Thursday, October 29, 2015

Likhang Tula 0.1

Para sa mga mahal natin sa buhay na lumisan na.

Makakaya Ko Kaya?

I.
Masakit tanggapin na ikaw ay lumisan
Masakit dahil ‘di na ikaw masisilayan
Mahirap na wala ka na kinabukasan
Mahirap isipin, kami iyong iniwan

II.
Naaalala magagandang nakaraan
Matatamis at malutong na halakhakan
Naalala, problema’y sinusolusyunan
Sapagkat may isang damdaming nasasaktan

III.
Paano haharapin ang kasalukuyan
Kung ang silbing inspirasyon mo ay lumisan
Tila wala ng dahilan upang mabuhay
Dahil sa paglisan mo para ring namatay

IV.
Kahit wala kana sa mundong ginagalawan
Aalahanin, masayang gunitang naiwan
Ang payo’t suporta na iyong ibinigay
Babaunin ko habang ako’y nabubuhay.



Diskriminasyon.

Bakit Kaya?

Bakit kaya…
Dito sa mundong ito iba-iba ang pagtingin?
May mga taong lilingunin at meron ding babalewalain
May mga mayaman lagging pinapansin
May mga mahirap laging nasasaktan kanilang damdamin

II.
    Bakit kaya…
Kapag mayaman agad-agad aasikasuhin
Kapag mayaman laging uunahin
Kapag mayaman laging susuyuin
Dahil ba ng mayaman kaya silang buhayin?

III.
     Bakit kaya…
Kapag mahirap agad-agad tatanggihan
Kapag mahirap laging di tinutulungan
Kapag mahirap laging iniiwasan
Dahil baa ng mahirap ay walang kayamanan?

IV.
    Sana…
‘Wag maging batayan ang estado ng tao sa buhay
Dahil lahat tayo ay nabuhay ng pantay-pantay
Mahalin sila at bigyan ng tamang pagtingin upang umunlad
Kagaya ng pagmamahal sa atin ng Diyos na walang katulad.






#HashTag AlDubarkads

I.
Nagising isang araw ang mukha ay malungkot
Sa buong maghapon ang mukha ay nakalukot
Problema ang dahilan kaya’t nakabusangot
Solusyon sating lungkot kailan masasagot

II.
Ang tamang panahon dumating na rin sa wakas
Sa mukha makikita sigla ay mababakas
Kapag tanghali na buksan na ang telebisyon
Heto na ang Dabarkads magpasaya ang misyon

III.
Masayang tanghalian ay ang kanilang hangad
Kaya naman tawanan at halakhak ay sagad
May kasamang pagmamahal sila lang ang may taglay
Buong mundo kinikillig nagbibigay kulay

IV.
Mula Batanes hanggang Julo isang sinisigaw
Eat Bulaga ang kanilang laging hinihiyaw
Ligaya’t pag-asa kanilang dala sa buhay
Damang dama ang tulong hanggang sa sugod bahay

V.
Nandiyan pa si Yaya Dub nagbibigay giliw
Talentong taglay sa DubSmash nakakaaliw
Sa nagmamahal sa kanya, turing ay biyaya
Kaya siya’y tinaguriang pambansang yaya

VI.
Nandiyan din si Bae Alden na nakakagigil
Handog ay kilig, kababaihan nagpipigil
Sa kwagapuhang niyang taglay at kabutihan
Biyayang natatanggap ‘di na nagdahan-dahan

VII.
MaiDen kapag nagsama todo-todo ang kilig
AlDub You at MaAlden kita ang bukambibig
Alden at Maine wala ng aktingang nagaganap
Tunay ang pinapakita, walang pagpapanggap

VIII.
Mga lola na gabay sa mga kabataan
Nagbibigay aral at leksyon sa pangkalahatan
Natuto tayong maghintay sa tamang panahon
Nang walang pagkakabagot ngunit mahinahon

IX.
Ang AlDub Nation, sariling record binabasag
Pagkakaisang taglay ay hindi masasalag
Record Holder at Twitter Breaker laging panalo
Suporta sa idolo walang makakatalo

X.
Hindi lamang ito puro kilig at tawanan
May mga aral ding kalakip hanggang tahanan
May mga kawang gawa din na masasaksihan
Isang tunay na halimbawa ng bayanihan

Mabuhay AlDub Nation!
*Pabebe Wave*


Tuesday, October 20, 2015

Personality Reading


The Book: I See Your Dream Job

The Author: Sue Frederick

When I enter college, I still don’t know what I really want to be. It’s just like I don’t know myself. I keep on thinking that, “What would I be after college?” But time passed I just realized what I really want. And thank you to the book entitled “I see your dream job” By Sue Frederick. She is a career intuitive who has been called the “Emeril of Enlightenment” She’s a frequent guest on radio shows and has presented workshops at venues such as the Crossings Retreat Center and the New Hope Center and for organizations such as the American Business Women’s Association and the National Career Development Association. She lives in Colorado. After I read that book I have just realized that it’s true. It’s totally me. And it was amazing. I just borrowed that book from my friend and I let it borrowed by our classmates and I am glad that they were happy to the result. This book helps a lot to those students that can’t still decide on what course they should get in college. This book will help them to guide in their right path.

I just want to share the results of my own Birth Path. How? Just combine all the numbers in your birthday. For example 08 06 1996 is my birthday. Therefore it will be solve like this: 8+6+1+9+9+6= 39 since this is a two digit number add them together. Therefore 3+9= 12 then do again the same thing 1+2=3 then 3is your birth path and you can find it in the book.
Here’s my result:

Positive Aspects: Entertaining; self-expression through writing, movement, or the arts; natural creativity; gifted communicator of ideas; playfulness; fun; beauty; charm; love of limelight; social graces.

Negative Aspects: Conceited; cold hearted; over intellectual; anti-social; verbose; superficial; jealous; lack of focus; accomplishment, or responsibility.

Birth-Path:
Social grace, playfulness, and beauty are your expressions; you love being on stage or in front of a camera or classroom. Your work must involve creative self-expression and leading others (as a teacher or writer) to find their unique ways to express themselves. Words and ideas are key to your self-expression. Don’t get too stuck in your cerebral viewpoint or you’ll lose the way. Be vary of expecting to be provided for and becoming a financial burden to love ones. Your gifts of creativity and teaching should provide a fine living.
Examples: Actor, singer, talk show host, freelance journalist, interior designer, dancer, beautician, fashion model, hostess, and social director, elementary school teacher, arts therapist.

Leo Path:
Humor, generosity, and creativity are powerful gifts that will get you far on this path. And you’ll spend lots of time entertaining us on stage. Your talent for your brilliant communication will leave a legacy, whether you make your living as a speaker, actor, comedian, or as a teacher of languages.

Talents:
Ability to create or design beautiful things, express complex ideas brilliantly through words, visual arts or dance.

To be happy at work:
Values creativity, social interaction, and self-expression.

Whom would you like to help?
Can teach creativity, self-expression, and artistic skills to anyone who wants more beauty, joy, and authenticity in their life.

Pain and Feel:
May grow up feeling uninspired, repressed, and stifled in their creativity. Their great work offers joy, creativity and new ideas to others-empowering others to express themselves.
Dreamy Careers:
Longs to dance, write, design, and creatively self-express.

The results of my birth path was really true. It’s the same thing I feel every time I feel down. This book helps me to enlighten my minds and keeps me on thinking on the brighter side of life. It teaches that always be positive. I just want to explain my result to you guys I will make it short. Yes it’s true that I’d like entertaining people. I like performing on stage. But in my own way. For me I will entertain people through my words, through writing. Because this is what I really want. And I didn’t discover it earlier. But I know I will be like this someday. But you know I can’t write when I have a problem, lack of focus. When I have many ideas but I just can’t write when there is problem. I also love to sing and dance but I’m not good at all. I’m just doing it when I’m alone and no one can see me or judge me. I always do it especially at the comfort room. Sounds weird right? But I always do. I always imagining that I’m a super star even if not. That was a craziest thing I can do. But people don’t know that I can. And I don’t want them to know about that. Why? Because I’m afraid to be judge. I’m afraid to reject and hear negative comments about my works or the things I have done. When there is performances in school and everyone should participated I always thinking on negative sides. “What if’s” I hate it. But still I want to calm myself so no one can blame me if there’s a bad thing happen. And that’s it. And I think because of this book, I can manage to change it now.
I have learned that keeps on dreaming and do things that makes you happy. You will never be happy unless you get what you want in life. Life is so unpredictable, so whatever comes on your way be stronger than you are. Keeps on thinking the positive side. And look up.

This book will help you also. This book is not available here at the Philippines. You can buy them at US. Maybe you can buy online. It’s much better if you read the whole book. Do you want to find yours? Just message me on my account I still have the copy.

Buhay Sa Unibersidad


Mahirap daw ang kolehiyo, maraming gastusin, maraming gawain at ito ay para lamang daw sa mga matatalino. Ang mga bagay na ‘yan ang kadalasang sinasabi sa atin. Nanghihinayang sila dahil aaksayahin lang daw ang pera at oras kapag hindi nagtino. Hindi naman lahat ay ganito. Iba-iba tayo.
Hindi normal ang aking naramdaman sa unang araw ng klase ko sa kolehiyo. Nalulungkot ako, naiiyak, at nangungulila ako sa mga dati kong kaeskwela at mga kaibigan. Wala akong gana sa unang araw na ‘yun. Sobrang lungkot. Samahan mo pa ng mga sabi-sabi na masungit daw ang mga professors at sobrang mahirap daw magbigay ng mga gawain. Pero lahat ng ito ay nawala, dahil napagtanto ko na mali ako. Sobrang mali.

Matagal ko na natanggap sa aking sarili na isa na akong kolehiyo. Pero hindi nagtagal ay nagugustuhan ko na ang buhay kolehiyo. Masaya pala. Sobra. Parang Hayskul lang din pala. Ang pinagkaiba lang ay nagpapalipat lipat ka na ng klasrum, may lingo na tatlong araw lang pasok mo, at may mga araw din na sobrang haba ng break niyo at didiretso sa Mall. Saya diba?
Kumuha ako ng kursong Bachelor of Science in Business Administration Major In Marketing Management. Hindi ko ito first choice at hindi ako pumili ng kursong ito. Gusto ko ba ito? Hindi. Yung first choice ko ba ay ako ang pumili? Hindi din. Titser sana ang first choice sakin ng aking ina, ngunit ang gusto ko sanang major ay hindi available sa pinaka malapit na Unibersidad ditto sa amin. Kaya wala akong magagawa. Binase ko lang din ang kurso ko ngayon sa resulta ng eksam ko sa NCAE o National Career Assessment Examination. At sa Business daw ako magpupunyagi. Kaya nandito ako ngayon.

Una akong nag eksam ng Entrance Exam sa Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa Campus. Sa kasamaang palad hindi ako pinalad makapasa dito. Hindi siguro ito para sa akin. At nagpapasalamat na din ako dahil kung naipasa ko to marahil hirap na hirap ako ngayon sa transportasyon. Buti nalang. Sa Bulacan State University-Sarmiento Campus ang sumunod na university na pinag-eksaman ko. Sabi ng magulang ko huli na to. Pag hindi ka nakapasa, hindi ka muna mag-aaral. Mabilisan nalang din to. Matapos ang tatlong araw dumating na ang araw ng eksam. Kabado? Oo, bakit? Dito nakasalalay ang kinabukasan ko at kapag hindi ko naipasa.. oras na siguro mag paalam. Ibigsabihin hindi talaga para sakin ang kolehiyo. Pero dahil kailangan ko daw mag-aral dahil kulang pa daw ang nalalaman ko. At ayun, nakapasa ako. Salamat. Tuloy ang biyahe sa magandang kinabukasan. Enrollment na. Sobrang haba ng mga pila. Balik ulit bukas kung kulang ka ng mga requirements na kailangang ipasa. Mainit, nakakauhaw, nakakapagod, at nakakainit ng ulo ang mga sumisingit. Pero kailangan maging kalmado. At ayun nga natapos din.

Unang Araw ng Klase:

Iba’t ibang bagong mukha ang nakikita ko. May maganda, may panget, may mataba, may payat, may mukhang adik, may mukhang matalino, may mukhang hindi matalino, may bakla, may tomboy, may maliit, may matangkad at may mag syota. Naghalo-halo na sila. Saan ba kayo diyan? Kapag inihambing mo ang mga mo sa Kolehiyo, masasabi mo na parang Hayskul lang din. May pasikat, antukin, musikero/musikera, matalino, bobo, lutang ang isip, wala sa sarili, reponsable, palabasa, mahilig magdrawing, model, MVP/player, bolero, malakas mang-asar, lagging pinagtitripan, matakaw, mahinhin, kulang sa pansin, may sipsip at may palabiro. Para lalo mong maintindihan. Basahin ang akda na ito na isinulat ni Bob Ong.

Isang Dosenang Klase ng High School
(Halaw sa librong ABNKKBSNPLAko?!)
Ni: Bob Ong

Clowns- Ang official kenkoy ng klase. May mga one-liner na gumigising sa lahat kapag nagkakaantukan na. Sabi ng mga teacher, eto raw ‘yung mga KSP sa klase na dahil hindi naman matalino e idinadaan nalang sa patawa ang pagpapapansin. Pero aaminin ko, walang klaseng walang ganito, at kung mayroon man, magiging matinding sakripisyo ang pagpasok sa eskwela araw-araw.

Geeks– Mga walang pakialam sa mundo, libro-teacher-blackboard lang ang iniintindi. Kahit na mainit ang ulo at badtrip ang teacher, ang mga geeks ang walang takot na lumalapit sa kanila para lang itanong kung mag-iiba ang resulta ng equation kung isa-substitute ‘yung value ng X sa Y.

Hollow Man– May dalawang uri ng HM virus, ang type A at type B. Ang type A ay mga estudyanteng madalas invisible, bakante ang upuan, madalas absent. Type B naman ang mga mag-aaral na bagama’t present e invisible naman madalas ang sagot sa mga quiz, hollow ang utak.

Spice Girls– Barkadahan ng mga kababaihang mahilig gumimik, sabay-sabay pero laging late na pumapasok ng room pagkatapos ng recess at lunch break. Madalas na may hawak na suklay, brush at songhits. Pag pinagawa mo ng grupo ang isang klase, laging magkakasama sa iisang grupo ang SG.

Da Gwapings– Ang male counterpart ng SG, isinilang sa mundo para magpa-cute. Konti lang ang miyembro nito, mga dalawa hanggang apat lang, para mas pansin ang bawat isa. Tulad ng SG, kadalasang puro hair gel lang ang laman ng mga utak ng mga DG.

Celebrities– Politicians, athletes, at performers. Politicians ang mga palaban na mag-aaral na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng eskwelahan at kapwa estudyante kesa sa grades nila sa Algebra. Athletes ang ilang varsitirian na kung gaano kabilis tumakbo e ganoon din kabagal magbasa. Performers naman ang mga estudyanteng kaya lang yata pumapasok sa eskwela e para makasayaw, makakanta, at makatula sa stage sa tuwing Linggo ng Wika. Sa pangkalahatan, ang mga celebreties ay may matinding PR, pero mababang IQ.

Guinnees–  Mga record holders pagdating sa persistence. Pilit pinupunan ng kasipagan ang kakulangan ng katalinuhan. Sila ang kadalasang nagtatagumpay sa buhay. Masinop sa projects, aktibo sa recitation. Paulit-ulit at madalas magtaas ng kamay kahit na mali ang sagot.

Leather Goods– Mga estudyanteng may maling uri ng determinasyon. Laging determinado ang mga ito sa harapang pangongopya, bulgarang pandaraya, at palagiang pagpapalapad ng papel sa teacher. Talo ang balat ng buwaya sa pakapalan.

Weirdos– Mga problematic students, misunderstood daw, kadalasang tinatawag na black sheep ng klase. May kanya-kanya silang katangian. Konti ang kaibigan, madalas mapaaway, mababa ang grades, at teacher’s enemy.

Mga Anak ni Rizal– Ang endangered species sa eskwelahan. Straight ‘A’ students, pero well rounded at hindi geeks. Teacher’s pet, pero hindi sipsip. Hari ng Math, Science, at English, pero may oras pa rin sa konting extra-curricular activities at gimmicks.

Bob Ongs– Mga medyo matino na medyo may sayad. Eto ‘yung estudyanteng habang nagle-lecture ‘yung teacher e pinaplano na ‘yung librong ipa-publish nya tungkol sa mga classmates n’ya.

Commoners– Mga generic na miyembro ng klase. Kulang sa individuality at katangiang umuukit sa isipan. Hindi sila kagad napapansin ng teacher pag absent, at sa paglipas ng panahon, sila ang mga taong unang nakakalimutan ng mga teachers at classmates nila.
Oh. Ayan. Nandiyan na lahat ng gusto kong sabihin. Lahat yan meron parin sa kolehiyo. Hindi na ata mawawala ang lahat ng ‘yan. Pero aminin man natin o hindi kulang ang klasrum kung wala ang mga ganyang uri ng tao. Magiging walang gana ang buong tao o semestre na magkakasama kayo. Kaya pahalagahan niyo din sila. Alam kong nakikita mo ang sarili mo sa mga isa iyan. Isekreto mo nalang.

Unang Pakikipagkilala:

Umupo ako sa isang bakanteng upuan na malapit sa may mga tao. Para makipagkilala na. Pero habang minamasdan ko sila napagtanto ko na hindi sila ang uri ng kaibigan na hanap ko. Masyado silang madaldal at ayokong mahawa ako sa kanilang ugali. Kaya ayun, nanahimik muna ako. Tinitignan ang bawat dumadaan, naghahanap ng pogi at maganda, naghahanap ng kakilala at ng mga taong pwedeng kaibiganin na ilaagay ako sa tama.

May nakita nga akong kakilala kaso hindi kame magkaklase. Kaklase ko siya sa hayskul at malapit kami sa isa’t isa. Sayang nga at hindi kame pareho ng seksyon kahit na pareho kame ng kinuhang kurso. Wala pa din akong napipiling kaibiganin. Hanggang sa “May nakaupo na diyan?” tanong sakin ng isa kong kaklase na kakadating lang. “Wala pa” sagot ko. At agad naman siyang umupo sa tabi ko. Napaisip ako, eto na yun. Eto na yung kaibigan na hinahanap ko. At sa tagal ng aming propesor nagkakwentuhan kame. Nagpakilala sa isa’t isa na may kasamang handshake. Itago na’lang natin siya sa mga initials na Ms. DZB. Pareho pala kame ng sitwasyon, yung kaibigan niya din pala ay nasa kanilang seksyon din. Ibigsabihin yung mga kaibigan naming ay magkaklase. Gusto ko siya dahil matalino siya at magaling siyang magsalita. Sa tingin ko ay mahahawaan niya ako ng kasipagan sa pag-aaral at natutuwa ako.

Unang Pagbisita ng Propesor:

Dumating na siya. Kinakabahan ako. Mukha siyang masungit. Dito na ba magsisimula ang paghihirap ko sa Kolehiyo? At dahil unang araw palang ng pasok nag pakilala lang sa isa’t-isa at may pinadala siyang mga iilang gawain na ipapasa sa susunod na lingo. Napaisip ako. “Madali lang pala.” Sa aming pagkikipagkilala lagging tinatanong ay kung sino daw baa ng pumili ng kurso naming? Magulang daw ba o kame? Una o pangalawang pagpipilian lang? Gusto ba naming ito o hindi. At nung matapos na ang kalokohang iyon, napagtanto ko na hindi lahat gusto ang kurso na kinuha nila. At pareho lang kame lahat ng mga dahilan. Magulang ang pumili. Hindi kinuha ang kurso na yun dahil mahal at malayo ang eskwelahan. Ang nangyare tuloy ay kung saan ang pinakamalapit at kung anong kurso lang meron dun, yun na lang. Kaya nasabi nalang ng propesor naming na. “Hanggang maaga pa, lumipat na kayo. Hindi kayo magiging masaya dito hangga’t hindi niyo hilig ang kursong ito. Mahihirapan kayong ipasa ito kung iba ang tinitibok ng puso niyo. Hindi kayo kailangan dito. Doon kayo sa kurso na ikakasaya niyo!” Yaan ang mga sinabi niya. Totoo naman diba? May nagsabi pa nga na “Kung mga magulang niyo lang din pala ang pumili ng kurso para sa inyo eh di sila nalang ang mag-aral.” Natawa ako dito.

Sa pagtatapos ng kanyang oras napagtanto ko na hindi naman pala masungit o mahirap. Basta sundin lang lahat ng pinapagawa at mag-aral ng mabuti. Siguradong papasa at makakatapos ka.

Unang Lunch Break:

Kakain ba ako? Tanong ko sa sarili ko? Sanay kasi ako na hindi kumakain kapag nasa labas. Matipid kasi ako. Nag-iipon para sa mga gastusin sa hinaharap. Kaya yung 100.00 ko na baon ay hindi ko talaga inuubos, dapat may matitirang 50.00. Sa makatuwid 50.00 lang din dapat ang mabawas. Kasama na ang pagkain at tranportasyon. Minsan kasi nilalakad lang namin yun, mula skul hanggang sa bayan.

At ayun nga ang daming pagkaing pwedeng bilhin kaso kailangang magtipid. Pero hindi ko akalaing mababago ko ito. Sa tamang panahon.

Unang Lecture:

Nagulat ako. Iba na pala ngayon. Kung dati papel at panulat ngayon kamera na. Yung mga android phone ang gamit nila. Kaya picture picture nalang sila. Samantalang ako. Sulat ditto sulat doon. Dahil ang cellphone ko lamang ay isang keypad Cherry Mobile C8. May kamera pero malabi. Para sa komunikasyon lang talaga. At pinangako ko sa sarili ko na makakabili din ako niyan. Sa Tamang Panahon.

Hindi pa din talaga ako nagbabago, pagdating sa mga ganitong oras, tinatamad ako making. Inaantok ako. Walang gana. Lalo na kapag nakakaantok talaga yung nagtuturo. Pero kailangang labanan ang antok dahil kung hindi mapapalayas ka sa klase.

Unang Uwian:

Ang hirap makauwi. Walang kasabay sa tricycle. Ayokong magpaspecial dahil mahal ang babayaran. Mag-iintay ka muna ng ilang minute o minsan pa nga oras ang hihintayin. At ayun nga kapag nakasakay kana. Jeep naman yung poproblemahin. Ang tagal lagi punuan, pero minsan lang naman yun. Nakakainis lang kapag natrapik ka pa. Unang sakay ko yun sa Jeep ng mag-isa. Hindi kasi ako gala at hindi ako sanay sumakay ng jeep ng walang kasama. Pero nagkamali ako, kaya ko pala. At nagagawa ko yun ngayon. Nakakarating na ako sa mga malalayo. Yung tipong kapag napuntahan ko na ng isang beses kaya ko ng pumunta mag-isa. Makakauwi ka naman kung marunong ka magbasa at magsalita. At kung hindi naman. Maliligaw ka.

Unang Eksam:

Tuwing eksam hindi maiiwasan ang mga hindi nagrereview, at isa ako dun. Yung tipong pagkauwi ng skul sasabihin mo sa sarili mo na “Sige. Mamaya magrereview ako. Pahinga lang sandal.” Pero nakatulog ka tapos sasabihin mo na “Iseset ko nalang alarm, gigising ako ng maaga para magreview.” Pero kapag tumunog na yung alarm, paulit-ulit mo nalang itong papatayin hanggang sa maghahanda ka na para pumasok at magmamadali kana dahil magrereview kapa kunti. Ako to ei. Lagi koo to atang ginagawa kapag hindi ko gusto yung subject.

Pero ayun na nga tuwing eksam. Hindi na ata maiiwasan ang pangongopya. Kung mahina ka. Hindi ka makakakopya. Minsan nga gumagamit pa ng kodigo. Alam mo bang may bago ng paraan ng pangongodigo? Hindi na uso yung ilalagay yung sagot sa panyo, isusulat sa may binti, isusulat sa table, isusulat sa kamay, magpupunit ng maliit na papel tapos isusulat ang sagot at yung istilo na kunwari may nalaglag titingin nap ala sa kodigo. May bago ng paraan ngayon. Kung may Android phone ka, madali lang sayo ito. Open lang ang Bluetooth tapos ayun na, pasahan na ng sagot. Matapos kuhanan ng litrato ang papel handa na upang ibahagi sa lahat. Wala ng imposible ngayon. High tech na eh. Kawawa ang walang Android. Magagamit mo na ang Android sa lecture at eksam. Kaya sa wala pang android? Bili na kayo. OPlus ah? Para suporta kay Maine Mendoza. XD

Ngayon:

Napagtanto ko na lahat ng inisip ko sa simula na negatibo, lahat yun mali. Dahil ang saya pala. Marami ang nabago sa akin maliban lang sa Cellphone ko. Nagiging responsible na ako. Yung tipong ako gagawa para sa lahat. Kumakain na ako kahit hindi lunch o kahit lunch na. Yung tipong kunti nalang natatabi ko. Pero ayos lang yun, ang mahalaga maging masaya sa mga nalalabing ilang araw sa kolehiyo. Dahil isang taon na lang magtatapos na ako. At kapag nagtrabaho ka daw ay nakakamiss ang mag-aral. Kaya susulitin ko na ang isa’t kalahating taon para magsaya at subukan ang mga bagay na hindi ko pa magagawa. Alam kong marami pa kaming dapat pagdaanan. Marami pang paghihirap. Marami pang away kapag hindi kame nagkakaintindihan. Marami pang sasagutang eksam. Marami pang ipapasa. Marami pa. Sobrang dami pa. Pero dapat habang ginagawa mo ‘yun, nag-eenjoy ka dahil mas masarap gawin ang isang gawain kapag masaya ka at gusto mo ang ginagawa mo. Huwag mong madiliin, dahil kapag nagmadali ka magiging walang kwenta lang ang mga ginagawa mo.
Ngayong kolehiyo natutunan kong kumilos ayon sa edad at sa pinag-aralan mo. Makisama, kahit alam mong ayaw niya sayo at ayaw mo sa kanya kailangang magpanggap na gusto niyo ang isa’t isa. Para may magawa kayo. Kailangang habaan ang pasensya dahil ang sarap sa pakiramdam kapag natapos mo ang isang bagay na pinaghirapan mo. At higit sa lahat, natutunan kong magsaya kahit gaano pa kahirap ang mga pinapagawa sa inyo. Kaya natin ‘yan.

Ang sarap marinig ang salitang “Congratulations!!!” Tapos magcecelebrate kayo lahat sa na achieve mo. At gusto ko ang susunod na CONGRATULATIONS na marinig ko ay sa araw ng pagtatapos ko. Ang sarap kasi isipan na, sa wakas tapos ka na sa lahat ng requirements, quizzes, eksams, thesis, defense, projects at kung ano-ano pang pangpahirap pero pampatatag naman sa bawat isa satin. At lahat ng natutunan ko sa aking Alma Matter ay aking dadalhin hanggang ako ay nagtatrabaho. Marami akong gustong abutin at gawin. Hindi lamang para sa aking sarili kundi para din sa aking pamilya at kapwa ko. At magpasalamat tayo sa mga taong nakatulong sa atin para makatapos tayo. Magulang, kapatid, kaibigan at higit sa lahat ang panginoom. Kung ipahihintulot ng panginoon sana makamtam ko lahat.

Masarap ienjoy ang mahahalagang araw sa buhay mo kasama ang mga baliw at puno ng kalokohan niyong magkakaibigan. Dudugtungan ko nalang ito kapag nakapagtapos na ako.

Sa pag-aaral hindi maiiwasan ang may humadlang at magpahirap, pero kung gusto mo talaga makuha ang isang bagay, walang kahit sino ang makakapigil sayo. WALANG MAKAKAPIGIL SA AKIN! Kayanin mo ang bawat pagsubok na ibinibigay sayo/sa atin. Kaya natin’to. Mas masarap damhin ang isamg bagay kapag sa hirap mo nagmula. Hingi lang muna tayo tulong kay Lord. Tutulungan niya tayo.

P.S. I do not own any pictures here.

Credit to the owner.