paano ba sumikat? Gaano katagal ang hihintayin para sumikat ka? Kasikatan? Madali lang ba itong makuha o hindi? Ano ang mga bagay na ginawa mo para makamtam ito? Karapat dapat ka ba sa posisyon na ‘yan? Sapat na baa ng kasikatan mo? Paano ka sumikat? Sa magandang paraan o sa mali?

Hindi ito tungkol sa oras na ginugol mo sa panunuod kundi dahil sa ligaya, tawa, aral, at kilig na nararamdaman mo habang pinapanuod ito. Sabi nang iba “Sinasayang mo lang ang oras mo sa panunuod niyan!” Ang tanong? Totoo nga bang nasayang? Parang hindi naman. Paano mo nasabing nasayang? Sayang kasi natatawa ako. (Bakit? Gusto mo lagi ka nalang umiiyak dahil iniwan ka ng boyfriend o dahil sa walang katapusang problema sa mundo!) Sayang kasi sumasaya ako. (Bakit? Gusto mo lagi ka nalang nakabusangot kakaisip kung paano ipapasa ang eksam, paano tatapusin ang thesis, at kung paano ka makakapagbayad sa Tuition Fee mo!) Sayang kasi may aral akong matutunan. (Aba! Sige mag-asawa ka na! Mag-anak ka ng marami! Mangligaw ka ng maraming babae. Ikaw naman babae sagutin mo lahat! Mauubusan eh. Nagmamadali.) Sayang kasi kinikilig ako. (Ang mga hindi kinikilig malamang sawi sa pag-ibig at ayaw pang lumimot sa dating karelasyon. Ipagpatuloy mo lang yan! Sinasayang mo lang oras mo! Siya masaya na sa iba ikaw naman mukha pa ding tanga.) Ngayon, tatanungin ulit kita. Nasayang nga ba ang oras mo? Yung totoo?

Grabe na talaga ang TAMA ko sa AlDub! Ang mga magagandang epekto nito sa akin ay nagugustuhan ko. Pero bakit nga ba maraming nababaliw sa AlDub? Una na siguro dito ay marami ang nakakarelate dito. May halong katatawanan, kalokohan, kiligan at halakhakan. Pangalawa, may aral na makukuha. Pangatlo, sobrang bait ng AlDub Tandem. Maine Mendoza at Alden Richards. Masasabi kong isa ng epidemya ang AlDub sa buong mundo!!

Bryan White Concert in Manila

Bryan White - God gave me you

Dawin - Dessert

#ALDUBTheMostAwaitedDate ay nagtala ng 12.1 Million Tweets sa loob ng 24 Oras. Dahil dito maraming banyaga ang nagtataka. Sino daw ba ng AlDub? Isa na dito si Bryan White ang singer ng kantang God Gave Me You. At dahil sa nalaman niyang sikat ang kanyang kanta sa Pilipinas at marami siyang tagahanga dito, ngayon ay nagpaplano siyang pumunta. At tuwang tuwa siya dahil sa pagsuporta ng AlDub Nation sa kanya. At magkakaroon pa ito ng Concert sa December. Nadiskubre na din ni Dawin, ang nagpasikat ng kantang Dessert.

MCDO

MCDO

Talk N Text


O Plus

MCDO


555 Sardines

Zonrox Plus

Bear Brand Adult Plus

Malayo na talaga ang narrating ng Tandem ng AlDub. May TVC na sila ng magkasama. Una sa MCDO. Pangalawa sa TNT. Pangatlo ay sa O+, ngunit hindi kasama si Alden dito. Si Lola Nidora ang kasama niya dito.  Pang-apat ay ang sa 555 Sardines na si Maine Mendoza lang din ang nasa TVC na ito. Ang panglima ay ang Zonrox  Plus na magkasama ulit ang ALDUB Tandem. Pang anim ang Bear Brand Adult Plus na magkasama pa din ang dalawa. At marami pa ang TVC ang nag-aantay sa dalawa. Nakapila na ang kabi-kabilang endorsement. Maine Mendoza Fastest Rising Star, ayon sa SNS.

EdukCircle Award

Gold Record Award


First Album Haplos


Second Album Wish I May

Wish I May Music Video

CBCP Award

CBCP Award

CBCP Award
Gintong Kabataan Award 2015

Gintong Kabataan Award 2015

Gintong Kabataan Award 2015

Gintong Kabataan Award 2015

Gintong Kabataan Award 2015

Gold Record Award "Wish I May"

Gold Record Award "Wish I May"

Gold Record Award "Wish I May"

Platinum Record Award "Wish I May"

Awards Given by Push Alerts

Awards For Alden, Maine, Eat Bulaga and Ryzza


Nagkaroon na din ng award ang AlDub Love Team ngayong dalawang buwan palang sila. Ito ay ang Most Popular Breakout Love Team of the year na ginawad ng EdukCircle Awards at ang kaylan lang na Golden Recording Award ni Alden na narelease two years ago. Iba talaga ang suporta na mga tagahanga nang AlDub. Naiyak pa nga si Alden ng masurpresa sa award na ito. At inaamin kong isa din ako sa naiyak. Ngunit hindi pa natatapos yan. May sumunod pang award na ginawad naman ng Catholic Bishop's Conference of the Philippines. Ginawaran nila si Lola Nidora o Walter James Bayola o mas kilaa natin bilang Wally Bayola. Ginawad sa kanya ang Catholic Social Media Award For Being Instrumental in Spreading Good Values in Media. Alden Richards ng Catholic Social Media Award for Being A Good Youth Role Model. Maine Mendoza ng Catholic Social Media Achievement Award for Being Influential In Propagating Christian Values To The Youth. Pati ang AlDub Nation ay mayroon ding award ito ay ang Achievement Award for Spreading KalyeSeye Values Online Through Inspirational Posts and Tweets. Ginawaran din si Maine Mendoza ng Gintong Kabataan Award sa Malolos Bulacan dahil naging mabuting ihemplo ito sa mga kabataan. Hindi pa nalalaunch ang Album ni Alden Richards ay nagkaroon agad ito ng Gold Recor Award.


Songs that are Dedicated to AlDub

Sotanghon

BaeYaya

Yaya

AlDub Song


That's My Yaya Dub

Sa Tamang Panahon

Lahat ng mga nanunuod sa KalyeSerye ay patuloy na naiinspired.

More AlDub Inspired Songs:
Click Here:

Follow AlDub Love Team..

Maine Mendoza: https://twitter.com/mainedcm

Alden Richards: https://twitter.com/aldenrichards02

Eat Bulaga for KalyeSerye Replay: https://twitter.com/EatBulaga


Foreign Asking What Is AlDub

 Pati ang mga banyaga nagtatanong na. Sino daw ang AlDub at agad naman silang pinakilala ng AlDub Nation. Marami ng Followers si Maine at Alden pati foreigners ay humahanga sa kanila.

First Movie of AlDub Together

Kauna unahang palabas ni Maine Mendoza at Alden Richards na magkasama. Pinagbibitadahan ityo ni Ms. Ai Ai at Mr. Vic Sotto. Ito ay ipapalabas sa December 25, 2015 sa MMFF o Metro Manila Film Festival. Lahat ng tagahanga ng AlDub ay inaabangan ito. At isa na ako dito..


Yesterday sa Eat Bulaga/National Pabebe Wave Day






Dumating na ang Tamang Panahon! #ALDubEBforLOVE ang Hashtag ngayong araw at umabot na ito ng 25.6 Million tweets. Ang epekto ng AlDub Nation ay pang buong mundo na. At lahat ay nakiisa sa National Pabebe Wave ng Eat Bulaga. Sa lahat ng episode sa Eat Bulaga ito ang isa sa pinaka maganda dahil nagkita na sa wakas ang dalawa ng walang hadlang. Ngunit may aral pa din na inihandog dito.

3 Kahilingan ni Lola Nidora kay Alden. Una, 1 foot No Touch. Pangalawa, Chicharon. Pangatlo, Kantahin ang God Gave Me You sa kanyang sariling version. Ngunit ng kinanta ito ni Alden ay naiyak siya at sinabi niya pang ang kantang iyon ay inaalay niya kay Maine Mendoza. Naiyak at pinaiyak na naman ng Pambansang Bae ang AlDub Nation. Sa kanyang pag-iyak mapapansin mong masyado siyang natutuwa sa mga dinadanas ng kanyang career ngayon. Sa mga suporta. Totoo ang iyak niya at mararamdaman mo sa puso mo iyon. Natapos ni Alden ang ikatlo at binigay na ni Lola Nidora ang address. At agad naman naman itong pinuntahan. Nasira pa mga ang sasakyan niya ngunit nakahiram naman ito ulit. Habang nasa biyahe si Yaya Dub naman ay inaayusan na ng damit na isusuot. Dapat daw ay yung hindi bastusin tignan. Dapat disente.

At ayun na nga nagkita na sila. Pigil na pigil ang dalawa sa pagyayakapan dahil No Touch nga kasi diba? Ngunit talagang pasaway si Lola Tinidora at tinutulak si Alden kay Maine para magkadikit ang dalawa. Si Lola Tidora naman na panay ang paglalaglag sa ginagawa ng dalawa. Pero ang paborito kong parte sa programa na ito ay yung hindi makatitig si Maine kay Alden. Yung Trip to Jerusalem ng limang karakter at paraparaan na naman para magkatabi sa lamesa. Yung nalaglag ang kubyertos at nagkahawakan ng kamay. Yung nabilaukan si Maine at binigyan ng tubig ni Alden at dahil sa baho nagkahawakan sila ng kamay. Para-paraan ang dalawa para magkadikit. Yung subuan nila ng pansit at cake. Yung pinunasan ni Alden si Maine ng dumi sa bibig. At dahil sa kaba ni Bae Alden naipunas niya sa mukha niya yung tissue na may dumi dahilan para magkaroon siya ng dumi sa may buhok nito, at agad itong pinunasan ni Maine, pati pawis pinunasan nito. Iba na talaga ang titigan nilang dalawa. At ang kanilang kauna unahang larawan ng magkasama ay sa wakas natupad na. At binigay si Maine na sulat kay Alden at si Alden bago umalis ay binigay nito ang panyo na binigay ni Bossing. Ngunit sa huling parte ay yung sumigaw si Lola Nidora ng “Aldennnnnnn!!!!” At ang muling pagkarinig ng mahiwagang tinig ay mula talaga kay Maine na sumigaw ng “This must be love!!”. Totohahan na nga ba? Oo naman! Eto naman ang gusto ng lahat diba?

I Love AlDub Nation
Hindi naman ako dating fan girl ng kahit na anong love team sa buong mundo. Hindi ako sumusuporta sa kahit na sinong artista. Ngunit natapos ang lahat ng ito ng dumating ang AlDub Love Team. Iba ang epekto nila sa akin. Natatamaan ako sa mga aral ni Lola Nidora. Sa katunayan nga nyan ay sinusunod ko na ang iba dito. Paunti-unti. Yung mga bagay na lagi kong ginagawa dati, ngayon hindi ko na ginagawa. AlDub nalang talaga ako nakatutok at sa mga gawain sa school. Nagpapasalamat ako kay God dahil binigay Niya ang AlDub sa atin para maitama ang mali at maging wasto ang lahat. Upang mabalik ang dating kultura ng ating bansa. Hindi na lamang mga Pilipino ang naadik ditto kundi buong mundo nakiki AlDub na. Patunay lang na maraming tumatangkilik sa AlDub. Maraming sumusuporta at natutuwa sa kanila. Pero hindi lahat pala natutuwa, merong iilan ay galit? Pero wag nalang natin sila pansinin dahil sila ang patunay na sobrang galing ng AlDub at ng EB. Magpasalamat nalang din tayo sa kanila dahil sa kanila lalong ginagalingan ng AlDub ang ginagawa nila. Ang AlDub Nation ay sobrang kakaiba lahat sila may concern sa isa’t-isa. Mababait ang mga AlDub Nation at ako ay lubusang natutuwa na naging parte ako ng AlDub Nation. Kakaiba ang unity. Hindi nagtitweet ng pilitan kundi may puso. Ginagawa nila yun dahil masaya sila. Kaya huwag niyong mamaliitin ang AlDub Nation kakaiba kame kapag nagka-isa. Wala na akong masabi. Sobra akong natutuwa sa mga nakamit nila ngayon sa buhay nila at naging inspirasyon na sila ng lahat ng tao sa mundo.

Isa lang ang masasabi ko AlDub Nation ipagpatuloy lang natin ito ah? Walang bibitaw. Kahit laging may sumasalungat wag nalang pansinin. Kapit lang kay God. At may isha-share akong story. One Night nag pray ako at humingi ako kay God ng Sign na kung makakabuti ang AlDub sa lahat ay magpadala ka ng Paro-paro at padapuin mo po ito sa isang pintuan. Kapag nangyari ito ibigsabihin sang-ayon po kayo sa AlDub. Na makakatulong sila para maitama ang mali. At kinabukasan nun I saw the sign. God answers my prayers. AlDub is a blessing from God. They are blessed by God.

Bakit kaya binigay ni God ang AlDub sa ating lahat? Siguro dahil sa dami ng problema sa mundo, mga patayan, nakawan, sakit, kabit, at kung ano-ano pang problema sa mundo. Ayan binigay ang AlDub sa ating lahat para kiligin. ngumiti, at tumawa naman tayo. At masasabi kong epektibo ito.

“If you are destined in higher place, people will try you to put down. But you will still reach your destiny.” No one can put down AlDub Nation! For together we stand, divided we fall!! No one can BREAK us!!!


To be continue..
PS. I do not own any pictures here.
Credits to the owners.

Wednesday, September 16, 2015

Ang Ating Buhay Ay Parang Isang Laro



Mahirap ang buhay. Hindi madali. Maraming dapat lagpasan at tawirin. Maraming dapat gawin. Maraming dapat patunayan. Maraming sakripisyo at problema. Maraming pagsubok. Madali ba ang mabuhay? Depende siguro. Depende kung sa anong paraan mo gustong patakbuhin ang buhay mo. Bakit may problema? Para mas lalo mong makilala ang sarili mo, para mapatunayan mo sa sarili mo na kaya mo. Para malaman mo din kung sino ang totoo mong kaibigan sa kabila ng mabigat na problema. Hindi ba pwedeng wala nalang problema? Hindi pwede, tulad nga ng sinabi ko kanina, dito mo mapapatunayan kung hanggang saan ang itatagal mo. Mahirap maging masaya at guminhawa nang hindi dumadaan sa lungkot at hirap. Walang kuwenta ang buhay kung walang mga problema. Ang mga problema ay mga pagsubok lang sa atin. Hindi sa atin ibibigay yan kung hindi natin kayang solusyunan. Lahat ng nangyayari ay may dahilan. Hindi nga lang natin alam ang mga dahilan na iyon.

Sa edad kong ito ngayon, marami narin akong problemang nakaharap. Ang problema kasi hindi mo puwedeng takasan. Hindi mo puwedeng takbuhan. Dapat harapin ito. May naging problema ako sa paaralan, guro, kaibigan, magulang, kaklase, kamag-anak, kapit-bahay at pamilya. Pero natutuwa akong sabihin na ang lahat ng iyon ay nalagpasan at nakayanan ko. At sa bawat problema na aking nakakaharap mas lalo akong nagiging malakas at magaling. Sa buhay ng bawat tao sa mundo may mga taong dumadating sa buhay mo upang tulungan kang maging mas maayos ito o kaya naman ay upang matuto ka sa mga pagkakamali mo. Tama naman diba? Ngayon, sino-sino ang mga taong ito sa buhay mo? Huwag kana maiinis kung bakit sila pumasok sa buhay mo, dahil nga may dahilan. Ang buhay natin ay isang pagsubok at laro. Sa mga ito ko ikukumpara ang buhay ng bawat isa sa atin. At sa tingin ko, mapapatunayan ko naman sa lahat iyon. Ito ay isa ko lamang na opinion.

Ang buhay ay parang isang laro. Bakit? Sa isang laro ano ang dapat mong alalahanin? Matapos ang unang baitang? Manalo sa laro? Makakuha ng malaking puntos o pera. Bakit? Para dumali ang paglalaro mo. Para makabili ng mga bagay na makakapagdali sa iyong laro. Para mas gumanda ang mga pangdepensa at sandata na magagamit sa laro upang lalong mapadali ang pagtalo sa kalaban at makatuntong sa susunod na hakbang. Para manalo. Kung ikukumpara ito sa buhay halos pareho lang. Ang pagkakaiba lang sa laro ay marami kang buhay upang maitama ang bawat pagkakamali mo. Pero sa ating buhay, meron lamang tayo isang pagkakataon upang gawin ito. Ikaw na ang bahala kung sa paanong paraan. Sa tama o mali? Kahit ano man ang mapagdesisyunan mo sa dalawang iyan, dapat mo itong ingatan. Bakit ba tayo nabubuhay? Bakit kailangang magtrabaho? Ang mga dahilan ay tulad sa mga alintuntunin sa mga laro. Kumita ng pera. Guminhawa ang buhay. May pambili ng mga kailangan sa araw-araw. Para mas umangat ang buhay. Ang buhay kasi may mga hakbang din na dapat malagpasan. Kung sa mga laro kailangan mong ulit-ulitin para manalo ka. Ganun din sa buhay at kung may problem ka. Kailangang piliting bumangon kahit ilang ulit ka ng nalugmok sa sakit at hirap. Kailangang bumangon dahil may mga dahilan pa upang mabuhay. Kailangang bumangon para magtagumpay sa buhay.

Isang halimbawa siguro ang mga nahagupit ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 8, 2013. Kung saan maraming mga pamilya ang nawalan ng tahanan at mahal sa buhay. Nasira ang lahat ng kabuhayan at mga naipundar. Lahat nawala, walang natira. Ang bagyong ito ang kumitil sa libo-libong mga tao sa Pilipinas at sumira ng milyong halaga ng mga kabuhayan. Kung isipin, napakasakit nag nangyari sa kanila. Maayos na ang buhay o ang daloy ng laro ngunit may dumating na malakas na unos o ang kalaban na sisira at magpapatumba sayo. At sa labang ito ay natalo tayo. Ngunit kailangang bumangon at magpatuloy. Nobyembre 8, 2014, Anibersayo ng mga nahagupit ng Super Typhoon Yolanda. Nakakatuwa dahil lahat sila ay unti-unting bumabangon sa lugmok na hinaharap nila noong nakaraang taon. May mga negosyo at mga bahay na kahit hindi pa ganun kayos. Dahil may kirot parin sa puso nila ang nangyare noong bagyong Yolanda. May peklat na sa puso nila at hindi na kailanman mabubura. Dahil nawalan sila ng mga mahal sa buhay na sobrang sakit. Ayos lang sana kung pera ang nawala at hindi ang taong iniingatan at minamahal mo. Disyembre 6, 2014, hindi pa man lubusang nakakabangon sa hirap na dinanas. Muli na naman silang sinubukan. Dahil nakaraang taon lamang ng bayuhin na naman sila ng bagyong Ruby. Konti lang ang namatay dahil nakapaghanda na sila at natuto sa dating maling gawa at pagiging kampante. Nguni tang mga negosyong naipundar sa loob ng isang taon, ang mga barong –barong na mga bahay nila na hindi pa lubusang naaayos ay muli na naming nasira at nawala. Natalo na naman tayo. Pero hindi na gaanong kalala. Pero kailangan pa ding bumangon dahil habang may buhay may pag-asa. Laging maraming dahilan para tumayo at bumangon muli sa pagkakadapa at magsimulang muli. Ang buhay natin ang mismong laro na dapat laruin. Tayong mga tao ang tauhan at kalaban. Tao man o kalikasan. Sila ang dapat depensahan ngunit kung ikaw ay natumba dapat tumayo at magpagpag ng dumi at muling sumugod. KAYA NATIN TO!! MGA PILIPINO TAYO! BAGYO LAMANG SILA. MAS MALAKAS TAYO SA KANILA. Ang mga Pilipino kahit may problema TAWA PA DIN. Lahat ay laro lamang at mga munting pagsubok sa ating buhay. Masarap damhin ang ginhawa kung dugo’t pawis ang inalay mo para makamit ito. Mahirap ang puro ligaya at walang lungkot.

Lahat sa buhay naten ay isang eksam. Ang panginoon ang ating guro. Una Niyang binibigay ang eksam at huli ang aral. Aral na dapat ikaw mismo ang makatukas. Lahat ng bagay na meron ka ngayon, lahat ng kaibigan. Lahat iyan puwedeng mawala sayo. Pero kung meron kang Panginoon sa buhay mo, ito ang magiging magandang armas, sandata at pangdepensa sa lahat ng suliranin. Kung may ganito kang armas, tiyak kong makakayanan moa ng lahat ng ito.

Pahalagahan mo ang buhay kahit ibinigay nito ang pinaka malungkot mong naging buhay. Dahil pagkatapos ng matinding pagsubok na ito. Mas malakas at matibay na IKAW ang makikita mo. MAS MALAKAS AT MATATAG NA. IKAW! Magpasalamat tauo sa Kanya, dahil kung wala siya, wala tayo. Maraming dapat ipagpasalamat sa kanya. Sa naging magandang takbo ng buhay naten. Ang payo ko lang. MAGTIWALA KA, INTINDIHIN AT MANALIG KA LANG SA PANGINOON AT HINDING-HINDI KA NIYA PABABAYAAN. MAGTIWALA KA LANG. Maging masaya ka dapat sa buhay mo! SIMULAN MO NA NGAYON!!


Masaya ang mabuhay. Lagi ka lang dapat positibo sa lahat ng pananaw..

PS. I do not own any pictures here..
Credit to the owners..

Monday, September 14, 2015

Follow What Your HEART DICTATES




What’s your passion? Are you happy on what you are doing right now? Is that your first choice? Is it your choice or someone’s choice for you? Well the most important is you are happy doing what you really want to do in your life.

In doing things that you really want to do, I am sure that you have a supporter’s to achieve and be more inspired about it. But do you believe that there are also persons that instead of encouraging you to the things that you really want to do they’re the one who will disappoint you and they will always say negative feedback about it. And it’s hurt because the persons I am preferring in this paragraph is the person who I really love. (Don’t ask what’s him/her connection in my life.)

Hearing those words are really painful because they’re always put you down. They didn’t believe in my talent. They didn’t believe that I can make it. They keep on laughing at me and told me that it was really impossible for me to do. They always do it every time I told them that I am good in writing. Every time they say bad words about it, I feel doubt because I don’t know who’s right between us? Me or they? I always keep on thinking that are they really know me? Or do I really know myself?

And it’s happened again today. It’s all starts when I dialed the number of my friend and I am asking her about the book entitled “Career Path”. Why did I asked her regarding that book? It’s because I just received a text message from her and she told me that the book can say about what will happen in your career. Not only that but also what’s your strength, weakness, hobby and something that are personal like love life. Our call duration reach 30 minutes because I was really amazed on what she saying. All the things she have said was true and definitely me. That’s why I asked her to bring it on Wednesday, because I want to read it. And she agreed. I am still amazed on what I have I hear about it. The book says that person like me can be a writer, author, entertainer, journalist, singer and teacher. Well all of them are the things I usually do. Writing, reading and finding more ideas are the things I usually do. I know you don’t know what I mean unless you feel the same way. Or we have shared the same hobby. I ended up our conversation happy and overwhelmed because that time I am sure that I born for the world of writing. Imagining myself to be like a famous writer or journalist or whatever job that are related on my passion.

But my day dreaming easily fade out. Because someone asked me what we are talking about. And I told everything to her. I am expecting that she will support me and encourage me like what my friends do. But I was wrong. She said that “Do you believe in that? We all know that God is more powerful and He is the only one that can predict your future. And that author is just His creation and you should not believe in that book. You’re a fool! You are easily influenced by the people around you. Writing? Writing is not related to your course. Don’t believe on it. It’s a lie.” I feel hurt on what I heard. I want to depend myself but I can’t because I was hurt. Now, I don’t know if they don’t know me. Yeah I know that God is our creator and I know also that God can provide everything we need. And He always blessed us. I know that. But all I just want to say is that book inspires me because it says what I really want. I can’t defend myself once I got hurt. I want to cry but I tried myself to stop it. I don’t want them to see me crying because they will just say I am over acting.

I attended seminar yesterday and the theme was “Life after College”. The discussion is all about the work that we will have after studying 14 years. And it all says that some of the college graduates doesn’t have work or stable work. And the reason why graduates acted like that because you did not get the right course for you. You did not find the right job for you. You will never be stable in your job unless it’s your passion in life. You will just stop looking for a job once you’ve got the right one for you. I like attending seminars because it can open your minds to reality. And it can also help us to inspired more to be what we want to be. Don’t run after opportunity instead let the opportunity run after you.

The book “Career Path” and the seminar “Life after College” are connected to each other. The topic of the two is all about your future and your passion in life.  No matter what people say against to you, you must still lighten up and be yourself. Even if you heard a lot of words that are discouraging you to the things that you want. Even if people doesn’t like it for you, the most important is YOU WANT IT. It’s your life and NOT their LIFE. People will always judge you nor you do the good or bad thing.
If you are destined in higher place, people will put you down but you will still reach your destiny. As long as you are dedicated on doing it and you have a good heart success is not impossible for you. Don’t forget that God is always part of your success in life. Everything you have right now is because of Him. Do not forget it dude.

You want it? Then do it. There’s no reason to give up. Stay positive even if you are surrounds by negative people. Stay what you are even if you have reach your greatest achievements in life. But don’t forget the people that has been part of your success and failure in life. People that are help you, and teach you in life.

Lastly, don’t forget to pray. Because before you achieve something you must face difficulties and challenges in life. Prayer is not the last option when things failed to happen, but must be the FIRST STEP before taking any actions. Accept rejections and failure because this will be your weapons that you can use someday. Do not afraid to show the real you. It’s your happiness not there’s. Prove to those people who hurt you that they are wrong in judging you and disappointing you. Remember it DUDE!!


God will guide you, live life to the fullest. Enjoy. Don’t just focus on reaching it. You must enjoy while reaching it. And I swear it’s worth the wait. 

PS. I do not own any pictures here..
Credit to the owners.