Thursday, August 4, 2016

Thoughts






Wish You Were Here

Wish you were here.. My only wish on my 20th birthday.. Even though you're not here with us, you always make us feel that we're not alone. Thank you because even if you are no longer with us, you always make us feel that you're still alive...


Sana Maging Bata Nalang Ulit Ako

  • Sana maging bata nalang ulit ako. 'Yung walang iniisip na problema. ’Yung puro laro lang iniisip. 'Yung walang pakialam sa paligid niya. At higit sa lahat 'yung wala pang expectations at responsibilities. Kaso walang forever eh. Lumilipas ang oras. Kailangan mag move forward. Kailangang mag try ng bago. Kailangang umalis sa comfort zone and continue improving yourself.. That's life. If you want to grow. Take the risk..


Kung Maibabalik Ko Lang Ang Kahapon

  • Kung maibabalik ko lang ang kahapon. Itatama ko ang lahat ng mga mali ko. Gagawin ko ang mga bagay na dapat ay ginawa ko. Sasabihin ko ang mga salitang dapat ay sinabi ko. At higit sa lahat. Sana naiparamdam ko ang pagmamahal ko sa mga taong nagmamahal 'din sa akin. Eh 'di sana wala akong pinagsisisihan ngayon. Pero posible ba 'yun? Ang hindi ka magkamali at hindi makaramdam ng pagsisisi? Imposible. Naniniwala naman ako na lahat ay nagyayari dahil may dahilan. May dahilan kung bakit mali ang desisyon ko. May dahilan kung bakit hindi ko nagawa ang mga dapat ay ginawa at sabihin ang mga salitang noon pa man ay dapat naibulalas na. At higit sa lahat may dahilan kung bakit hindi ko minahal ang mga taong nagmamahal sa akin. Mga dahilan na siguro ay makalatulong sa'yo, mga dahilan na ikaw naman 'din ang makikinabang balang araw. Sa buhay kung hindi mo pa naranasan ang magkamali, ibigsabihin hindi ka umuunlad. Nananatili ka lang sa posisyon na meron ka ngayon. Walang forever. Itanong mo sa sarili mo kung masaya ka ba at kuntento ka na sa mga bagay na meron ka ngayon sa paligid mo. Higit mo pang tuklasin ang mga bagay na akala mo hindi mo kaya. Dahil sa "What if's" na 'yan nasisira ang lahat. Normal lang naman ang magkamali. Dahil dito ka susubukin kung gaano ka katatag upang harapin ang bawat pagsubok na nakaharang sa daan mo upang magtagumpay. Kailangang matuto ka sa bawat pagkakamali mo at sa pagkakamali ng iba. 'Wag mo nang hayaang mangyari sa'yo bago ka matuto. "Learn from others experience's" mga katagang binitawan ni Sir Victor (isang public speaker) sa seminar na dinaluhan ko. Kung ayaw mong mangyari sa'yo, iwasto mo na hanggang maaga pa. Pero kung nagkamali ka pa 'din, ayos lang 'yan. Dahil ibigsabihin lang niyan ay dapat mo pang pahalagahan ng sobra ang mga bagay na meron ka pa ngayon. Dahil hindi natin alam kung kailan sila babawiin sa atin. Dahil hindi sa lahat ng bagay merong "Second Chance".


Changing Yourself Just To Be Like By Everyone Is Just Like Pretending To Be Someone Else

  • Changing yourself just to be like by everyone is just like pretending to be someone else. Nagpapanggap para magustuhan ng mga tao sa paligid mo. Ayaw mong magmukhang loser at loner. Sabay lagi sa uso. Pa famous. Dahil ayaw mong mareject at iignore. Takot ka na hindi ka nila tanggapin at layuan ka dahil naiiba ka. Natural lang naman na lahat tayo ay magkakaiba. We have our own uniqueness. You don't need to wear your mask to get the attention of everyone. Makukuha mo ang atensyon nila gamit ang sarili mong paraan. Learn to accept and appreciate what you have right now. Because some people are wishing to be in your position while you are wishing also to be in other's situation. Hindi mo kailangang ipagsiksikan ang sarili mo sa mga tao na hindi ka deserve. Hindi mo kailangang mainsicure sa kanila. Iba ka. Iba siya. 'Wag mong ikumpara ang sarili mo sa kanila. Merong mga katangian na tinataglay mo na wala sila. Quits lang lahat. Ang problema lang hindi mo kayang tanggapin ang sarili mo. Paano ka tatanggapin nang ibang tao kung pati ang sarili mo niloloko mo. Parang ang dating 'nun ay niloloko mo na 'din sila dahil nagtatago ka sa likod ng maskara mo. "Love yourself first, before they accept you." Mahalin mo ang sarili mo. Ikaw lang ang makakagawa niyan. Isipin mo. Masaya ka ba na may tinatago ka sa ibang tao? Masaya ka ba na 'di mo naipapakita ang totoong ikaw? Masaya ka ba na kinahihiya mo ang pinanggalingan mo? Ang hindi mo alam. Habang kinahihiya mo sila sa harapan ng ibang tao, sila naman ay taas noo na ipinagmamalaki ka sa iba. Hindi natin kailangang baguhin ang sarili natin upang magustuhan nila tayo. Hindi naman tayo nabuhay para sa kanila. Hindi mo kailangan ang attention, opinyon, at presensya nang mga taong ayaw sayo dahil hindi naman ito makakatulong sayo. Panggulo lang sila. All you have to do is to burn that mask. And be yourself. You don't need to hide your true personality to everyone. "Learning to love yourself is the greatest love of all."


No One Can Drag Me Down

No one can drag me down. "If your are destined in higher place, people may try you to put down. But you will still reach your destiny." Quatations na nabasa ko noong Elementary palang ako sa tig-10 pesos na babasahin na binili pa sa akin ni nanay. Myths and Legends ata ang pamagat 'nung manipis na libro. If I am not mistaken. Ang title nang kwento kung saan ko nabasa ang mga salitang iyon ay "The Jars". Simula noong nabasa ko 'yun. Hindi ko na siya nakalimutan. Nakakarelate kasi ako. Totoo naman diba? May mga tao kasi na hindi masaya kapag nagtagumpay ka sa isang bagay. Sa halip hihilahin ka nila pababa. At iyon ang magiging dahilan nila upang lumigaya. Ang makita kang miserable. Ang makita kang lugmok. Pero nagpapasalamat na 'din ako sa mga taong ganun ang pananaw sa buhay. Dahil kung hindi nila ginawa 'yun, walang magiging matatag at walang magiging malakas para harapin ang bukas. Kung wala ang mga problema. Hindi mo maaapreciate ang mga bagay na
darating pa sa'yo. Mahirap ang saya na walang lungkot. At mahirap ang puro ginhawa na walang hirap. Madapa 'man ako, tityakin kong babangon at tatayo ako para harapin ang hamon ng buhay. Walang makapagpapabagsak sa'yo hangga't nasa puso mo Siya. Never say never. Never give up. Do everything if you really want to achieve it. No one can put you down as long as you're with Him in all the battle of your life.


When Your Face And Height Doesn't Match Your Age

  • rochellestar0806When your face and height doesn't match your age. It always happened to me. Especially those persons I meet for the first time. 'Yung hindi tugma 'yung age mo sa height at itsura mo. Napapagkamalan ka tuloy laging hayskul/elementary/bata. Sa bahay, ako ang panganay pero ako 'yung pinaka maliit sa aming magkakapatid. Pinakamatangkad samin 'yung bunso kong kapatid sunod 'yung gitna. Kaya kapag may magpapakilala, ako lagi napagkakamalang bunso at 'yung gitna napagkakamalang panganay dahil daw kasi sa eye glasses niya, nagmumukha siyang matured. Girl labo kase eh. Peace tayo @annesherlie01 .. Advantage o disadvantage ba ang ganitong sitwasyon? Hindi ko 'din alam. Natatawa nalang ako lagi kapag may nakakasita 'nun. Hahaha.. 😝😝 The day before yesterday. May nagsurvey samin. Tinanong ako 'nung ale. "Ilang taon ka na?" "Mag 20 na po." Sagot ko. Tapos ang sagot niya. "Hala. Akala ko 14 ka lang." Tawa nalang ako eh. 😣😣 'Nung nagpainstall kame ng internet. Tinanong ako ni Manong. "Anong year ka na Ne?" "3rd year na po." Sagot ko. "Ahh. 3rd year highschool." Sabi niya. "Hindi po. 3rd year college na po ako. Sa BSU. BSBA po course ko." Sagot ko. "Ahhh. Sorry Ne. Ang bata mo kasi tignan, 'kala ko hayskul ka palang." Ahahaha.. Tawa nalang ulit. XD 😂😂😂 Sa office 'nung nag O-OJT palang kame, height na lagi napapansin samin. Pang anong school daw height namin dahil pantay-pantay lang daw kame. XD 😆😆 Walang advantage ang ganitong sitwasyon. O kung meron man ay 'yun 'yung lagi ka nalang matatawa. Disadvantage. Hindi mo abot 'yung safety hand drills sa mga public transportation. Hindi ka papasukin sa mall hangga't 'di mo pinapakita ID mo. Pag inutusan ako ni Nanay bumili ng sigarilyo paninda namin 'di ako papayagang magpurchase kasi menor de edad daw ako. Sa public transportation ulit. Kapag siksikan sa Bus at Train ikaw lagi maiipit ng mas malalaki sa'yo. At ngayong may curfew na sa mga minors at mag papasukan na. Plano naming magkakaibigan magdala lagi ng NSO Birth Certificate patunay na nasa legal age na kame. 😜😜 Para 'di kame hulihin at makulong. XD Dahil kung hindi namin gagawin, wala na sira na kinabukasan namin. XD. OA. Wahaha.. 😣😣

  • Saan ba ako nagmumukhang bata? Sa itsura ko o sa height ko? Mas convincing siguro 'yung dahil sa height ko.. Wahaha.. 😥😥😥
Count Down For The Last Teen Days..
Last Day Of Being A Nine Teen..


Good Bye Nine TEEN

Life is never easy. And today, I overcome my 19th year. Maraming nangyari. May masaya. May malungkot. May mga maling desisyon ngunit natutunan ang leksyon. May mga taong nawala na kahit kailan hindi makakalimutan. May mga bagay na nangyari na kahit kailan hindi mawawalan ng puwang sa puso't isip ko. May mga nagsara ng pinto ngunit may nagbukas naman ng bintana. May nagkaaway ngunit nagkaayos. At higit sa lahat may mga bagay na nawala na kahit kailan 'di na mababalikan pa. Ang dami kong hindi makakalimutan sa 19th year. Sampung pangyayari na hindi ko makakalimutan. Ayon sa pagkakasunod-sunod. (1). Naging AlDub Fan ako sa loob nang tatlong buwan. Hahaha.. Hindi ako makapaniwala. XD (2). Next is 'yung nagpacheck up si Kapatid at natakot siya sa result 'yun pala false lang. Hindi totoo. Pinilit pasiyahin sa 17th Bday niya. Dama ko lungkot niya ei. XD 😂😂 (3). 'Yung unexpected na nangyari noong October 24, 2015, miss you Lola. (4). Nakabili ako ng first ever android phone ko mula sa ipon ko. Yownn.. Sulit ipon. (5). 'Yung mag nagbalik galing sa nakaraan. Nagbalik nga siya ngunit may nawala nang tatlo. Hindi na siya naintay. (6). Nakilala ko 'yung pinsan kong may lahing Pakistan. Hello Irfan. 😆 (7). 'Yung feasibility study na may defense. Nalagasan ako ng pera dahil diyan. Nalagasan 'din ako ng tulog.. Haha.. (8). Nakapundar ulit kame ng mga gamit/nagkautang. XD (9). 'Yung achievement ni bunso. Best in Arts. Sayang lang hindi siya nakapasok sa Top 10 nila. Nagfocus sa Arts ei. Achievement niya. Achievement ng lahat. Taon-taon nalang pinapaakyat si Nanay sa Stage. XD This School Year kaya? Hahaha.. (10). Pinning Ceremony for OJT's. At 'yung nag intern ako sa Development Bank of the Philippines sa Office of the Head. Naiimagine ko pa hanggang ngayon. 'Di ko akalaing kinaya namin 'yung biyahe sa loob ng 32 days. At ngayon gusto naming bumalik ulit para sariwain. Haha. Kailan kaya..?? S O O N . . 😂😂😂 Sa loob ng isang taon maraming pwedeng mangyari. At bukas ang aking ikalawang dekada. Tanda ko na. XD Hindi na ako "teen". Tapos na ang 19.. 20 naman.. Handa na ako kung ano man ang dadating na pagsubok. Nandiyan naman Siya para gabayan at tulungan ako. GoodBye.. ✋


I'm ready for more battles!